Binabalot na ako ng aking buong galit ng bigla nalang sumulpot sa aking harapan si Rayle na kinakabahan at mabilis na hinawakan ang aking kamay. Dahan-dahan ko siyang tinignan kung saan kaagad na nawala ang galit sa aking buong mukha ng makita ang lalaking mahal na mahal ko, bumabalik ang lahat-lahat na sinabi sa akin ni Esmeralda kanina pero mas pinili ko nalang na huwag isipin iyon kasi alam ko namang hindi totoo ang kanyang mga sinasabi na sinasabi niya lang iyon para guluhin ang aking utak at kapag naniwala ako sa kanya sa huli ako parin ang talo. “Bakit hindi mo sabihin sa kanyang totoo Rayle?” mas lalong nanigas si Rayle sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang sinabi ni Esmeralda kahit ako ay bigla ding nagulat sa naging reaksiyon ni Rayle kasi alam ko talagang nanigas siya sa kanya

