Hindi ko alam kung ilang minuto kaming dalawa na nagkakatitigan basta ang alam ko sobrang sama ng tinginan namin sa bawat isa na kung nakakapatay lang talaga ang tingin malamang kanina pa kaming dalawa dito nakabulagta sa lupa. Humigpit ang hawak ko sa aking espada habang ramdam ko ang pagtulo ng aking udgo mula dito, aminado naman ako na malakas siya pero hindi ako magpapatalo sa kagaya niya. Wala nga siyang papel sa buhay namin ni Rayle isa lang naman siyang hamak na bruha na walang ibang gawin kundi ang maging baliw at mangarap sa buhay niya na kahit kailan hindi naman mangyayari! “Mukhang kaya mo naman siya Ensay kami na ang bahala sa mga kasamahan niya,” doon ako napatingin sa lalaking nagsalita na kasama ng walang hiyang bruhang ito na ngayon ay nakatingin nadin sa akin at nakangis

