Umiiksi na ang pasensya ni Aldrin sa katigasan ng ulo ni Erwin Ruzon kahit anong tanong niya rito at pagbabanta ayaw nitong makipagtulungan sa kanila. "Sinabi ko na nga sa inyo na wala na kong konektado sa kanila! Kaya nga ako nandito dahiL nagtatago ako sa kanila pagkatapos kong itakas ang pinagbentahan ng delivery nila sakin sa isang Chinese ,"naiirita na rin nito turan sa kanila. Mariin na naikuyom ni Aldrin ang mga palad. Kunti na lang tatama na yun sa pagmumukha ng lalaki. " Alam mo kung saan ang hideout nila iyun ang gusto ko malaman,Erwin,"mariin at may babala na sa boses niya. "Hindi ko alam!" angil nito sa kanya. Doon na sumambulat ang inis niya para rito. Nabuwal ito sa damuhan ng suntukin niya ito. "Puta! Bakit mo ako sinuntok?! Nagsasabi naman ako ng totoo ah!" galit nito

