Tatlo

2668 Words
Isang linggo na magmula nang mahulog ako sa mundong 'to. Hindi pa din ako makapaniwala sa lahat nang nangyari. Tila kung iisipin ay parang panaginip lang ang lahat. Pero kailangan kong tanggapin kung ito talaga ang i-tinadhana na mangyari. Although, nahihirapan pa din ako na makapag-adjust kahit na isang linggo na ang lumipas. Sa mundong 'to, tinatawag nila akong Alora Drivas Leventis, ang pinaka batang anak ng isang Count sa tatlong magkakapatid. Alora, huh? What a pretty and rare name. Naiwan nga pala akong mag-isa dito sa kwarto dahil kumuha ng lunch ang nanny ko, maganda na din 'yon para makapag-isip isip ako and also I can't still fully trust the people here. Aside from Cerilla Leventis, ang mother ko in this world. Sa buong isang linggo, siya lang ang lagi kong nakakausap. She doesn't missed a day to visit me in my room, she was also the reason kung bakit puro babae ang nakakasalamuha ko ngayon. I heard from nanny that she ordered the male workers, including my two brothers and father to not go near me for the mean time. I've never experienced in my past life to receive such gesture kaya naninibago ako pero I think, nakasanayan ko na ang presence niya kaya kapag wala siya ay hinahanap ko siya. Narinig ko lang na umalis sila kaninang umaga ng count at babalik din bago mag-tanghali. Ganoon siguro ang feeling ng may ina na nag-aalaga. Not that nagkaroon ako, pero nakasama ko naman ang lola ko na nag-palaki sa akin kaya kahit papaano hindi ako naging lonely. Kinuha ko ang maliit na salamin na naka-lapag sa lamesa at saka tinignan ko ang sarili ko. Hindi pa din ako masanay sa itsura ko ngayon. Hindi ko alam kung paano i-describe ng maayos pero.. ANG CUTE KO!! I have color rose-like hair and even my brows! Tapos may chubby cheeks ako kahit na may ka-payatan ang katawan na 'to. Siguro ako 'yung bata na makikita mo sa daan na mapapakurot ka na lang pisnge dahil sa cuteness ng mukhang ito! And the thing that caught my attention the most are my eyes, its color is emerald green. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong kulay ng mata. The countess has purple eyes and red hair. Samantalang ang Count at ang dalawang kapatid ko ay may green hair. I still haven't seen their faces upclose kaya hindi ko alam ang kulay ng mga mata nila. I'm the only one who has pink hair in our family. Hindi kaya, ampon ako? But, who cares! Atleast in this life hindi ko mararanasan maging panget! Hindi naman sa hindi kaaya-aya ang itsura ko noon, medyo insecure lang ako sa morena kong balat dahil nga Filipino ako. But I can totally live with this face! Ahehe, paniguradong maraming pipila sa akin kapag lumalaki ako-- Napatigil naman ako sa naisip ko. Ano ba, self! La-landi ka pa talaga kahit na alam mong hindi ka tatagal? Kawawa ang magiging biktima ng beauty mo! Napadukmo ako sa lamesa. Huhu, naalala ko na naman ang sitwasyon ko. Kasalanan 'to ng libro na 'yon! Bakit sa dinami-daming kaluluwa ang kukunin niya bakit ako pa! Hindi ko man lang mararanasan na ma-inlove at magka-anak! "Blessing in disguise ang libro na 'yan, bata!" I pouted. Blessing in disguise, blessing in disguise ka diyan Sir Sanny! Pumasok ka na lang sa bar at doon ka magpatawa! Napasuntok at sipa ako sa ere. Joke, pero totoo naman kasi! Napabuntong hininga na lang ako ng malalim dahil wala naman na akong magagawa. [Knock,knock] "Young Miss, handa na po ang tanghalian ninyo." Napa-ayos ako ng upo nang pumasok ang nanny ko at nasa likod niya ang isang maid habang may dalang tray ng pagkain. Iniayos nila iyon sa lamesa na nasa harap ko. Mag-isa na naman ba akong kakain ngayon? Nakita ko silang palabas pero agad kong nahatak ang damit ni Maid Vien. "Eat t-twoo.." I pouted. Pinalungkot ko pa ang mata ko para lang mapapayag sila na samahan ako. "M-miss Amelia.. *sniff*" Nanny caressed her back as she smile. -___- Vien was crying again. Tuwing magsasalita ako lagi ko na lang siyang nakikitang umiyak. Umupo siya para pantayan ang tangkad ko."Young Miss..*sniff* gusto man kitang samahan pero kailangan ako sa kusina ng headmaid." She looks disappointed. "Pero promise! Sa susunod sasamahan kita!" nakatikom pa ang dalawang kamao niya. Tumango naman ako at saka kami naiwan ni Nanny sa kwarto. Ngumiti siya sa akin. "Young miss, hayaan mo na si Vien. Sadyang masaya lang talaga siya na makita kang ganiyan. " Iniabot niya sa akin ang kutsara at tinidor. Hinintay ko siyang maupo sa harap ko para saluhan akong kumain pero nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid ko. "S-sit twoo." Nahihirapan pa din ako sa pagsasalita pero hindi na katulad noong mga nakaraan na halos walang lumabas na boses sa akin. Kapag gabi na kasi at ako na lang ang gising ay nagpa-practice ako ng ABaKaDa para masanay ang boses ko sa pagsasalita. "I'm afraid I can't do that, young miss. Isa lamang akong commoner at hindi magandang tignan na kasalo mo ako sa pagkain." masyadong siyang formal magsalita sa akin kahit na mukhang mas matanda pa siya sa countess. At saka ano'ng hindi magandang tignan doon? Kakain lang maman kami nang sabay, eh. Sino bang presidente nila at may gan'tong batas o ka-kemehan na nalalaman! Napanguso ako at ibinaba ang kutsara at tinidor sa lamesa. "Young miss? Wala na bang ganang kumain?" umiling ako. "Pero kailangan ninyong uminom ng gamot." rinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Oo nga pala. May kung anong gamot na sobrang pait ang binigay sa akin ng matandang lalaki na physician para sa boses ko. Wala na akong nagawa dahil ayokong nakikita siyang nag-aalala. Hindi naman sa hindi ako nagugutom, nagkunwaring nagtatampo lang ako dahil ayaw niya akong samahan kumain. Kaya in the end, naubos ko din. "Young miss, pagkatapos mong magpahinga gusto mo bang lumabas? Maganda at maaliwalas ang panahon ngayon." tanong niya pagkatapos niyang maligpit ang pinagkainan ko. Napatingin ako sa labas mula sa malaking bintana. Mukhang maganda nga na maglakad-lakad ako sa labas, tutal hindi ko pa nakikita ang mansion na 'to. Magmula kasi nang magising ako, lagi lang akong nasa kwarto at sa terrace. I was depressed for that week because I wasn't able to accept everything that had happened. But I can face the world now that I was able to comprehend everything. Pagkatapos akong makapag-pahinga at makainom ng gamot. Nanny offered to hold me as I can't still walk properly dahil ayon sa countess, natulog ako ng 37 days. Well, kaya pala ganoon na lang ang mga itsura nila nang magising ako. Nakakagulat lang dahil sa parang 10 minutes na pag-uusap namin nila San Pedro ay isang buwan ang lumipas dito. Who knows kung saang lupalop ng lugar ang madilim na lugar na 'yon. Binuhat pa rin niya ako. Pinag-suot niya ako ng pink dress na hawig ng sapin ni lola na ginagamit namin sa lamesa dati. pink and long socks at hairpin na pink. Mahilig siguro sa pink si Alora dati, samantalang ako mahilig sa mga dark colors. Pero I find it cute kasi bagay sa akin, ahe. The perks of having a cute face.  Nang makalabas kami ng kwarto. Doon ko lamang nakita ang magagarang dekorasyon sa mga pader. May mga malalaking painting, mga kandila na mukhang mamahalin at mga statue na iba't iba ang naka-ukit. Doon ko lang din napansin na nasa pangalawang palapag ang kwarto ko dahil pagkababa namin ng hagdan ay nakikita ko na ang garden sa labas. While we're on our way, binabati kami ng mga servants at nakita ko rin na may mga lumikong servants na lalaki para hindi kami makasalubong hanggang sa makarating kami sa garden. Tumama agad ang malakas at maaliwalas na hangin sa balat ko. Ini-upo ako ni Nanny Amelia sa isang upuan doon. "You miss, hindi ka ba nilalamig?" umiling ako. Hindi naman masyadong malamig kahit na malakas ang hangin dahil nakakatulong pa rin ang saktong init ng araw. Finally, vitamin D! Maganda rin pala na nagpapa-araw ako para hindi ako malanta sa loob ng kwarto. "Gusto mo bang kumain ng desserts habang nandito ka sa labas? Para ma-enjoy mo din ang magandang panahon." Nakangiti niyang tanong sa akin. Urgh, bakit ba alam na alam niya ang gusto ko kahit na hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Gets ba? Basta gano'n! I nodded as I wiggled my feet that won't reach the ground. "Okway." Good! Medyo bulwol pero diretso! Nagtaka ako nang iabot niya ang dalawang kamay niya sa akin. "Tara, young miss." Ah. "I-I'll wait hwere." "Gusto mong maiwan dito? Sa tingin ko hindi pu-pwede ang gusto mo, young miss. Baka mapaano ka at--" I stopped her by holding her left hand. I smiled. "It's okway. I w-wyill wait hwere." "Pero.." she still looks worried but gave up in the end. She sighed. "Sige, pero huwag ka lang aalis kahit saan. Hintayin mo lang ako rito." I nodded as I smile to reassure her. Iniwan niya pa ang dala niyang coat at pinatong sa hita ko kung sakali daw na lamigin ako. [Shaaaa~] Bigla akong nilamig kaya ginawa kong kumot ang coat na binigay ni Nanny sa akin. There was really nothing to see here. Kahit na malaki ang garden nila, walang masyadong mga bulaklak sa paligid bukod sa malaking estatwa ng babae na nasa gilid ko. Nang mainip ako kakahintay, naisipan kong maglakad-lakad kahit sa malapit lang. Malawak naman ang lugar kaya siguro naman ay makikita ako ni Nanny Amelia, 'di ba? I slowly went down the grassy ground holding the coat and it was a relief na hindi ako na-buwal kahit na nanlalambot ang mga binti at mga galamay ko. I definitely need some more protein! "Fwaito." luminga-linga ako sa paligid. Walang kahit na sino probably because they are all inside. I walked slowly to see kung may interesting na makikita. And one caught my attention. Isang malaking parang green house na all white ang pintura ang nakita ko sa likod ng isang malaking puno hindi kalayuan sa kung nasaan ako ngayon. I decided to go and ran towards the place dahil baka biglang dumating si Nanny. Nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla kong matapakan ang coat na sumasayad sa d**o. "GAHK!" Ouch. I think I hurt my chest because of the impact after I fell on my chest. Jusko, ngayon lang ako nag-pasalamat dahil wala akong boobies ngayon kun'di, baka kanina pa ako nakadapa rito. "Alora-- I mean, Young Miss!" nang makaupo ako sa d**o, bigla na lang akong napatingin sa dalawang tao na papalapit sa akin. Huminto silang dalawa ng ilang metro mula sa akin, nakilala ko agad sila dahil sa laki nila. Ano ang ginagawa nila rito? Mas lalo akong nagtaka nang makita ko silang parehas na may suot na brown paper bag na parehas na may nakasulat na, "Not Cadmael" at "Not Alfred" Parehas din na may butas sa mata para may makita sila. Muntik na akong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko at tinignan sila. "P-please be careful, Young Miss. Nasugatan ka ba?" tanong ni 'Not Alfred'. I shook my head. They are both wearing clothes na basa ng pawis. Siguro training clothes nila 'to? "Ehem! A-ako ay isang magiting na knight, young lady! At hindi kita sasaktan kahit kailan, promise! Kaya pwede ka ba namin lapitan para matayo ka namin?" asked by Mr. 'Not Cadmael. I giggled and nodded. Nakita ko pang pumalakpak si Cadmael pero umayos ito nang sikuhin siya ni Alfred. Ang cute ng dalawang 'to! Lumapit sila sa akin at pinakiramdaman ko pa ang sarili ko kung mangyayari rin ang na-feel ko noong una ko silang nakita, but I didn't feel anything. Dahan-dahan at marahan nila akong itinayong dalawa. Pinagpag pa ni Cadmael ang tuhod ko dahil may mga d**o na dumikit dito, samantalang si Alfred ay pinagpag at itinupi ang coat na natapakan ko at saka iyon ini-abot sa akin. I suddenly feel bad for making the countess to order them not to go near me. Well, it's not like I didn't want them to go near me or see them, it was probably because of the fear that had happened to me in my past life. But I do want to know and interact with them more. I also want to know about how was the relationship of the past Alora with them, para alam ko kung paano ako a-akto sa harap nila. Kasi sa mata nila, I'm still their poor little sister who wasn't able to talk until she was five and until now, still can't properly have a conversation with them. Nang matapos sila sa pag-pagpag sa damit ko, sabay silang tumakbo palayo sa akin hanggang sa hindi ko na sila nakita. I shrugged and conrinued walking to the green house. They would probably return when I fell on the ground again. Nang makarating ako ay bukas ang pintuan na gawa sa kahoy. At nang itulak ko ito, literal na napanga-nga ako. "Wow." I uttered as I rolled my eyes around the green house. The whole place were surrounded by different kinds of flowers. Kaya pala nasa pintuan pa lang ako amoy ko na ang mabangong amoy na 'yon. The place and the flowers are well maintained. They all looked healthy at may mga basa pa na parang ka-kadilig lang. I've never seen such a beautiful garden before! Mukha siyang conservatory, I've seen one before because I studied botany for a year pero maliit at simple lang 'yon at hindi ganito ka-engrande. Nilapitan ko ang mga bulaklak. May mga bulaklak na bago sa paningin ko pero ang iba ay familiar naman ako. Lantad na lantad ang mga ito at ang iba't ibang amoy na nagha-halo ay ang sarap amuyin sa ilong. Ay hindi, sa mata. Hm, pero kung sakaling mag-aral ako ng botany dito, pwede kong magamit ang mga napag-aralan ko dati at lalo na ang mga advance knowledge ko! KIKITA PA AKO FOR SURE! Ahehehe, kung i-take advantage ko kaya 'yon at gawing milyonarya ang sarili ko dito-- "hanggang twenty-five ka lang.. ka lang.. ka lang.." Napatakip ako sa tenga. ACKK! San Pedro, lumayas ka nga sa isip ko! Nanlambot ako bigla at napabuntong hininga muli. Lumapit ako sa maliit na fountain sa gitna. Sinubukan kong umakyat para maupo sa gilid pero hanggang dibdib lang ang kinaya ko. Napatingin na lang ako sa reflection ko sa tubig. Ang cute mo pero ang igsi ng buhay mo. I sighed. "Young Miss, bumaba ka diyan dahil delikado." napalingon ako sa nagsalita. "Alam mo bang one hundred two na ang kaso ng mga nalulunod ngayong taon, kung hindi man sa pond meron naman sa fountain katulad nito." nilakihan ni Alfred ang boses niya ng sikuhin siya ni Cadmael. "Tama siya, young miss! Hayaan mong i-escort ka namin na magigiting, malalakas at gentlemen na mga knight sa ligtas na lugar!" si Cadmael naman iyon gamit ang malaking boses na akala ata nila ay hindi ko sila makikilala. Natawa ako sa sarili ko at naisipan na biruin sila. Umiling ako at saka mabilis na tumakbo palayo sa kanila. "Alora--ACK!" nakita kong nagkauntugan at parehas silang napaupo ng parehas silang mataranta sa pagtakbo ko. Nag-tago at i-siniksik ko ang sarili ko sa likod ng mga matataas na bulaklak. I giggled when I heard them call my name. Napa-atras ako nang marinig kong lumapit ang boses nila. "Owiee.." Napatingin ako sa braso ko nang makaramdam ako ng matulis na tumusok sa balat ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong dumudugo ang mahabang gasgas sa kanang braso ko. s**t, hindi ko napansin nasa likod ko pala ang mga tinik ng rosas. Lagot ako kay Nanny nito. Baka mag- hysterical na naman sila kahit na wala naman akong maramdaman at mababae na sugat lang 'to. "A-alora.." napatingala ako sa kanilang dalawa na gulat na nakatingin sa akin. Oh no. "W-wahh.. Alora.. wAHHHHHHHH..!!" *** Alfred Drivas Leventis -Oldest son(10) Cadmael Drivas Leventis- second son(9)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD