Dalawa

3432 Words
[Approaching footstep sounds] Bigla na lang akong nagising sa tunog na narinig ko. Pero itim ang paligid nang luminga-linga ako. Nananaginip na naman ba ako? "Sanister." bigla na lang lumabas sa bibig ko. Wait, what did I say? Sinister? sister? And where the hell am I? Am I lucid dreaming? Then why is it so dark? Ilang sandali pa ay bigla na lamang may magsalita sa tabi ko. "PWET MO! AHH! MULTO!!" I screamed ng may makita akong lalaki na naka all white get up na seryosong nakatingin sa akin habang may hawak sa kamay nito na salamin na basag. Wait, multo? Hindi ba't nananaginip ako? Medyo nakakahiya ako sa part na 'yon. Nilingon ko siya at saka ngumiti. "Hello. Ano'ng pangalan mo?" I approached him, but he stepped back as he looked at me with cold eyes. "Don't you remember anything?" he asked while his arms were crossed. Naaalala? Hindi ba't nananaginip lang ako? I looked at him with a confused look. "What do you mean--AAH!" My ears just started ringing and my head felt like it was splitting into two. "Sorry, Tana. Pero kasi mahal ko na si Gabrielle. May nangyari na sa amin at handa akong panagutan siya kung sakaling may mabuo man. Minahal naman kita, eh." "Shh.. huwag kang magsusumbong, ah? Saglit lang naman tayo, Tana.. Doon lang sa bahay ni tito." "Apo, gusto ko man na ipakulong ang tito mo sa ginawa niya sa'yo, pero alam mo naman na wala tayong pera. Sana maintindihan mo, kaya naman umuwi na lang tayo ng probinsya dahil mas safe doon." "Huwag ka nang-pakipot, miss. Gusto mo rin naman, eh. Tsaka saglit lang tayo." "Ikaw ay narito sa purgatoryo upang masintensyahan ni Bossing Ama." "Hoy, ayusin mo nga ang pananalita mo dito! Judgment mo 'to, kaya dapat maging mabait ka!" "Bakit ako magiging mabait kung buong buhay ko gano'n na nga ginawa ko pero tignan mo 'yung nangyari sa akin!" "Weird book. Why does it remind me of myself? Just a little bit more, I can finally free you." "No, Tana! Huwag! bitawan mo 'yan!" "T-TEKA! HUY!! TULONGGGG, WAHHHHHHH!!! SAN PEDROOOOOOOOOO!" Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi makapaniwala. Napatingin ako kay Sanister na nakatayo sa tabi ko na parang naghihintay. "N-naaalala ko na! 'Yung death scene ko! Si San Pedro at 'yung libro! Kinuha ako ng libro, parang may humatak sakatawan ko--!" Pumreno siya sa mukha ko gamit ang kaliwang kamay niya. "Shh! Alam ko na 'yan kaya huwag mo nang ikwento mula umpisa. I was there too, you know?" sungit!" Then, nasaan tayo? Bakit ang dilim dito? And bakit ka nandito, as far as I can remember ako lang ang kinuha ng libro." I asked. Ang naaalala ko lang kasi before I woke in this place was that Sanister tried to help me and hanggang sa naging itim na ang paligid at nagising na ako na nasa ganitong situwasyon. Humarap siya sa akin habang nakahawak sa baba niya. "Noong tuluyan kang nakain ng libro, I got dragged in too, as if someone pushed me. But I didn't saw who it was dahil nawalan na ako ng malay." I gasped and pointed at him. "I-I remember now! I saw a person behind you. Pero hindi ko ma-point out kung sino, his face was all blurry but he gives a weird familiar feeling." I definitely saw a person behind him. Hindu ako maaaring magkamali because he has the same built as Sanister. "What?!" nagulat na lang ako sa pagsigaw niya. Bigla na lang siyang naglakad pabalik-balik na parang nagpa-panic. "Ano?! Have you figured out something?" I waited for him to say something and he just suddenly stopped and looked at me. Has he figured out something important?! "Someone must have planned this and that person must be someone na naiinggit sa akin dahil sobrang galing ko at ako ang paborito ni Sir Sanny!" He said in a straight and serious face.-____- Hindi naman siguro ako makukulong if ever na manghambalos ako ng anghel, 'diba? Bwiset na anghel na trainee na 'to, dadagdag pa sa konsumisyon ko sa buhay-- I mean-- arg, never mind! "Tapos na ba kayo sa mga chikahan ninyong dalawa?" "AY PWET!" sigaw ko ng may biglang boses na nagsalit at nage-echo pa sa lugar na kung nasaan kami. "Ako ito si San Pedro, we met last time, remember? Wahahaha!" Napatago ako sa likod ni Sanister na katabi ko lang. Bigla akong nakaramdam ng hiya. "Sir Sanny." Yumuko ito kahit na wala kaming makita kun'di dilim. "Oh, Sanister! How are you? Siguro naman ay alam mo na ang mga nangyari sa inyo ngayon? Wahahaha!" Ang jolly naman ni Papa sp. "Alam ko, Sir Sanny. At nahihiya ako sa pagkakamali na nagawa ko, patawarin niyo ko." Napatingin ako bigla sa kaniya. Huh? Parang kanina lang kung ano-ano'ng sinasabi niyang naiinggit kineme sa kaniya ang mga kasama niya. Jusko, ngayon lang ako naka-encounter ng anghel na two-faced b***h-- Joke sorry Lord. "Dahil sa hindi inaasahan na pangyayari, nag-meeting kami ni Boss ama kung ano ang maaaring maging solusyon sa inyong sitwasyon ngayon." Tinaas ko ang kamay ko na para bang nakikita ko siya. "Sir Sanny! pwedeng magtanong?" "Sure, bata. Ano 'yon?" naramdaman ko ang masamang tingin sa akin ni Sanister pero hindi ko siya pinansin. "Ano po bang sitwasyon ang sinasabi niyo? Wala akong ma-gets sa mga pinag-uusapan niyo, gaano ba complicated ang situation namin na nagka-meeting pa kayo ni Lord?" Kasi naman, kasama din ako sa sitwayon na sinasabi nila na ito and karapatan ko din naman malaman biglang isang kaluluwa na nais matahimik kahit na nagawa pang makipag-away sa anghel. "Sabihin na natin na bawat kaluluwa na napapadpad sa purgartyo ay may kaniya-kaniyang libro na para sa kanila. Sa oras na makakuha ka ng bagong libro, magkakaroon ka ng bagong buhay. Subalit, sa oras na walang librong dumating sa'yo, may iba kang kahihinatnan dahil senyales iyon kung naging ano ka noong nakaraang buhay mo." Namayani ng ilang segundo ang katahimikan bago siya ulit magsalita. Nagsitaasan ang mga balahibo ko at Nanlamig ako kahit na malamig na talaga ako. Tumikhim siya. "Tana, bata. Tbh, ngl, napaka-delikado ng sitwasyon ninyo ni Sanister dahil kusa kayong pinili ng libro na matagal nang naliligaw ka-kahanap sa nararapat niyang may-ari." Nagkatinginan kami ni Sanister. "Sa una pa lang na nagawang magwala ng libro para lang makuha ang atensyon mo at lalo na nang tuluyan ka nang makapasok sa loob nito ay representasyon na ikaw, Tana Idana, ang bagong nagma-may ari ng Ghost book na 'yan." (●__●) "What?" napatanga ako at nagpapalit-palit ang tingin ko kay Sanister at sa kawalan. Parang ayaw mag-process lahat ng nangyayari sa utak ko. "K-kung gano'n.. paano ang book na originally ay para sa akin?" I glanced at Sanister. "You don't have a book." he said with a straight face. Napahawakako sa ulo ko nang sumakit ito. "What? I'm so confused. How is that possible?" He shrugged. "It's not a new case but just a rare one. Nangyayari lang kapag may libro na kagaya nito ang naligaw sa Libraria Zei o Ang Librarya ng Buhay." So, isa ba ako sa mga mapapalad o hindi mapalad? "It's not like you don't have a book, there are some cases na naligaw ito dahil sa mga ghost books na sapilitan na ipina-pasok ang sarili nila sa Library of Zei para mahanap ang owner nila." he explained. Bakit ba naging ganito ang sitwasyon ko!? Akala ko pa man din pagkamatay ko ay mapupunta ako either kay Lord o sa kalaban ni Lord! Bakit ang daming charot-charot na gan'to?! "Consider yourself lucky, bata! Blessing in disguise ang libro na 'yan." muntik na akong makapagsabi ng masamang word sa sinabi na 'yon ni San Pedro. "Subalit, huwag kayong magpa-saya agad dahil may kapalit ang pang-gugulo ng pilyong libro na 'yan, o sa madaling salita ang mismong may-ari nito ang makakakuha nito." Blessing in disguise pero ako ang kakarmahin?! Oh, Diyos kong Mahabagin! I love my death! "Then, what is this consequence?" nakaramdam ako ng kaba. Susunugin ba ang kaluluwa ko? Magiging anak ng terorista sa next life? Magiging pang-sabon sa pwet? ANO?! Napanga-nga ako nang makarinig ako ng drum rolls. -___- Konti na lang talaga iisipin ko nang comedian 'tong si San Pedro. The drum rolls stopped. "Your life won't last long, as you will meet your last page at the age of twenty-five due to an unknown disease." Napatanga ako sa kawalan. MAMAMATAY NA NAMAN AKO? AND REALLY? AT THE AGE OF TWENTY-FIVE ULIT? EH, AGE KO KAYA 'TO NOONG NAMATAY AKO! PARA SAAN PA ANG NEW LIFE NA ITO KUNG MAMAMATAY LANG DIN NAMAN AKO ULIT NG MAAGA?! "Pero huwag kang mag-alala, bata. Mayroon ka pang pagkakataon upang makuha mo ang original book of life mo pagkatapos ng buhay mo dito. Oha! win-win, atleast secured na ang next life mo basta magpapaka-bait ka lamang lalo na't iba sa alam at nakasanayan mong mundo ang mumdo na meron ka ngayon." But really, hindi naman siguro ako makukulong kung manghambalos ako ng anghel at disciple ni Jesus, 'diba? Kahit isa lang, mabawasan kahit papaano ang frustrations ko. Pero kung sinasabi niyang iba sa mundo na alam at nakasanayan ko, ang ibig sabihin ba niya ay 'yung oras na nagising ako sa kakaibang kwarto na 'yon, and 'yung nakita kong bata sa salamin nang tignan ko ang sarili ko ay totoo ang lahat ng 'yon? "Sir Sanny, wala na bang ibang paraan para maayos ang error na nangyari?" Sanister asked. I don't know pero kanina pa siyang mukhang hindi mapakali and he looks like he's worrying about something big. I mean, given and comprehensible sa situation namin. Pero ako nga 'tong hindi man lang maranasan na tapusin ang date sa kalendaryo. "Hmm." parang nag-isip pa si San Pedro. "Meron, ang kaso matatagalan bago mai-ayos ang lahat. I'm afraid to say na hindi ka muna makakabalik dito, Sanister." "Naiintindihan ko, Sir Sanny. Tatanggapin ko ang consequences sa aking pagkakamali." Tumawa si San Pedro. Seriously, bakit nakakatawa pa siya sa sitwasyon namin ngayon? At akala ko ba paborito niya itong si Sanister bakit parang wala lang sa kaniya na hindi niya makakasama ang apprentice niya. "Nawa ay gabayan kayo ni Bossing Ama sa inyong bagong buhay, bata at Sanister. Happy reincarnation!" Huh? Happy Reincarnation?! "San Pedro--HUH?! SANISTER NAGIGING TRANSPARENT ANG KATAWAN MO!" gulat akong napatingin sa kaniya. Sinubukan ko pa siyang hawakan pero tumatagos ang kamay ko. MAGIGING MULTO BA SIYA IN THIS LIFE DAHIL ANGEL SIYA?! "Pinagsasabi mo, ikaw din kaya." he waved his hands sa katawan ko and ganoon din ang katawan ko. Tumagos din ang kamay niya. "Oops! mukhang time is up na. Tana at Sanister goodluck sa magiging bagong buhay ninyo. May Bossing Ama be with you. Bata, kapag may tanong ka, ibulong mo lang ang magic word.. word.. wor.." kasabay nang pagkawala ng boses ni San Pedro ang siyang biglang pag-mulat naman ng mga mata ko. Until I saw unfamilliar people surrounding me as if I died. "Ah.." what the? what's wrong with my voice? It's not coming out. Para akong hindi nakapagsalita ng ilang taon. I heard gasps and then I saw the people were all staring at me na as if nabuhay ulit ako. "Anak! My princess! Oh my God!" bigla na lamang akong niyakap nang mahigpit ng isang iyak nang iyak na babae na may kulay pulang buhok, may suot na plain blue dress ngunit elegante itong tignan. Hindi ako nakagalaw at hindi ko alam ang ire-react ko. Hirap pa din ako na i-proseso ang lahat ng nangyayari sa akin. But I need to keep calm dahil sabi na nga ni San Pedro, iba ang mundo na kung nasaan ako. I need to act normal para walang makahalata na nagbago ako. I wanted to push her away from me dahil hindi ako sanay sa ganoong gesture. Pero ayoko naman na maging rude. "My baby, I'm so happy.." hagulgol nito bago humiwalay sa akin at saka ngumiti. "Ano ang nararamdaman mo, anak? May masakit pa ba sa'yo? We were so worried about you." I can feel the sincerity on her voice. I cleared my throat. "A-ah y-yo..s." Seriously, ano ba ang problema sa boses ko? I can't even properly utter a word. Nagulat na lamang ako nang humagulgol na naman siya. "Totoo nga! Vien, totoo nga ang sinasabi mo! This is a miracle!" "Sabi ko sa'yo, madam, eh! Gulat na gulat rin ako kanina!" Lalo akong naguluhan pero hindi na lang ako nag-react muna. Kailangan ko munang pag-isipan ang mga nangyayari at pag-planuhan kung paano ang gagawin kong adjustment sa loob ng libro na 'to. Pero bago 'yan, I think I need to console this woman first. I don't have any idea kung paano magpatahan, so I carefully reach for her and pats her head. Is this how they do it? Ganito ginagawa ko sa pinsan ko dati kapag umiiyak siya, eh. Napatigil siya at gulat na napatingin sa akin. "D-du.. un't.. cr..uhy.." I smiled at her. Nakita ko din sa likod niya ang tinawag niyang Vien na napatakip sa kaniyang bibig na para bang nagpipigil ng iyak. "M-madam..*sniffs* huhu..!" I think it's a wrong move dahil nang yakapin at halikan niya ang noo ko ay mas lalo lang siyang humagulgol. "ANG ANAK KO! WAHH HUHUHU! I LOVE YOU SO MUCH, ALORA!" Napatikom na lang ang bibig ko. Mukhang pinalala ko lang ang sitwasyon. Basa na ata ng luha niya ang ulo ko. But wow, is she my mom in this life? She looks so beautiful. Napansin ko din ang kulay berde niyang mga mata. Contact lens kaya 'yon? "CEEEEERILLLLLAAAA!" Nanlaki ang mata ko nang may biglang pumasok na lalaki sa kwarto na animo'y nagtatakbo dahil pawis na pawis ito. May kasunod rin ito na dalawang lalaki sa likod na ganoon din ang itsura. Tatlo silang may forest hair color. "Alora, anak!" "Antheo!"tumayo siya at yumakap sa lalaki. "Ang anak natin, she spoke! Ang sabi ng doctor it will take time para makapag-salita siya ng maayos dahil six years siyang hindi nakapag-salita pero ang mahalaga ay makakapag-salita na siya! I 'm so happy, Antheo!" "Oh, Cerilla. I knew our baby will be able to do it." "That's good, mother! Pwede na ba namin lapitan si Alora?" "I want to hear her voice too." Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila dahil napansin ko ang panginginig ng katawan ko, naninikip na din ang dibdib ko at hindi ako makahinga. "Ofcourse, go talk to her." bigla na lang silang lumapit sa akin at lalo akong nag-panic. N-no.. A boy that looks like ten years old approached me. "Alora! Makakapag-salita ka na daw! Pwede mo bang sabihin ang pangalan ko? I want to hear you voice!" "Me too. I want to hear it." sabi naman ng isang lalaki na mukhang ka-edad niya lang. Hindi ko alam ang ire-react ko. Para akong inaatake sa puso. Sobra ang paninikip ng dibdib ko. "My princess, how are you feeling?" tanong nang lumapit na lalaki at saka umupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga. No.. Don't approach me! Huwag niyo akong hawakan! Ayoko. I'm scared! Napapikit na lamang ako ng mariin at napa-talukbong ng kumot. "Alora?" "STOP RIGHT THERE!" rinig kong sumigaw na ikina-tahimik ng paligid. "Hon? What's wrong?" "Vien." It's the woman from earlier. "Yes, madam?" "Ilabas mo silang tatlo at iwan ninyo kaming dalawa ni Alora dito." she said in a serious tone. "Pero, hon, Bakit?" "Oo nga, mother! Gusto ko marinig ang boses ni Alora!" "Me too." I heard a sigh. "Ie-explain ko na lang sa inyo mamaya. But, first iwan ninyo muna kaming dalawa." "Sires, dito po." I heard 'awws' kasabay ng pag-sarado ng pinto. Tumahimik ang paligid at naramdaman ko ang pag-galaw ng kama na parang may umupo dito. " Anak, it's fine. Tayong dalawa na lang ang nandito. You can come out now." she said in a gentle manner. Pero hindi pa din ako tuminag. Nanginginig pa din ako sa kanina lalo na nang lumapit sila sa akin. Dahil ba 'to sa nangyari sa akin? Pero noong sina Sanister o San Pedro naman ang kasama ko, hindi naman nangyari sa akin 'to. Baka kasi Holy sila. Napapikit ako ng mariin. Bakit ba nangyayari sa akin 'to? I heard a sigh. "Alam mo ba, noong una kang dumating sa buhay namin, hindi namin alam kung ano gagawin namin ng father mo." she laughed. "Hindi naman namin first time parents since nandiyan ang kuya mo. Pero babae ka at iba ang pangangailangan mo. Takot na takot kami na baka mapabayaan ka namin at mawala ka din sa amin." her voice cracked kasabay ng sunod-sunod na pag-hikbi. Unti-unti akong lumabas sa kumot at saka tinignan kung tama ba ang narinig ko. And I was right, she was crying. She looked at me with sad eyes but she was smiling. "We don't want to lose an another princess." she caress my left cheeks. My heart skipped a beat and I couldn't find the right words to say. She wiped her tears. "Nakakatawa at hindi ka man maniwala, pero kinailangan pa namin magpatulong sa ibang kilala namin na naranansan nang magka-anak ng babae at nagbasa-basa pa kami ng kung ano-anong libro tungkol sa pagiging maayos na magulang." tumawa siya. She wiped her tears and looked at me."Ah." bigla niya akong binuhat at ikinandong sa kaniyang hita. I can feel her gentle touch that I've never felt before. Napakagat ako sa labi. "There was even a time na everyone freaked out noong nawala ka. That's when you're three years old. We can't find you anywhere pero ayun pala magkasama kayo ng Kuya Cadmael mo because he wants to show his gift for your birthday na after two months pa. He was just so excited that he ended up crying because he made us all worried, at dahil hindi niya din naipakita ang gift niya sa'yo kasi parehas kayong naligaw." she tucked my hair behind my ear. "And that time when your Kuya Alfred spent days to show you the flower crown he worked hard to make just to give it to you, despite knowing na hindi siya makakarinig ng any compliments or reactions from you, dahil your brother have always like being complimented, manang-mana sa father niyo. He did that just for you." she smiled. "At hinding-hindi ko makakalimutan noong oras na nahimatay ang Father mo noong lumabas ka sa mundong 'to. Kaya kahit na pinangako niya na siya ang unang bu-buhat sa'yo, he ended up being the last one dahil gabi na siya nagising noon." I can't help but giggled with her. Pero hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin 'to. It's not like I was the one who was with them. In this world, I'm a fake one. The warm and sincerity that she was giving me is foreign. I keep having the urge to savour this moment and feeling that I've never felt before. "You're probably wondering why I am telling you all this." she cupped my face as she gently caresses my hair. "Because I want to let you know how much we love and value you. Hindi mo man maintindihan ngayon, but I know someday you will. Kung ano man ang gusto mo, gawin mo. Kung ano ang ayaw mo, sabihin mo. You don't need to be perfect. You don't have to be kind, or behave sometimes. It's alright to cry, to get mad, to hate something or someone. I'm not telling you to be reckless and heartless, anak. What I want you to feel and to comprehend is, no matter who you are or what kind of person you are. Tanggap ka namin. You don't have to pretend to be someone else just to be accepted or gain their approval." she suddenly hugged me, I was stunned. I didn't even realize na hindi na ako nanginginig. "Remain to be yourself, anak. In that way magiging masaya ka. And that's my only wish for you, isipin man ng iba na masama akong ina for telling you all this. But as long as you're happy, no one else's opinion matter." she kissed my forehead. "Everyone will love and value you, no matter or what kind of person you are. And mother, will always support and be here with you." At the time, I had no idea what was going on or how I was going to react. Because, the last thing I knew was that I was bawling really hard as she gave me the most comforting hug that I'd never experienced before. *** Libraria Zea(zeya)-The library of life Ghost/Lost Book- no owner ---- To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD