Pagilas ang prinsesa! Kanina pa niya pinamamangha ang mate niya! Napangisi ang prinsesa sa panunudyo ng wolf niya. Nilanghap niya ang malamig na panggabi-hangin. Lumapit siya sa ilog. Kumikislap ang tubig niyun dahil sa liwanag ng buwan at payapa ang tubig sa ilog. We're in heat..pwede na yan! Agad na hinubad niya ang kasuotan hanggang sa pang-ilalim na lamang ang natira. Nasisiyahan na lumusong siya sa ilog. Hindi naman ganun kalalim ang tubig kaya nagawa niya pang magpalutang ng nakatihaya at tumitig sa buwan. Hay... Ipinikit ng prinsesa ang mga mata at hinayaan ang sarili na nakalutang lang sa tubig. Relax na relax siya kahit papaano nakakatulong ang malamig na tubig na mabawasan ang pag-iinit ng katawan niya. Sa palagay niya ay nakaidlip siya naalipungatan siya ng may humablot sa

