Isa

2846 Words
⚠This chapter may includes events that can cause trigger. READ AT YOUR OWN RISK. ⚠ "T-tulong.. Huwag.. huwag po.." Diyos ko po, Panginoon. Dito na ba talaga ang katapusan ko? Bakit naman, hindi ko pa nga nakukuha sahod ko sa manananggal kong boss.. Hindi ko pa napapalitan ng bago 'yung electricfan ko na may lung cancer.. at.. hindi ko pa napu-fulfill 'yung mga bagay na pina-plano ko sa future.. ang unfair.. napaka-unfair.. -BLANK- Young miss.." nakaramdam ako ng mahinang pagtapik sa aking braso. "Young miss, oras na para bumangon.." Kanino ba boses 'yon at bakit niya ako tinatawag ng young miss? Hindi pa ba ako gising? Pinakiramdaman ko ang paligid ko habang nakapikit pa din. Tumigil na sa pagtawag 'yung boses ng babae. Mukhang nananaginip nga talaga ako-- "Ah.." napatakip ako ng mata nang may sinag ng araw ang tumama sa mukha ko. Ano ba kasi 'yon?! Unti-unti kong i-minulat at kinusot ang mata ko hanggang sa makapag-adjust ang paningin ko sa liwanag at saka ako naupo. "Huh?" Napatitig ako sa nasa harap ko. Napatingin ako kaliwa't kanan at pati na sa babae na may kakaibang suot na may kung anong pinipiga na bimpo sa tabi ko. "Young miss, gising ka na po pala. Tumayo na kayo at naiayos na po namin ang inyong pagpapa-liguan." napatitig ako sa kaniya na nakayuko sa harap ko habang ako naman ay sinusubukan na i-process lahat ng nangyayari. Napakamot ako sa ulo ko."Sino ka?" Nakita ko ang biglang paglaki ng dalawang mata niya na animo'y gulat na gulat. "Y-y-young miss..!! AAAAHHHHH COUNTESS!! VISCOUNT!!!!! ANG YOUNG MISS-- AHHHHHH!" Bigla na lang siyang nagtatakbo palabas ng kwarto na hindi ko alam kung sino ang may ari. Lalo atang sumakit ang ulo ko sa sigaw niya. Teka bago muna 'yan. Nasaan ba ako? Iniligid ko ang paningin ko sa paligid. Puro pink? Kwarto ba 'to nung kumanta ng Just give me a reason?  Where exactly am I? Did I get kidnap? Then what is this place that is so luxurious and old fashioned?! Teka! Tana, kumalma ka. Baka nananaginip ka lang o prank lang ang lahat ng 'to. Inhale, exhale. Kinurot ko ang pisnge ko. "Ouch." okay, so hindi ako nananaginip. Check. Kung na-kidn*pped man ako, edi sana nakatali ako ngayon at hindi ako sa ganitong lugar dinala. Check. At lalo naman na hindi ito prank dahil unang-una wala akong kaibigan na sobrang yaman, at pangalawa isa lang ang kaibigan ko at parehas kaming kapos palad. So, check hindi ito prank. So kung wala sa mga nabanggit ko ang sagot. Nasaan ba talaga ako at ano ang nangyari sa akin? Bumaba ako ng kulay pink at pangmayaman na kama at saka naglakas patungo sa human sized mirror na kulay pink din. The moment I saw my reflection in the mirror, napaupo ako sa gulat. "What.." my heart beats rapidly. I tried to calm dowm and approached the person in the mirror. Napahawak ako sa salamin. "Who is this?" This isn't me, why am I seeing a different person in my reflection? Tana.. "Alora! Anak!" napalingon ako sa babaeng biglang pumasok. Tana.. lumapit ka.. Ngunit napalingon ulit ako sa salamin na narinig kong tinawag ang pangalan ko. Lumapit ka pa.. at ng mas lumapit ako ay bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding pagsakit ng ulo na para bang tilang kuryente ang dumaloy sa ulo ko. Hanggang sa nawalan na ako ng malay. [footsteps sounds echoing] Psst, bata. Hmm.. Hello, bata? Hm. Kakaiba ang pangalan mo,ah. Ang ingay naman.. sino ba'ng tumatawag sa akin ng bata? Mukha ba akong bata?! Oo at bata ka pa talaga. Huh?! Sino ka?! At paano mo naririnig ang iniisip ko? Wah, maligno! Teka, bakit hindi ko mabuksan ang mata ko? Bakit ang dilim? Pero sure ako na kanina ko pa sinusubukan na tignan kung kaninong boses iyon. Bulag na ba ako? at bakit hindi lumalabas ang boses ko? Anak ng teteng! Dahil ba 'to sa kaka-iyak ko tuwing gabi? Teka, hindi naman ata posible 'yun! Wah!! Ano ba talaga ang nangyayari?!! [Chuckles] huh? "Sandali't aayusin ko 'yan. Huwag kang gagalaw, bata." tila kusang sumunod ang katawan ko at hindi nga ako nakagalaw. Napaka-lambot ng boses niya, parang anghel, 'yung tipong pag-narinig mo ang boses niya ay mawawala na sakit ng ulo mo. Pota, sana all. Sabi kasi ng mga matatanda na kamag-anak ko na huwag daw ako magsalita dahil naririndi daw sila sa boses ko. Duh! Kaya nga tayo binigyan ni Lord ng boses ay para gamitin natin, at hindi para gawing dekorasyon! "Hahahaha! May point ka, bata! Hindi dapat ginagawang dekorasyon ang mga bagay na i-pinagkaloob sa atin ni Bossing Ama. Ahahaha!" Teka, sino ba itong.. huh? Nasilaw ako ng may ma-aninag akong ilaw. Parang slow motion na unti-unting luminaw ang imahe ng lalaki na nakangiti na nasa harap ko--hUH? HUHHHH???? AHHHHHH!!! Multo! May multo!! Sinubukan kong tumakbo, pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Teka, nasaan ba ako?! Wah, tulong minumulto ako! Maligno! Lord, help! Bakit puro puti ang nasa paligid namin? Wala akong makita kahit isang bagay! [Snickers] "Nakakatuwa ka talagang bata ka! Wahahaha! Alam mo bang ikaw lang ang nag-iisang taga lupa na tumawag sa akin na multo at maligno! Wahahaha!" I looked at him strangely. He has a really long beard and he's wearing all white. White robe, white sandals and he's also white-skinned. Nahiya naman ang maitim at dry kong kutis. "Teka, bata! Huwag mo naman akong tignan ng ganiyan! Mukha lang ako na gan'to ngayon pero marami na ako napa-akyat!" Napa-akyat? pfft-- HAHAHA huwag sabihin ng manong na 'to na napa-akyat sa langit, ang funny, ah? HAHAHA "Yes! May tama ka diyan! Kaya ngayon ay nandito ka sa purgatoryo para masintensyahan ka ni Bossing Ama." (─▽─) to ಠ_ಠ TEKA TEKA TEKA! SINTENSYAHAN? BOSSING AMA? So, ibig sabihin.. Gulat akong napatingin sa kaniya. "D-d-deads na ako?" Nginitian niya lang ako at parang hinihintay niya na ako mismo ang mag-process ng mga nangyayari. [Clock sounds ticking rapidly and a bright light appeared] "Psst. Miss, mag-isa ka?" "Miss, samahan mo naman kami. Wala kasi kaming kasama ngayong gabi." "Miss! Pansinin mo naman kami, oh." Natatakot ako. Natatakot ako. Tulong! Please, someone! Mas binilisan ko pa ang pag-takbo. Hindi ko na alam kung saan ang narating ko ngunit pagkaliko ko ay dead end na pala iyon, at ang ilaw na akala ko ay labas na ay ilaw lang pala ng poste. s**t! "Huwag ka naman pa-famous, miss. Sayang maganda ka pa naman."tumawa ang dalawang lalaki na sinundan ako. "Huwag kayong lalapit! T-tatawag akong pulis!" pinakita ko sa kanila ang cellphone ko. s**t! lowbatt! Tumawa ulit sila hanggang sa sabay na silang lumapit sa akin. Napasigaw ako. "Bitawan niyo ako! Tulong! Please! Huwag po! Kuya, p-please huwag po..! Parang awa niyo na..!!" tinakpan ng isang lalaki ang bibig ko habang hawak nito ang dalawang kamay ko sa likod. Nagpumiglas ako lalo na nang hawakan ng isa ang dibdib ko. NO! PLEASE, HUWAG! NO!! PLEASE, SOMEONE HELP! HUWAG! Nakaramdam ako nang pandidiri sa sarili. Tumawa ito "Huwag ka nang-pakipot, miss. Gusto mo rin naman, eh. Tsaka saglit lang 'to..ARAY! PUTANGINA!" napalayo at napaupo siya nang sipain ko ang ka-lalakihan niya. "ABA, TARANTADO KANG BABAE KA, AH!" nag-pumiglas ako hanggang sa nabitawan niya ako. Nagkada dapa-dapa ako para lamang makalayo sa kanila ngunit hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko ang matulis na bagay na tumusok at bumaon sa likod ko. "Ahh.. t-tulong..."hanggang sa unti-unti nang lumalabo ang paningin ko. N-no.. hindi ako pwedeng mamatay.. "GAGO KA! BAKIT MO SINAKSAK PUTANGINA!?" "Tangina, nataranta ako! Hindi mo agad sinabi ano gagawin ko! Bigla kasing tumakas! Ano'ng gagawin natin?" "Putangina, bobo ka kasi! Edi ano pa nga ba, tuluyan mo na! Baka mamaya makatayo pa 'yan at sumabit tayo! Dalian mo at nang makasibat tayo tanga!" "Oo na! Pero paano 'yung katawan?" "NAG-IISIP KA BANG BOBO KA? KUNG MAHANAP 'YAN NG MGA PULIS EDI NALAMAN PA TAYO NAKAPATAY DIYAN. OH! PAGKATAPOS MO DIYAN SUMIBAT NA TAYO." inabot nito ang lighter sa kasama. "H-huwag.. t-t-tu..long.. h-huwag.." "Pasensya ka na. Kung hindi ka lang sana lumaban." [Clink] "Hu..wag.." [Crackles] "Huwag.. huwag.. tulong.. HUWAG!" "Bata." napatigil ako sa pagsigaw nang makaramdam ako ang mahinang tapik sa balikat ko. "Kalmado ka na ba?" tumango ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, wala akong maramdaman kahit na anong takot o pag-aalala kahit na naalala ko ang death scene ko. So that was how I die, huh. Hanggang sa kamatayan ko hindi man lang payapa. My life was so unfortunate. "Mabuti naman." Ang weird lang dahil ang ine-expect ko na purgatoryo ay maliwanag, puro ulap, may hagdan pa-akyat at susunduin ako ng mga magulang at lola ko. Hindi ko sila nakita ibig sabihin ba nu'n ay magkaiba kami ng lugar na pupuntahan? "Halika at sundan mo ako." tila automatic na sumunod ang katawan ko pagkasabi niya 'nun. I merely blinked once and I already found myself in a library that has a lot of shelves and books that at glance you'll think it's just a normal library but it's not because.. THE SHELVES ALONG WITH THE BOOKS ARE FLOATING AND ROTATING RAPIDLY!! Where are we?! Patuloy lang ang katawan ko sa pag-sunod kay manong hanggang sa makarating kami sa harap ng isang lamesa na sakto lamang ang laki at na parang binagyo dahil nag-kalat ang mga libro at papel sa lapag at ibabaw nito. "Sanister." pagtawag ni manong at muntikan na akong atakihin sa puso ng biglang may sumulpot sa likod namin. "Tinawag niyo ako?" isang lalaking may seryosong mukha, matangkad, may malapad na suot na salamin, puting buhok at fair skin ang lumapit kay manong at saka hinawakan ang kamay nito gamit ang sariling dalawang palad na parang pag-respeto dito. "Ito si Tana at ipinagkakatiwala ko na siya sa iyo. At saka.." lumapit siya kay snow white at saka tila may ibinulong dito na kagulat-gulat na napatingin si snow white sa akin at saka ito tumango. Bumaling sa akin si manong at saka ngumiti hanggang sa naglaho na siya. Para akong kinilabutan in a good way, ay ano daw? Naiwan tuloy kaming dalawa ni snow white dito. "Pwede bang magtanong--" "Bawal magtanong ang mga si-sintensyahan."edi wow, sabi ko nga. Pinanood ko lang siya habang hindi siya magkanda-ugaga sa paghahanap ng kung ano man ang hinahanap niya sa mga libro na nasa likod niya. "Ayun, nakita din kita. Wala man lang nag-inform sa akin na umikot na naman ang istante."umupo siya sa malaking upuan at saka binuklat ang malaking libro na may nakaukit na word na hindi ko maintindihan. "So, anyways, pag-usapan na natin kung ano ang magiging ganap mo ngayon na kitog ka na." Huh, kitog? Tumingin siya sa akin. "Tigok. Dead. Patay." hindi na ako nakasagot, wala akong gana para magreklamo or ano, para akong patay-- well patay naman na talaga ako. Tumikhim siya. "Tana Idana Almario Dimalanta. Date of Birth, November 2-- wow All souls day. Namatay ng 23rd of July. Awh, rest in paradise." anak ng-- kailangan ba talaga may comment? Baka kung buhay lang ako at nasa mundong ibabaw pa kami baka kanina ko pa naparanas dito ang legendary tsinelas ko. "Wala ng mga magulang at pinalaki ng kaniyang lola na ka-mamatay lang din. Oh, si Hernia Almario. Oo, kilala ko 'to. Hmm." Tumango-tango ito sa sarili. Bakit para akong nasa job interview at ang kaibahan lang ay naga-apply ako sa hindi ko alam kung sa baba o sa taas ako matatanggap. "Kuya, pwede bang mag-tanong?" hindi ko na napigilan. "Sino ba 'yung manong kanina at bakit niya ako dinala dito? Parang security guard ba siya, secretary o boss mo?" " Kuya ka diyan. Unang-una hindi kita kapatid at kahit na taga dito ako, may pangalan ako, noh." isinara niya ang libro na hawak niya at tumingin sa akin. "Eh, ano po ba pangalan mo po? Hindi ka naman po kasi nagpakilala kaya hindi ko po alam kung ano ang itatawag ko sa inyo po." Although narinig ko na kanina tinawag siyang Sanister ni manong. Muntik na din akong mapa-irap pero naalala ko nandito nga pala ako para sintensyahan. Baka imbes na mapunta ako sa taas, eh, baka mag-meet up kami ng 'di oras ng nasa baba. "Ay, hindi pa ba? Akala ko mahahalata mo na sa get up ko, eh." tumikhim muna siya. "Ako si Sanister! Ang trainee assisstant ni San Pedro." pinag-krus pa nito ang dalawang braso niya at mukhang proud na proud habang walang kaemo-emosyon ang mukha. Straight face pa din. Ano ba 'to robot ba 'to o nagpa-botox? Pero wth, hindi ko in-expect na ganito pala dito. Pero kung assisstant lang 'tong Sanister na 'to. Nasaan si San Pedro? "Si San Pedro ang tinatawag mo na manong kanina pa." (´・_・') "Ha? HAAAAAA?!" Tumango-tango siya. "Magpasalamat ka mabait si Sir Sanny at mukhang napatawa mo pa siya kaya hindi ka naparusahan sa inappropriate way of speaking mo. Grabe pati pangalan mo, oh. Tsk, tsk." napa-iling-iling pa siya habang may binabasa sa libro na hawak niya. "Ano'ng problema mo sa pangalan ko?! At saka bakit ikaw ang nandito at hindi si San Pedro mismo? Hindi ba't mahalaga ang final judgment? Dahil ba f**k up ang buhay ko, hindi ko na deserve ng special treatment?!" "F-f-f-ANO?! Hoy, ayusin mo nga ang pananalita mo dito! Judgment mo 'to, kaya dapat maging mabait ka!" napatayo siya. "Bakit ako magiging mabait kung buong buhay ko gano'n na nga ginawa ko pero tignan mo 'yung nangyari sa akin! I had a tragic death, I was betrayed by two person that I trusted! I didn't even get to do what I want and what I've dreamed of! Mas malala pa ang ending ko sa ending ng attack on titan! At saka akala ko ba mababait at mala-anghel ang mga nilalang dito sa langit?! Bakit may katulad nitong si snow white, Lord?!" hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para magmura, kuwestiyonin si Lord at awayin ang anghel na hindi ugaling anghel na snow white na 'to. Noong buhay nga ako hindi ko man lang magawang umiyak dahil masyado ng maraming nangyayari sa buhay ko noon, kaya lagi ko siyang nirere-sched. Tapos ngayon, I've had the audacity to cry infront of this man and even on the day of my judgment! Tana, you're life really is f**k up. Napaka-dali nang hulaan kung saan ang bagsak mo. Magre-reunion na kayo ng tito mo. Maganda 'yan. Hindi siya sumagot hanggang sa kumalma ako. "F-fyi, isa ako sa pinaka magaling na trainee dito ni Sir Sanny! K-kaya magtiwala ka sa akin." he said in a calm manner pero nakapamewang siya. Ginaya ko siya at nag-pamewang rin ako. "Kahit na ba ikaw ang pinaka-magaling dito sa kung nasaan man ako ngayon, the point is this is a matter of life-- I mean death and death! Malay ko ba baka magkamali ka diyan at mailagay mo ako doon sa kalaban ni Lord! Ayokong magpa-litis sa'yo, gusto ko sa professional!" Napanga-nga siya. Hindi niya siguro inexpect na a-attitude pa din ako despite afterdeath. I didn't really mean anything sa mga sinabi ko sa kaniya. Maybe I'm still overwhelmed by everything that is happening. Siguro naman alam na niya 'yon. Tinalikuran at naglakad ako palayo sa kaniya. "T-teka, hoy! Saan ka pupunta? Bawal umikot-ikot ang kaluluwa mo dito!" hindi ko siya pinansin. Trainee kuno lang pala siya dito tapos kung maka-hoy at makautos sa akin! [ding, dong, dang, ding] Napatigil ako sa tunog na 'yon, at narinig kong may kinakausap si Mr. Snow white, marahil galing iyon sa tunog na iyon. Akala ko nasa SM ako. Nagpatuloy ako sa pagi-ikot, grabe, napaka-payapa ng lugar na 'to. Ang lawak pero kaming dalawa lang ang nandito. Sobrang daming mga libro na iba't-ba ang mga kulay at mayroon rin na sobrang itim na kahit ang isang curious na multo na tulad ko ay hindi ga-galawin iyon lalo na't nasa pinaka taas iyon ng book shelf na patuloy sa pag-rotate. "Tana! Nasaan ka?" Agad akong napatakbo at nagtago sa pinaka dulo ng librarya. Ang lakas ng t***k ng puso ko, who knows kung anong gagawin niya kapag nakita niya ako. Baka ipatapon na lang niya ako ng diretso sa kalaban ni Lord. Naiisip ko pa lang na magre-reunion kami ng tito ko ay kinikilabutan na ako, ayokong makita ang matandang iyon na-- huh? I unknowingly approached a book na tumapat malapit sa akin. It was the book from earlier that has a black smoke-like that was coming out of it. Para itong nagwawala na para bang may desperadong gustong lumabas mula dito. Why did I suddenly remind it of myself? My hand subconsciously reach for it, para akong na-hipnotismo pero aware ako sa ginagawa ko. Almost there.. I can finally free you.. After I finally reached it, Mr. Snow white suddenly appeared, and due to shock, I dropped the book. "Tana-- sandali!" I subconsciously picked it up. "TANA, HINDI!" Sanister tried to reach out his hand but before I knew it, my body was already being forcefully pulled down inside the book. "T-TEKA! HUY!! TULONGGGG, WAHHHHHHH!!! SAN PEDROOOOOOOOOO!" *** —To be continued —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD