Bitbit ang aking espada dahan-dahan akung naglakad papunta sa kinaruruunan nina Ace habang lutang na lutang ako at hindi ko alam kung ang aking gagawin. Sino ba naman ang hindi magiging lutang kung itong desisyon na ito ang guguho sa buong buhay mo hindi lang sa buong buhay mo dahil talagang apektado na ang lahat-lahat sayo. At kahit ilang luha pa ang sasayangin ko hinding-hindi na ito magbabago pa halata namang hindi na magbabago ang lahat ng ito at sa huli ako nga talaga ang magdudusa. Habang naglalakad ako sa kalaliman ng ulan at sa mga malalakas na kulog at kidlat mas lalo lang sumasakit ang puso ko kapag nakikita ko sina Aris na ngayon ay nakatingin sa akin at mukhang binabantayan talaga nila ako kung ano ang aking gagawin. “Mukhang binagsakan kana ng langit at lupa ngayon Kleyton!”

