Nakatingin ako sa mabasang lupa at kahit umuulan alam kung napupunta ang luha ko doon at kahit anong gawin ko hindi kuna maibabalik ang buhay ni Axel. Humalo sa tubig ang kanyang mga dugo at sa bawat patak ng ulan ay siya namang paggunaw ng aking buhay na hindi ko alam. Hinawakan ako ni Rayle sa kamay at tinuro si Axel na ngayon ay dahan-dahan na nalalagas ang kanyang katawan. “Kailangan natin siyang ilibing sa kanyang bato,” si Rayle na mismo ang bumuhat sa kanya patungo sa kanyang bato na nasa malapitan lang. Mabilis na humukay si Ace at doon nila nilagay si Axel na hindi nagtagal naging abo nalang ito at nababasa ng tubig ang kanyang mga abo. Sa oras na binalik nan i Ace ang lupa mabilis na tumubo ang bulaklak doon at marahang hinaplos ang bulaklak. “Magpahinga kana Axel alam kung pago

