CHAPTER SIXTEEN

1837 Words
I woke up to the sound of the falling rain. Nandito na ako sa kama ni Damon, at napalitan na rin ang damit ko. Tahimik ang buong kabahayan at hindi ko alam kung nasaan si Damon, pero isa lang ang nasa isipan ko sa mga sandaling iyon. Gusto kong makatakas sa impyernong ito. Una kong hinanap ang cellphone at wallet ko, saka ako kumuha ng isang maliit na sling bag. May pagmamadali ang bawat kilos ko at abot-abot ang aking kaba, natatakot na baka biglang pumasok si Damon at mahuli ako. Dahan-dahan akong naglakad, natatakot na lumikha ng ingay ang aking mga yapak. Halos nasa lalamunan ko na ang puso ko sa labis na takot. Dinig ko ang malakas nitong t***k, at ramdam na ramdam ko ang panginginig sa gagawin kong ito. Sana lang ay magtagumpay ako. Nasa harap na ako ng pintuan at dahan-dahan iyong binubuksan, ngunit ayaw bumukas. Sinubukan ko ulit, ngunit ganoon pa rin hanggang sa tuluyan ko na itong binayo nang malakas nang natanto kong naka-lock ang kwarto mula sa labas. Sa labis na frustration ay pinagsusuntok ko ang pintuan habang sumisigaw. "Damon! Palabasin mo ako rito! Palabasin mo ako! Parang awa mo na. . ." Lumuhod ako sa likod ng pintuan. Hindi ko alam kung nariyan ba siya sa labas, ngunit nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa makaramdam ako ng pagod. "Please, Damon. . . Palabasin mo na ako. Gusto ko lang makita si Tatay. . . Magpapakabait ako, susundin ko ang lahat ng sasabihin mo, hayaan mo lang ako'ng makita si Tatay," unti-unting humina at nabasag ang boses ko. My silent cries became loud sobs. Kailangan kong makaalis dito. Sinubukan ko ulit na buksan ang pintuan ngunit lalo lang akong na-frustrate. Hindi ko namalayang nakatulog na ulit ako. Muli akong nagising sa isang pamilyar na haplos. Mabilis akong lumayo kay Damon. Sinandal ko ang sarili ko sa kama at pilit na hinarang ang mga kamay ko para mapigilan si Damon sa paglapit. Hindi ko siya kayang tingnan, lalo na sa mga mata na dati'y lumulunod sa akin. "Kumain ka na, Cassandra," aniya. Noon ko lang din napansin ang isang tray ng pagkain na nasa bedside table. Umiling ako. Hindi ako nagugutom. Wala akong ibang maramdaman kundi kahungkagan at pagsisisi. "Hindi ako kakain. Ayaw kong kumain. Gusto kong makita si Tatay." "I'm sorry, baby. Pero hindi pwede. Hindi ka pwedeng pumunta sa ospital, at hindi ka rin pwedeng lumabas sa bahay na ito. Kapag sinuway mo ako at nahuli kita sisiguraduhin kong parurusahan kita." May banta ang tono ng kanyang boses. Tinitigan ko siya. Seryoso ang kanyang mga mata. Mabilis na namuo ang mga luha ko. "Bakit hindi pwede? Ano? Hindi na ba ako pwedeng umalis sa bahay na ito? Paano ang pag-aaral ko?" sigaw ko sa kanya. Tumalim ang kanyang mga mata. "Pag sinabi kong hindi ka aalis dito, hindi ka aalis. Everything you need in school will be brought here. You will be attending your school online, I'm already processing it. Tutal naman ay tapos na ang thesis defense mo, there's no need for you to go back to school." Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya? "You're kidding me, Damon," hindi makapaniwalang sambit ko. "You wish I am, baby, but I'm not. Kinuha ko rin ang cellphone mo kaya huwag na huwag kang magtangka na tumawag sa mga kaibigan mo, lalong-lalo na sa lalaki mo. Trust me, Cassandra, you don't know what I can do." He looked at me sharply. Umiling-iling ako. This is too much. "Ano'ng karapatan mo na gawin sa 'kin to, Damon? Buhay at pangarap ko ito! Ang sabi mo, mahal mo ako! Ganito ka bang magmahal? Kasi kung ganito, sinasabi ko sa'yo na kahit mahal pa kita ay pipilitin kong ibaon ang nararamdaman ko! Nakakasal ang pagmamahal mo!" Bumuhos ang mga luha ko. Ang sakit-sakit, sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan. Maayos naman kami noong una. Ano'ng nangyari? Saan kami nagkamali? Bakit biglang nagbago si Damon? "What did you say?" Nakangingilabot ang kanyang bulong. Napa-atras ako sa kama kahit na wala na akong ma-atrasan. Hinila niya ang kamay ko, mahigpit ang kanyang pagkakahawak. "Ulitin mo ang sinabi mo! Nakakasakal?" Hindi ako nakapagsalita. Hinila niya ako patayo at marahas niyang hinatak ang buhok ko. Napasigaw ako sa sakit. "Damon! Nasasaktan ako!" Patuloy akong sumigaw, ngunit tila nabingi na siya. "Talagang masasaktan ka kapag sinabi mo pa ulit iyon. Ayokong marinig na sinasabi mo iyon. I love you, and you will love me back, Cassandra. Whether you like it or not, you have no choice anyway. Tandaan mo, kailangan mo ako para mabuhay ang Tatay mo," saad niya, bago niya ako binitiwan. Tumalikod siya at padabog niyang sinara ang pintuan. Narinig ko pa ang tunog ng kinakalikot na lock sa labas ng pintuan. Napaluhod na lang ako at malakas na umiyak. Ilang araw pa ang lumipas, ngunit nanatiling ganoon ang sitwasyon ko. Hindi ako pinapalabas ng kwarto, o pinapayagang dalawin si Tatay. Kulang na lang ay itali ko ni Damon para hindi ako makaalis dito. Hinahatiran niya lang ako ng pagkain, at sa tuwing nagkakaharap kami ay lagi na lang kaming nag-aaway at madalas ay nagagalit siya. Sa gabi naman ay pumapasok siya para gamitin ang katawan ko, at muli akong pagbantaan. Gustong-gusto kong umalis, ngunit sa tuwing babanggitin niya si Tatay ay umuurong ang tapang ko. Kapag naiiwan akong mag-isa sa kwarto ay umiiyak na lang ako sa labis na frustration. Para akong nababaliw sa kaiisip ng lahat ng mga nangyari. Ilang araw ko na ring nakatulugan ang pag-iyak. Sa bawat araw na nagdaan ay unti-unting napalitan ng pagkamuhi ang pagmamahal na nararamdaman ko kay Damon. Every time I see him, I am reminded of the pain he caused me. Kinulong niya ako sa takot na baka mawala ako sa kanya, ang hindi niya alam ay iyon mismo ang nagtulak sa akin palayo sa kanya. Naalimpungatan ako nang naramdaman kong may pumasok sa kwarto. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mukha ni Zach. Uminom ako ng tubig mula sa tray na dala niya. "Nasaan si Damon?" "May inasikaso lang siya. Babalik din siya rito," aniya. Inilapag niya ang tray ng pagkain sa ibabaw ng beside table. "Kumain ka na, Cassandra. Ilang araw ka nang hindi kumakain." He sounded concerned, but I doubt it. Kaibigan siya ni Damon. "Wala akong gana, Zach. Gusto kong makita si Tatay. Please. . . Tulungan mo akong makaalis dito. Kailangan kong puntahan si Tatay," pagmamakaawa ko sa kanya. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Zach. Doon pa lang, alam ko na agad na hindi niya ako tutulungan. Napailing ako. "Zach. . . Gusto ko lang umalis dito at puntahan ang Tatay ko. Hindi ako gagawa ng ikasisira ni Damon. I just want to be free from him. Please naman oh, tulungan mo naman ako." Pumiyok ang boses ko. Nakita kong napalunok si Zach, ngunit matigas pa rin ang kanyang ekspresyon. "I'm sorry, Cassandra. I can't do that. Damon needs you. You are his drug, his escape from the nightmares of his past. My friend loves you so much, Cassandra. Maniwala ka," he said, trying to convince me. Tumawa ako nang mapakla. "Mahal? How can you say he loves me, when all he did was to hurt me emotionally and physically?" Pinakita ko sa kanya ang mga markang iniwan ng marahas na mga kamay ni Damon. I felt so weak, so abused. Ang tanging kinakapitan ko na lang ngayon ay ang katotohanan na naghihintay si Tatay. At kung makakatakas man ako rito, lalayo kami ni Tatay. Pupunta kami kung saan hindi kami mahahanap ni Damon. "He didn't mean to hurt you, Cass. Believe me," humina na ang boses ni Zach. Umismid ako at bumaling sa kanyang mukha. Sayang. . . Akala ko pa naman mabait siya, 'yon pala, kakampihan niya pa rin ang kaibigan niya kahit mali na ito. "If you're not going to help me, then get out and leave me alone!" asik ko sa kanya. Nagtulakbong ako ng kumot, at nang marinig kong sumarado ang pintuan ay muli akong napaiyak hanggang sa muli akong nakatulog. Hapon na nang muli akong nagising dahil sa kumalalam na sikmura. Sa labas ng kwarto ay naririnig ko ang malakas na sigaw ni Damon. "Damn it! Do everything you can! Doctor ka, di ba? That's what I'm paying you for kaya sundin mo ang inuutos ko!" sigaw niya. The sound of something hitting the wall before it was broken filled my ears. Narinig ko ang mga yapak papunta sa kwarto kaya muli akong pumikit at nagpanggap na tulog. Naramdaman ko ang marahang haplos ni Damon sa buhok ko, ngunit lalo lang akong nadismaya. "What are you going to do now?" tanong ni Zach. Mahina ang kanyang boses na tila ba natatakot siyang may makarinig sa tanong niya. Bumuntong hininga si Damon. "I will continue the plan," aniya. "Damon, hindi ka ba naaawa kay Cassandra? Kailan mo siya palalabasin dito? This is no longer part of the plan," boses iyon ni Zach. Bakas ang kaunting inis doon. Napatda ako nang natanto ang sinabi niya. Plan? Anong plano? "Oh, don't preach on me! Alam mo naman kung bakit ko to ginawa, di ba? I love her. I love her so much that I would do everything within my power so that I can have her, so that she would stay on my side," pabulong na sagot ni Damon. Muling hinaplos ni Damon ang buhok ko. Ang mga kamay namin ay pinagsiklop niya. "Pero sa ginagawa mo, mas lalong hindi ka niya mamahalin. It's not yet too late, bro. Just tell her everything, and pray she would understand you. Habang kinukulong mo siya na parang preso rito sa pamamahay mo, lalo lang siyang magagalit sa'yo." Sumikdo ang kaba sa dibdib ko, tahimik na humihiling na sana ay pakinggan ni Damon ang sinasabi ng kaibigan niya. "If I tell her everything, I would lose her, bro. Hindi na baleng magalit siya sa akin, wala akong pakialam. All I care about is having her by my side. Iyon lang ang gusto ko." Bumagsak ang pakiramdam ko sa naging tugon ni Damon. Malinaw kong narinig ang malakas na buntong hininga ni Zach, tila ba sinasabi niyang pagod na siya sa pagpapayo kay Damon. "Then what about her father? Kailan mo sasabihin sa kanya ang totoo? Kailan niya malalaman na matagal nang gising ang kanyang ama?" Bumilis ang t***k ng puso ko. Para akong nabingi sa sinabi ni Zach. Unti-unting bumigat ang dibdib ko, parang kinukuyumos ang puso ko sa sakit. Gising na si Tatay? Kailan pa? Bakit hindi ko alam? Kaya ba ayaw niya akong pumunta sa ospital? Gustong tumulo ng mga luha ko. Galit na galit ako ngayon. Galit na galit ako kay Damon, ngunit mas lalo lang nagliyab ang damdamin ko nang muli ko siyang narinig na magsalita. "Hindi niya malalaman. I won't let her know. It's the only that I can keep her. So the longer he sleeps, the more time I can be with Cassandra."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD