Kitang-kita ko ang pagbabaga ng kanyang mga mata matapos kung sabihin ang mga salitang iyon na parang aatakehin na niya ako pero nanatili lang akung kalmado at hindi nagsasalita sa kanya peor ang kamay ko nakahawak ako kay Rayle. “Huwag mo akung subukan dahil makakaya kitang patayin kapag gusto ko! Ano ang ipinag-mamalaki mo ang kapangyarihan mo ngayon baka nakalimutan muna kinuha mo lang ang kapangyarihan ni Esther kung wala iyan wala ka din namang silbi kagaya ng ibang tao sa mundo niyo!” hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon nagbabaga ang kanyang mga mata. “Ang lakas din naman kasi ng loob muna kalabanin ako na wala ka namang kwenta at binatbat!” ako naman ngayon ang napatawa ng pagak sa kanya at binitiwan ang kamay ni Rayle na k

