Para akung hinihila nalang bigla ng maramdaman ko ang malakas na hangin at napadilat ako ng aking mga mata at laking gulat ko ng makita ang mukha ni Esmeralda na gulat nagulat ng makita ako. Maski ako nagulat din sa aking nakita kasi sa pagdilat ko palang mukha na kaagad ng bruha ang aking nakita at hindi ko din alam kung bakit bumalik na ako, akala ko ba ginamit ng demonyo na iyon ang katawan ko tapos ngayon ako naman at hindi pa ako naka-pagsalita ng maramdaman ko kaagad nag panakit ng aking buong katawan at ang mukha ni Esmeralda nag alit nag alit at hindi ito ang Esmeralda na aking naalala basi sa alala ng demonyo na iyon tapos ngayon ko palang nakita ng personal ang bruha na ito. Binalot ng kaba ang aking buong puso habang nakatingin sa kanya kasi kakaibang kapangyarihan ang aking nak

