Habang nahuhulog kami sa mataas na building ang malakas naman na sigaw ni Ivan at mura ang napupuno sa aking buong tenga, kung gaano siya kaingay ng unang-unang talon namin sa building iyon din ang kanyang sigaw ngayon hanggang sa tuluyan na kaming maka-baba at ang mga knight ang sumalo sa kanya habang ako naman ay mabilis na nilabas ang aking espada na kaagad nalang kaming pinalibutan ng mga alagad ni Esmeralda habang naglalaway sila at handa na kaming atakihin. “Putangina naman Kleyton sinabi ko sayo na hindi ako tatalon at hindi ako kagaya muna basta-basta mo nalang itatalon sa building tao kapa ba?” doon ako napatahimik at dahan-dahan na napatingin kay Ivan dahil sa kanyang sinabi kasi kahit ako nagdududa na ako kung ano talaga ako tao paba ako o demonyo na dahil sa nangyayari sa akin

