"You will have to straighten your back and then twirl." we did as mother instructed. Nahihilo an ata ako dahil sa sobrang daming paikot-ikot ng sayaw na 'to. "Good job, you two! And then take a curtsy when the music ended."
Kuya Cadmael and I bowed at each other at saka kami nag-apir. "Urgh! Ang cute ng lil Ali ko!" he suddenly hugged me. I don't know where did he get the name Ali, even kuya Alfred was calling me a different name. Kuya Cadmael is my partner for today's etiquette dance practice. Yesterday I was with Kuya Alfred na ngayon ay wala dito, dahil kasama nito ang count.
"Ang talented naman ng mga babies ko! Mother is so proud!" bigla niya kaming niyakap na dalawa. Yes, I'm learning basic noble etiquette from mother for the upcoming founding anniversary of the Aetos Kingdom. It wasn't that rough, what she was teaching me was just simply how to bow properly to the nobles and how to dance.
Hayp na 'yan, wala man lang nag-inform sa akin na ang daming keme-keme na ganito rito. At saka 'yung sayaw wala man lang ka-beat beat! Ang boring at nanibago ako syempre. Pero kahit na ganoon, nakapag-adjust pa rin ako.
Grabe adaptability skills ng mga Filipino pati rito nagagamit ko!
"Mother, don't call me baby! I'm a grown-up!" Cadmael pouted. Sus, mas baby ka pa nga sa akin, eh.
Mother just laughed."Okay, my baby and not baby, why don't we try another whole song before we take a break?" we both agreed. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa pag-sayaw.
Duh, dancer at singer kaya ako sa banyo.
Oo nga pala! About sa adobo incident na nangyari noon. Syempre hindi nila nakuha ang gusto nila sa akin at pinaalis sila ng count. Duh! common sense! May balak ata silang gawing taga-luto ang isang five years old!?
Sabi ko na nga ba may mga lahing Sisa rito, eh.
Pero mag-mula noon, ang dami kong natatanggap na mga letters about me going to their party. Syempre hindi ko pinapansin! Bawat dating na letter ay agad na nagpepresinta sila kuya na sila na ang magsusunog noon. Wala naman akong say dahil wala rin naman akong pake sa mga ganoon.
After practice ay napag-desisyonan namin na mag-snacks sa garden. Napatingin ako sa bintana kung saan nakikita ko ang labas habang hawak ni Kuya Cadmael ang kamay ko.
It has been a month.. "Sanister.. ginhost mo na ba ako.."
"Hm? May sinasabi ka ba Ali?" natauhan ako bigla, what am i even saying!
Umiling ako. "Nothing, brother." I smiled at him. Kinurot naman niya ang pisnge ko. Buti na lang hindi niya narinig.
Yes, it has been a month. Still no Sanister and close na kami ng dalawa kong kapatid. While sa count ay ganoon pa rin, pero may mga time na ginagamitan niya ako ng yes or no questions.
Like, 'Kumain ka na ba?' tapos sasagot naman ako ng 'yes'. Tapos, wala na ulit.
But, kahit na ganoon ay ramdam at nakikita ko pa rin na nage-effort siya para maka-close ako na anak niya. I don't know why they never had asked me about my sudden change of attitude. From being quiet and gloomy to curious and pala-kwento at gala. Even sa adobo incident ay wala silang sinabi.
"Ali! Kung kinakabahan ka sa unang ball mo, huwag kang mag-alala! Brother Cadmael is here to protect you!" he looked determine. Gumaan naman ang loob ko doon. Actually, noong isang araw pa ako nakakaramdam ng kaba sa anniversary ball na 'yan. Syempre maraming mga importanteng tao roon at simula noong mapadpad ako sa mundong 'to, 'yung tailor pa lang at mga tao sa bahay ang nakakasalamuha ko. Grabe ang kaba ko maybe dahil dalawa pa lang ang party na napuntahan ko noong past life ko.
Christmas party namin noong highschool at birthday ng bestfriend ko. Hahaha!
I'm worried, but I think I'll be fine since I'm with them. I smiled.
--
"Honey, gusto mo bang ako na lang ang pumunta? Ikaw na lang ang maiwan dito--"
"It's okay, I'll be back! Just stay there hindi naman ako magtatagal!" Bumaba si mother ng carriage dahil may dadaanan daw siyang bulaklak para sa reyna. Samantalang ang dalawa kong kapatid ay nauna na since mga knights in train sila, kailangan sila sa parade.
Kaya naman kami ng count-- I mean father ang naiwan dito sa carriage. Ang awkward tuloy dahil hindi siya nagsasalita. I think one of the reasons why he's afraid to approach and converse me first is because I might show the same behavior the first time I saw them. Now, I feel bad.
Pa-simple ko siyang sinilip na nakaupo sa harap ko.
0__0
What the.. why is he wearing a helmet used by knights? At saka saan niya isinginit 'yon? Wala naman siyang dala kanina, ah?
Hindi ko napigilan ang hagikgik ko. I saw him flinch. Nakakatawa kasi, para siyang cast ng star wars. Sinilip ko siyang muli, and he's scratching his face kahit na nakahelmet pa rin siya. Mas lalo akong humagikgik kaya todo pigil ako sa tawa ko. LT ka lods, Hahaha!
Tumingin na lang ako sa labas para ma-distract ako. Nakaka-amazed ang lugar na 'to. I think ang lugar na ito ang tinatawag nilang Prisclia. According to Nanny, twenty minutes ang layo ng lugar namin sa capital kaya naman maaga pa lang ay umalis na kami dahil baka maabutan daw kami ng parada.
Ang lugar na tinigilan namin ay parang palengke dahil habang dumadaan kami kanina ay marami akong nakikitang mga stores na kung ano-ano ang mga tinda. Parang mas gusto ko ngang mag-lakad para makapag-tingin tingin ako. Pero hindi basta-basta ang paglabas ng mga nobles lalo na kung hindi familiar sa lugar.
Huhu! Pero gusto ko talagang mag-lakad! GUSTO KONG GUMALA! Nag-crave tuloy ako bigla sa fishball. Meron kaya sila rito 'nun? Like, mga tusok-tusok.
"Pwet-ACKK!" muntik na akong atakihin sa gulat nang biglang gumalaw ang carriage namin. DIYOS KO PO! 'YUNG WORD NA 'YAN PAKI TANGGAL SA SISTEMA KO KAPAG NAGUGULAT AKO!
"Are you okay?" hindi ko napansin, hawak na pala ako ni father. Syempre sa liit ko ba naman na 'to, malamang susubsob ako!
"Yes."Tumango naman ako. 'diba, yes or no questions ang bonding namin.
"HINAHAMON MO BA AKO?! BAKA GUSTO MONG MAKATIKIM TALAGA SA AKIN!" ack! May away pa ata. At mukhang nadamay pa kami.
"Ano ang nangyayari diyan?" rinig ko ang inis sa boses niya. "Wait here." Iniayos niya ako ng upo bago siya lumabas ng karwahe at iniwang bukas ang pinto.
"C-count! Bigla na lang hong tinulak 'yung lalaki at bumagska sa carriage. Pinapaalis ko sila pero hindi ako pinapansin atsaka baka manakit!" I heard the carriage man.
Ah, akala ko nabangga nung bata 'yung truck. Charot!
Tumingin na lang ako sa labas, fighting the urge to go out--Huh?
"Sanister.. ?!"
Agad-agad akong tumalon palabas ng carriage at saka hinabol ang nakita kong batang lalaki na may mahaba at puting buhok. It's Sanister! It's obviously him! Siya lang ang may mala-uban na buhok na 'yon!
Nakit ko siyang lumiko sa parang walang katao-taong eskinita, ngunit pag-liko ko ay dead end na. "Sanister! Where are you?" luminga-linga ako. "Huy, Sanister! Snow white? Lolo!" pero walang Sanister ang lumabas.
Did I see wrong? Pero sigurado akong may nakita akong lumiko na lalaki rito.
Teka--! H-hindi kaya multo 'yon?
Nagtaasan ang mga balahibo ko kaya napa-antanda ako. Babalik na sana ako sa carriage namin nang bigla akong mapaupo dahil may isang malaking bagay ang humarang sa daan ko.
"Hello.. *hik* ang cute mo naman *hik* Isa ka bang noble?" Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa harap ko ang isang lalaki na malaki ang katawan at amoy alak. "Naliligaw ka ba? *hik* Tara.. hatid kita, my Lady."tumawa ito. Iniiwas ko agad ang sarili ko nang sinubukan ako nitong hawakan sa braso.
"Huwag ka nang-pakipot, miss. Gusto mo rin naman, eh. Tsaka saglit lang tayo."
Pinigilan ko ang sarili ko na huwag manginig. Pilit kong hinahabol ang hininga ko at ang bilis din nang t***k ng puso ko. It's happening again. Napapikit ako ng mariin.
Ito na ba ang katapusan ko?
"Tara na.. *hik* my Lady, hahaha--URGH!"
O_o
Bigla na lamang siyang napa-upo at namalipit sa sakit nang biglang may manipa ng ba-- eggballs niya mula sa likod. At mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita kong siya ang bata na sinusundan ko.
I can't see his face because his shoulder length white and curly hair was covering it.
"HUMANDA KA--URGH!"
Bigla siyang lumapit sa akin and offered his hand para itayo ako, pinagpag niya pa ang dumi sa dress ko. Tinanggap ko naman ang kamay niya habang nakatulala pa rin ako sa kaniya. "Holy hair.." hindi ko na na-realized kung ano ang nasabi ko noon, dahil masyado akong na-distract sa buhok niyang silky at pang-hair commercial niyang buhok.
Nagmadali siya nang biglang subukang tumayo ng lalaki. Hinatak niya ang kamay ko at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Sumunod lang ako sa kaniya while still admiring his beautiful hair.
Wow, nagpapa-hair treatment kaya siya?
Somehow, nakalimutan na ng katawan ko ang nangyari kanina dahil sa buhok niya. I want to touch it..
Sa sobrang pagka-starstruck ko ata sa buhok niya ay late ko na na-realized na patakbo na sa akin ang ang count at ang umiiyak kong ina.
At wala na rin sa paligid ang batang lalaki na nag-ligtas sa akin.
***
To be continued: The mysterious white haired boy.