Habang hawak-hawak ni Rayle si Iris na ngayon ay nandoon parin ang takot sa kanyang mukha at panay ang tulo ng kanyang luha na alam kung nasasaktan si Iris. Mabilis ko siyang hinawakan sa kanyang kamay at bigla nitong piniga ang aking kamay dahil nadin siguro sa sakit na kanyang nadarama habang ako naman tumulo naman ang aking luha habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Tita Aly kapag nalaman niya ang nangyari sa kanyang anak at ako ang kanyang sisisihin dito kasi hindi ko binantayan at pinagtanggol si Iris hinayaan ko lang siyang mapaslang ni Esmeralda. “Kailangan na matigil ang pagdurugo ng kanyang sugat!” malakas na sigaw ni Axel at inagaw si Iris kay Rayle habang ako naman hindi parin alam kung ano ang gagawin. Para akung nawalan ng utak habang tinitign

