"Vwien!"
"Young miss!! Saan punta mo at bakit mag-isa ka lang? Gusto mo bang samahan kita?" she looked happy when she saw me running towards her. "Or, namiss mo ako? Hihi" pinantayan niya ang tangkad ko and I can see the sparkles in her eyes. Mabuti naman at hindi na siya umiiyak ngayon sa tuwing naririnig niya akong magsalita.
Umiling ako. "I want to see brwother Alfred and brwother Cadmael." muntik na akong matawa sa disappointed niyang mukha.
"Aray, na-heartbroken ata ako dahil sa'yo young miss, huhu." nagkunwari pa siyang may pinunasan na luha. "Pero kung sila Young master, nakita ko sila na sumakay ng carriage kaninang umaga dahil oras na ng sword training nila." she answered.
Ako naman ang na-disappoint. Tatlong araw na nila akong iniiwasan dahil sa nangyari sa green house, which is a green house pala talaga na pag-mamayari ng great grandmother ko sa father side. The count gifted it to my mother on their first anniversary and my mother was the one who has taking good care of it eversince.
Sa lakas nang sigaw ng dalawa nang makita nila ako, narinig agad ito ng mga maids kaya hindi ko man lang sila napatigil agad sa pag-iyak dahil nag-datingan ang mga ito. Sa panic nilang lahat, pinaalam agad nila sa count at countess ang nangyari na akala mo ay may nag-tangkang pumatay sa akin. Kaya mabilis pa sa alas kwatro na nakarating at nadatnan kami sa ganoong kalagayan.
Hindi naman malalim at grabe ang sugat ko kaya napa-mganga na lang ako sa mga akto nila, until ma-realized ko na ako nga pala ang unica ija ng pamilyang ito na kaka-galing lang sa comatose at nito lang nakapag-salita.
"May gusto ka bang sabihin sa kanila para masabi ko sa kanila pagkadating?"Vien asked. I wanted to apologize to them, is what I want to say. Pero hindi ko alam kung paano sila i-approach. Naiisip ko rin na kaya hindi nila ako pinapansin ay dahil sa galit sila sa akin, dahil ako ang rason kung bakit napag-sabihan sila ni mother that day. I tried explaining to her pero ang sabi niya lang ay pinagsabihan niya ang dalawa dahil hindi ito sumunod at nakinig sa paalala niya.
Pero, I don't think they're angry at me. They must have thought that they were the reason why I got hurt, samantalang I was the careless one.
Ah, here I thought we'll become close.
"Young miss?" bigla ako natauhan.
"It's okway, Vwien. Hintay kwo na lwang sila. Babye." I smiled at her bago siya nilagpasan at saka dumiretso sa kwarto ko. "Nwanny." tawag ko nang makita ko siyang kasama ang isang maid na nililigpit ang kinain kong snacks kanina.
"Young miss. Kumusta? Naabutan mo na ba sila young master?" lumapit ako sa kaniya at saka kumapit sa palda niya at saka umiling. "That's alright, young miss. Hintayin na lang natin sila mamayang pagka-uwi nila. Maaga naman natatapos ang training nila."she smiled. Alam niya rin kasi na ilang araw ko ng gustong makausap ang dalawa. Pero parehas silang mailap, sa tuwing makikita at makakasalbuong nila ako, kung hindi sila tumatakbo, nagtatago naman sila. I sighed.
"Nwanny, have you eatwen?" I asked looking up at her.
"Um." napatingin siya sa maid na katabi niya. "Oo--"
"Lwiar." I pouted. She has been with me since morning and I haven't seen her eat a single crumb of bread. Mahalaga lalo na sa mga may edad ang kumakain sa oras! Hindi ko alam kung may multivitamins sa mundong 'to, matanong nga sa susunod si nanny para mapainom ko sa kaniya.
Tumawa sila ng maid. "Ayan, huling-huli ka Miss Amelia. Pati ang Young miss alam na kung paano ka mag-tago ng totoo." napailing at napatawa na lang si nanny sa sinabi nito.
Well, yeah. Kahit naman siguro mahahalata agad na nagsisinungaling si nanny, dahil nahalata ko na napapatingin muna siya sa kung sinong tao ang malapit sa kaniya bago siya sumagot.
Pinantayan niya ang tangkad ko. "Nahuli mo ako do'n, ah."she laughed. "Hindi pa ako kumakain, young miss. Pero kakain din ako pagkatapos ng trabaho ko. Kaya huwag--"
"I will cwook fwor you!"
They were both shocked. "G-gusto mong magluto?" nanny asked so I nodded. Baka hindi niyo alam, ako kaya taga-luto sa karinderya namin dati ni lola sa probinsya, bwahaha!
"Talaga, young miss? Mukhang may makakaharap na si Cook Franklin, ah. Ayos 'yan, young miss! Support kita diyan!" nag-thumbs up siya sa akin at ganoon din ang ginawa ko. We both giggled.
Binalingan ako ni Nanny. "Sigurado ka ba, young miss? Pero kailangan muna natin humingi ng permission kila madam. at saka alam mo naman ang nangyari sa'yo, 'diba? Hindi pa nga masyadong magaling sugat mo."
"But it's a surpwise fwor them.." napayuko ako. Siguro naman gagana 'to, 'diba?
"Oo nga, Miss Amelia! Atsaka nandoon naman tayo kay amababantayan natin si young miss. At saka.." lumapit siya kay nanny. "It's not like marunong ang young miss. For sure gusto niya lang mag-laro sa kusina." pagbulong niya pero narinig ko naman.
Hah! Baka pakitaan ko 'tong dalawang 'to at mapanga-nga sila kapag natikman nila ang luto ko na baka malimutan nila ang pangalan nila!
Akala ko tatanggi pa siyang muli pero mukhang na-realized niya na tama ang sinabi ni maid Joy. Well, still thanks to her mapapagluto ko 'yung dalawa. "S-sige na nga, pero young miss, i-pangako mo na huwag ka hahawak ng kahit na anong delikado." she still looks worried. So I kissed her cheeks and nodded.
"Promise!" sa wakas!
"But first, itali muna natin ang buhok mo." nang matapos niya akong ayusan ay lumabas na kami ng kwarto at nagtungo papuntang kusina.
Hm, ano kaya ang pwede kong lutuin na magugustuhan nung dalawa? Hindi kaya picky eater ang dalawang 'yon? Bahala na, itatanong ko na lang ang cook. "Alora!" Oh, oh. It's mother with the count.
Masaya siyang lumapit sa akin at saka ako niyakap. "Saan ang punta ng princess ko?" she asked. I looked at them both and they were both all-dressed. Nasa likod niya ang count at hindi lumalapit sa akin whilst looking far away.
"Papunta kami sa kitchen, madam. Dahil--" agad akong lumapit kay Nanny at saka tinignan siya ng 'don't tell them look' ko. Mukhang na-gets naman niya agad. "E-ehem, dahil gusto ni young miss na makilala kung sino ang gumagawa ng snacks niya." palusot nito nang nakangiti. Ngumiti na lang ako at kunwari na lang na hindi ko napansin ang mannerism niya.
"Oh! That's nice, Alora. For sure, masu-surpresa si cook Franklin kapag nakita ka niya. Just do whatever you want, baby. Basta mag-iingat ka lang, okay?" I nodded. "Alright then. Hindi ka muna masasamahan ni mother dahil bigla ang pagtawag sa amin ni Her Majesty. But, I'll be back agad, anak." tinuro niya ang pisnge niya, asking for a kiss.
I gave her a kiss on her right cheek na ikinahagikgik niya. "Twake cware." she hugged me back when I hug her at saka sila umalis na. Akala ko ay lalapitan din ako ng count but I saw him awkwardly passed by me.
I sighed. Mukhang alam ko na kung kanino nagmana ang dalawa kong kapatid na'yon. Bahala na! I'll resolve the issue with the count after my two brothers.
But first! ipagluto muna natin ang dalawang batang iyon!
--
"Young miss, baka mapaso ka!"
"Y-y-young miss, ang kutsilyo..! a-ang kutsilyo!"
"KYAHHH! NAPASO ANG YOUNG MISS! TAWAGIN NIYO ANG PHYSICIAN!"
-___-
Lalo ata akong mai-stress dahil sa mga taong ito, eh. Diyos ko, kahit na anong galaw at abutin ko ay nagre-react sila. Paano ako makakapag-kuto ng mabuti nito? I sighed. Gusto ko nang tumanda, huhu!
Pero joke! Hindi nga pala ako aabot sa edad na iniisip ko! AHH!
I sighed and handed the bread knife to the cook named Franklin. I thought he would be old but it turns out he's still in his forties like the count. He has a masculine body and a mustache. At siya rin ang kanina pa na panay react sa kahit na anong gawin ko. "Y-young miss? Tuluyan ka na bang sumuko?" he asked. I can sense that's what he wants me to do.
I looked at him and sat on the chair beside him. "You cwook and I'll instruct ywou what to dwo." nakita ko pa siyang nagdalawang isip pero tumango rin siya and started doing the work.
Pinanood ko siya habang sinusunod niya ang sinasabi ko. Naririnig ko pa na nagbubulungan nag mga maids na nanonood kung paano ko daw nalaman ang magluto samantalang hindi naman ako pala-labas, walang kaibigan at hindi mahilig magbasa ng libro.
Parang the past me ang kanilng pinaringgan. Hindi ko na lang sila pinansin.
"S-sigurado ka ba young miss sa ginagawa ko? Dahil sa labing pitong taon kong nagluluto ay ngayon lamang ako nakakita ng ganitong pinaghalo-halong pampalasa. At lalo na ang lahat ng sangkap na pinagamit mo sa akin ay galing pang East." he said as he stared at the Filipino dish we have made.
Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib. "Cook Fwank, why dwon't you try it?" I smirked. Halata naman na kanina pa siya nagdududa sa mga pinapagawa k sa kaniya at siya rin ang unang tumawa pagkarating namin sa kitchen nang sabihin ko na gusto kong magluto.
Hah! Tignan natin kung hindi siya mapanganga kapag natikman niya 'to!
"Wahahaha! Halatang hinahamon ako ng young miss! Pwes, tinatanggap ko 'yan!" agad siyang kumuha ng kutsara at saka tinikman ang niluto namin na pork adobo. Sayang nga lang dahil hindi pa ata naiimbento ang kanin sa mundong 'to.
Pilipino ako, asa kayong mabubuhay ako ng walang kanin?!!
Ang akala ko ay iba ang mga ginagamit nilang pampalasa rito, pero buti na lang ay kumpleto ang toyo, suka at bawang nila. Simpleng Filipino dish lang naman ito kaya madali kong naituro sa kaniya kung paano gawin kahit na bulol pa rin ang pagsasalita ko. But I'm getting there!
Lahat kami na nanonood ay nakaabang sa magiging reaksyon niya at lalo na nang bigla siyang tumigil nang masubo na niya iyon sa bibig niya habang nakapikit. "Cook Frank.. ano?" tanong ng mga maids.
Matagal siya bago niya idinilat ang mata niya at nagulat na lang kami nang bigla siyang lumuhod sa harap ko habang nakayuko. Eh? "Young miss.. mula sa araw at oras na ito. Ako, Franklin Julius, ang cook ng Leventis House ay nangangako na gagawin ang lahat nang makakaya upang maging isang karapat-dapat na taga luto ni Young miss, ng walang pagaalinlangan, at hindi siya pagtataksilan dahil mula ngayon, ikaw na ang aking.. *sniff* ang aking..! Master!"
Napatanga at nganga kaming lahat ng bigla niyang itaas ang kaniyang ulo sa akin habang umiiyak. Yawa.WOHHHH! MASTER! MASTER! MASTER!" the maids cheered, clapping and crying.
........
Diyos ko po.. bakit ang daming Sisa rito?
--
"Lori." Alfred the oldest sibling calmly said.
"Anong Lori?! Ali ang bagay na nickname para kay Alora!" Cadmael shouted as he wipe his own sweat.
"No! Lori ang mas bagay sa kaniya. Kahit si nanny Amelia nga gano'n tawag kay lil sis, eh." Alfred grinned at him, giving Cadmael the 'you just got betrayed by Nanny' look.
Cadmael was shocked. "A-ack--! Kahit na, maganda pa rin ang Alli! 'yung Lori pangalan ng alagang monkey nila Philomena! Mukhang bang unggoy ang little sister natin?!"
"Whatever, let's go and they are waiting for us." tumayo si Alfred at saka naglakad papuntang training grounds. Cadmael followed him still trying to convince Alfred about Alora's nickname.
"Young masters!" parehas silang napalingon nang makita nila ang isang maid na papalapit sa kanila. It was Vien.
"Oh! Hindi ba ikaw 'yung laging kasama ni Alora namin? Ano ginagawa mo rito?" tanong ni Cadmael. While Alfred just listens.
Tumango si Vien at saka ngumiti. "Nandito ako para ibigay sa inyo ang ipinapabigay ni Young miss."may inabot siya na basket sa kanila.
Parehas silang napatigil. "Pinapabigay sa amin ni Alora?"tanong ni Cadmael habang nakatingin sa basket na hawak ng maid. Tumango si Vien habang nakangiti. "Si Alora na kapatid namin, 'diba?" Vien nodded again with enthusiastic.
Kinuha ni Alfred ang basket sa kamay ni Vien. Parehas silang hindi makapaniwala. "What is it for?" parehas nilang sinilip ang nasa loob ng basket at sinalubong sila ng nakakapang-laway na amoy.
"Si young miss ang nagluto niyan. Kahit si cook Frank nga ay napaiyak nang matikman niya ang luto ni young miss. At, pinapasabi rin ni Young miss na habang kinakain ninyo 'yan ay lagi ninyong iisipin ang pangalan ninyo." They both tilt their head in the same direction due to confusion. Naintindihan agad ni Vien ang itsura ng dalawa kaya natawa siya. "Hindi ko rin alam, young masters." nagpaalam na si Vien at saka iniwan ang dalawa. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na napatingin sa basket na hawak nila.
"Our first gift.." Alfred uttered as he stared at the basket with him.
"galing kay Alora!" Cadmael excitingly added and ran with the basket.
"Mael, How dare you to take Alora's gift!! Bumalik ka rito!"
---
"Young masters? Ano ang kailangan ninyo? Wala pa si Young miss, at kasama ng countess sa tailor." Vien said while she was changing Alora's bed. She has noticed the disappointment on their faces. "May gusto ba kayong sabihin kay young miss para maparating ko sa kaniya?" she smiled.
Both of them shook their heads. Parehas silang pawisan at halata mong dumiretso sila agad kay Alora pagkatapos ng training.
"Ano gagawin natin?" Cadmael asked.
"Hintayin na lang natin sila Lori and mother." Alfred answered.
Cadmael just nodded."Ali." pagko-correct niya. Alfred just rolled his eyes.
Nagpunta sila roon upang pasalamatan at mag-sorry kay Alora for ignoring her. Pero bad timing lang dahil isinama ng kanilang ina si Alora para mag-pasukat ng bagong dress' dahil lumalaki na ito.
"Huhu, 'yung regalo ni Alora.." nakayukong sabi ni Cadmael and Alfred patted his back. Parehas silang nakaupo sa maliit na sofa sa kwarto ni Alora.
"Um, young masters?" Vien hesitated. Both looked at her."Habang wala pa sila young miss, nais niyo bang ipahanda ko ang bath niyo?" she asked.
Both of then looked up and down at each other and realized what they looked like at the moment. Parehas silang basang-basa ng pawis at madumi ang suot na damit.
"Si Brother Alfred na lang, amoy maasim siya." Cadmael covered his ownnnosr and giggled.
"Stupid, hindi isda ang amoy na 'to. This is from the food from Alora na sinaboy mo kanina kila Philomena dahil pinairal mo na naman 'yang temper mo. Pati tuloy ako nadamay." Alfred, tsked.
"Ako din naman, eh."
They both agreed to take a bath. Nag-mabilis sila ng ligo at nang matapos sila ay bumalik ulit sila sa kwarto ng kanilang kapatid ngunit wala pa rin ito.
"Young masters, would you like to have some snacks?" Vien asked and they agreed. Lumabas si Vien ng kwarto.
"Brother, paano kung hindi sila umuwi ngayon?" Cadmael asked.
"That's impossible. It's not a trip, they just went to the tailors." his brother answered whilst eyes still fixed to the book he was reading.
"Sabagay."nahiga ito sa kama ng kapatid. Halata ang pagka-bagot nito sa paghihintay kaya nagtatalon ito sa kama habang nagkukunwaring may hawak na espada. "Hiyah! Yah!"
"Cut it out! Kakapalit lang ng sapin ni Lori!" Alfred scolded him.
Cadmael pouted and sat down. "I want to play. Laro tayo mamaya kasama si Ali!"
"It's Lori." Alfred corrected.
Lumapit si Cadmael sa kaniya. "ALI SABI! HINDI NAMAN UNGGOY ANG KAPATID NATIN. KAYA BAKIT IGAGAYA MO SA ALAGA NI PHILOMENA?!"
Alfred closed the book he was reading and looked at his brother."First of all, Philomena's monkey is just a stuffed toy. And second, ang symbol ng pangalan na Lori galing sa west ay isang laurel tree which means victory and honor."
Cadmael gasped. "Cheater! Binasa mo 'yung 'The armor from the sky' kaya nalaman mo 'yan!"
"Nope, it's a prior knowledge." Alfred adjusted his eye glasses and smirked at Cadmael who's pissed.
"You--"
"Young masters, nandito na ang snacks ninyo." natigil lang sila nang dumating si Vien at inihain ang dala nitong cookies at gatas sa lamesa.
"Thanks!" agad na lumapit si Cadmael dito at kumain. Mukhang nakalimutan niya na ang pinag-uusapan nila ng kuya niya.
"Maid Vien, is it true na si Alora ang nag-luto nang dinala mo sa amin kanina?" kumuha rin si Alfred.
"Hm, hindi naman sa si Young miss talaga ang nag-luto, kun'di si Cook Franklin dahil delikado para kay young miss ang maghawak ng mga gamit sa kusina. Lalo na kanina ay napaso na siya."
Nabilaukan si Cadmael sa gatas. "N-NASAKTAN SI ALI?!"
"Where?" alfred asked.
Vien nodded. "Maliit na paso lamang iyon sa kaniyang kamay ngunit nagamot na rin namin agad. Kaya naman si cook Franklin na lang ang gumalaw at si young miss ang nag-utos sa kaniya kung ano ang gagawin." she smiled.
"Wow! Genius talaga ang kapatid natin, brother!" siniko niya ito habang puno ang bibig.
"E-ehem! Syempre, kapatid natin siya."
"Tuwang-tuwa nga ang lahat nang tawagin ni cook Franklin si young miss na 'Master' dahil talagang hindi ito makapaniwala nang matikman niya ang putahe na ginawa ni Young miss! Sayang nga lang dahil hindi namin natikman dahil para sa inyo lang daw iyon." halata ang pagka-dismaya sa boses nito. "Oo nga pala, nagustuhan ninyo ba ang pinadala niya? Nag-aalala si young miss kanina dahil baka hindi niyo raw magustuhan dahil baka ayaw ninyo ng lasa." she asked.
Nagkatinginan silang dalawa. "Natikman namin ng konti.." Alfred hesitated.
"PERO NOONG KAKA-TIKIM PA LANG NAMIN NG ISANG KUTSARA, BIGLANG DUMATING SILA PHILOMENA KASAMA 'YUNG TATLO NIYANG KUYA, PINSAN, AT MGA KNIGHTS NILA! AND INUBUSAN KAMI NI KUYA ALFRED!" kitang-kita ang panlulumo sa itsura ng dalawa.
"S-sigurado naman ay maiintindihan iyon ni Young miss." nag-paalam na si Vien at iniwan silang dalawa.
Naubos na snacks nila at wala pa rin sila Alora. Hanggang sa napahiga na sila sa kama ng kapatid. "Brother, paki-gising na lang ako kapag dumating na sila." hindi na nakasagot si Alfred dahil sa antok.
--
Alora's POV
"Madam! Young miss!"
"Vien. Pakihatid mo na si Alora sa kwarto niya. Nasiraan kami ng carriage kaya kami ginabi. Nasaan si Antheo?"
Lumapit ako kay Vien. "Nasa study room, madam. Ihahanda na namin ang pangligo ninyo."
Tumango ang countess bago bumaling sa akin. "You take a bath na rin, baby. Did you have fun with mother today?" I nodded kahit sa totoo niyan ay napagod ako dahil kung ano-anong damit ang ipinasukat niya sa akin. But I do had fun with her.
"Madam, ang young masters." napatingin kaming parehas kay Vien.
"Why? What happened?" What's going on? May nangyari ba sa kanila?
Gasped.
Was it about the adobo? Nagka-allergic reaction ba sila. Oh no.
"What.. what happened to these two?" gulat na tanong ni mother at saka siya lumapit sa dalawa kong kapatid na tulog na tulog sa kama ko ngayon. OO, SA KAMA KO.
Pagkatapos kong magbihis ay nadatnan na lang namin sila na ganito na. Napakamot sa batok si Vien. "Sa tingin ko napagod at inantok na sila kakahintay kay young miss na dumating."
They.. they were waiting for me?
Mother brushed brother Alfred's hair. At saka natawa na lang. Pinalapit niya ako sa kaniya, lumapit naman ako. "Your brothers probably wanted to be with you."
"W-with me?" she nodded. I can't believe it. Umobra ba ang adobo ko?
"They've been nanny for the past three days if they can talk to you. Gusto siguro nilang mag-sorry. I guess I was just too strict to them."
These two..
Mukhang tumalab nga ang adobo ko. Ganoon na lang din kaya gawin ko sa count? Jk.
"Anyways, I'm going to talk to them tomorrow. Tumawag kayo ng kayang mag-buhat sa dalawang 'to papuntabg kwarto nila."
"Yes--"
"Mother. Just lwet them swleep hwere."
Nakita kong nanlaki saglit ang mata niya. "Are you sure, anak? Then, saan ka matutulog?" mother asked.
Dahan-dahan akong umakyat sa kama para hindi sila magising at saka ako pumagitna sa kanilang dalawa. "Hwere."
"Are you really fine with that? Pwede ko naman silang gisingin para--"
"Yes, mother." I smiled at her. She hesitated pero mukhang nakuha naman niya ang ibig sabihin ko kaya tumayo na siya. She kissed the three of us on our foreheads.
"Sweetdreams, baby." dahan-dahan nilang isinara ang pinto.
Syempre hindi muna ako natulog. I looked at them both while they sleep.
This is weird, really weird. Hindi ko naman naranasan magkaroon ng kapatid pero nakakaramdam ako ng nostalgia as I look at them.
Mukhang gumana talaga ang adobo ni Tana Idana. Kung alam ko lang na madadaan ko sila sa pagkain, sana nung una pa lang ginawa ko na 'yon.
I just wished na sana mag-open na silang dalawa sa akin, as their sister in this life.
Teka, ako nga pala ang bunso. Bakit feeling ate ako? Hahaha! Sabagay, kapag pinag-add ang edad ko as Tana edi thirty years old na pala ang tanda ko. Sigh.
It will be a really long day tomorrow. Maybe I should sleep.
[Zzzzzzz...]
--
[Door closes]
"Honey, sa tingin mo okay lang na iwan silang tatlo doon?"
The countess laughed as they head back to their room."Si Alora na mismo ang nag-initiate. Mukhang komportable na siya kila Cadmael and Alfred after the green house incident."
"But, honey. Gusto ko rin.."
"Antheo, what did I tell you?"
He sighed. "To let her take her time. I know. Pero, miss ko na ang mini tea party namin ng baby ko at pag-suot niya sa akin ng kung ano-ano kahit na wala akong naririnig o nakikita na reakyon galing sa kaniya noon."
His wife laughed. "I thought you didn't like it kasi nakita mong pinag-tatawanan ka ng mga servants?"
"I never said I didn't like it. Basta para kay Alora kahit ano gagawin ko. She's our princess. At alam kong isang araw, maririnig ko rin ang boses niya na tawahin akong 'Father' at ako ang pinaka masayang ama sa oras na mangyari 'yon."
"Aw, thank you Antheo." the countess kissed her husband on the cheek.
--
Alora's POV
"LORI!!!"
"ALI!!!"
O_____O
Bigla na lang akong napabangon.
Sunog?! May sunog ba?!
"Finally, you're awake! Hurry magtago tayo!" bumungad sa akin ang mukha ng dalawa kong kapatid.
"MAGTAGO TAYO ALI! NANDIYAN NA SILA!!" Si Cadmael naman 'yon na tunatalon sa kama ko.
"Huh?" naalimpungatan ako.
"Nandiyan na sila sa labas! Baka kung anong gawin nila sa'yo!" sabay nila akong dahan-dahan na itinayo at saka lumabas ng kwarto habang hawak nilang dalawa ang mag-kabilabg kamay ko.
Ano ba kasing nangyayari?! Zombie apocalypse?! All of us are dead nandito rin?!!
Bigla kaming tumigil sa bintana kung saan makikita ang labas namin. At nanlaki na lamang ang mata ko.
"Who.." bakit ang daming tao?! And there are knights that are trying to stop them. Even mother and father were there.
"SHOO! ALIS!" nagulat ako sa pag-sigaw ni brother Cadmael.
"Brother Alfred." hinatak ko damit niya. Parang napatigil siya sa itinawag ko sa kaniya. "Who are they?" turo ko sa bintana.
"E-ehem! Sila ang mga kasama namin na nakatikim ng niluto mo for us kahapon. They tasted it and they keep on demanding kung pwede ba nilang matikman ulit ang kakaibang putahe na niluto mo."
What the prick? Adobo lang 'yon tapos para na silang nagra-rally sa labas?!
"..and they're offering a huge amount of money para matikman ulit 'yon." he added.
WHAAAAAAATTTTTTT?!
IS THIS THE TRUE POWER OF ADOBO?!!
***
TBC.
--
Lame update for y'all but I hope you'll enjoy it! thank you! see you to the next chapter!