Ng magsalubong ang mata naming ng goblin na iyon hindi pa siya nakakisap ng kanyang mga mata ng mabilis kuna siyang pinutulan ng ulo na kaagad naman ikinatawa ng aking mga kasamahan sa likod, kung noon nagtatago lang ako sa kanilang likod o tumatakbo ako pero ngayon papatay ako kahit ano ang kanilang gawin. Tinignan ko ang kanyang katawan na dahan-dahan na naging abo kapag makita sila ng mga tao ngayon alam kung malaking kaguluhan na ito sigurado ako na buong mundo magugulantang dito, sino ba naman ang hindi matatakot sa kanila kung itong mukha ang sasalubong sayo. “Hindi na ako magtataka na mas lalong hahabulin ng bruha na iyon ang katawan mo Kleyton lalo pa at nalaman na niya nag tungkol sa mundo na ito,” doon ako napatigil sa sinabi ni Ace kaya napatingin ako sa kanya na sabay hawak n

