CHAPTER SEVENTEEN

1883 Words
The moment he closed the door, tears welled up in my eyes. I couldn't begin to describe how I feel— the pain, the anger and the disappointment. Naghalo na ang lahat ng nararamdaman ko. Tahimik akong lumuluha, nanginginig ang katawan sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Oh, God! Tatay! Hindi ko matanggap na inilihim niya sa akin ang tungkol sa bagay na iyon. My heart is clenching in so much pain. Wala man lang akong kaalam-alam na matagal na pala niya akong niloloko. Ano pa ba ang hindi niya sinasabi sa akin? Sana ay sabihin niya na ang lahat para isang sakit na lang. I was so drowned in my thoughts, that all I could ever think was how to escape here. Tinuyo ko ang mga luha ko at pinilit ang sarili ko na mag-isip ng paraan. Sa tuwing iniisip ko ang lahat ng mga kasinungalingan ni Damon, nabubuhay at nagniningas ang galit at sakit sa puso ko. Pero kailangan kong umakto na wala akong alam. Kailangan kong kunin ulit ang kanyang tiwala para tuluyan na akong makaalis dito. Bantay-sarado pa rin ako ni Zach, ngunit napapansin kong palagi siyang natitigilan. Umaamba na magsasalita, ngunit sa huli ay mas pinipili niya ang manahimik. I wanted to know everything, so I will finally have no reason to love him at all. Ngunit alam ko rin sa sarili ko, na sa kabila ng galit, sa kabila ng lahat ng sakit na dinulot niya sa akin. A part of me still longs for him. There's that tiny part in my heart that still believes in him, no matter the lies he said in front of me. Because somehow, I knew he genuinely cared for me before. Umiling ako. How can I think about him that way again? Hindi ko na dapat pang alagaan ang pagmamahal na ito dahil wala na itong patutunguhan. Our foundation was built on lies, and everything he did were mere facade to hide the truth from me. Plano? He planned everything. But what was the plan? Pinahid ko ang mga luha ko nang bumukas ang pintuan at pumasok si Zach. Masasalamin sa kanyang mga mata ang kaunting awa, but that's just it. Naaawa lang siya sa akin, pero hindi niya pa rin tatalikuran si Damon. I know that. Tumikhim si Zach, dahilan para ibaling ko sa kanya ang paningin ko. "Kumain ka na, Cassandra." Pinatong niya ang tray sa ibabaw ng bedside table. Hindi ako sumagot, ngunit tahimik kong sinunod ang sinabi niya. Kinuha ko ang kutsara at nagsimula akong kumain kahit pa wala akong gana. "Nasaan si Damon? Gusto kong puntahan si Tatay," saad ko, habang patuloy na sumusubo ng pagkain. Sumeryoso ang mukha ni Zach. "He's busy working, Cass. Alam mo namang hindi ka papayagan ni Damon na lumabas dito, di ba?" nananantiya niyang tanong. "I know that, but it's been more than a week. Wala pa akong balita tungkol kay Tatay. Gusto ko siyang puntahan, gusto kong malaman kung ano'ng kalagayan niya," I said, acting as if I haven't overhead them talk. "Bakit ba ayaw niyong makita ko si Tatay? May nangyari ba sa kanya?" Bumuntong hininga si Zach. "Your father is alright. He's stable." "Gumising na ba siya?" "He's still unconscious. Even the doctors couldn't tell when he will wake up. You don't have to worry about him, he's being taken cared of," he said, dismissing the topic. Liar. Himutok ng isipan ko. Napatiim-bagang ako. Ang kapal ng mukha nilang magsinungaling sa harapan ko. Gusto kong sabihin na alam ko na ang totoo, ngunit hindi pwede. Kailangan kong kunin ang tiwala ni Zach dahil siya lang ang pwedeng tumulong sa akin para makaalis ako rito. Alam kong kaunti na lang, hindi rin kakayanin ng konsensya niya ang ginagawa ni Damon. "Okay. Thank you for taking care of him, then." Tinapos ko ang pagkain at pumasok sa CR para mag-toothbrush. Paglabas ko ay wala na roon si Zach. Pinusod ko ang buhok ko at nagsimulang kalkalin ang mga gamit. Kailangan kong mahanap ang cellphone at wallet ko. Kailangan kong humingi ng tulong, dahil hindi p ako sigurado kung tutulungan ako ni Zach na makaalis dito. Sinimulan ko sa drawer na nasa bedside table, ngunit wala roon. I looked everywhere, under the bed, in the dresser and even the cabinets. I ran a hand on my hair in frustration. Ginulo-gulo ko ang buhok ko at marahas akong bumuga ng hangin. I can't find it anywhere inside the room. Saan niya kaya nilagay iyon? Nang marinig ko ang kaluskos ng pintuan mula sa labas ay mabilis ako'ng dumiretso sa dresser para kumuha ng damit. "Where are your going?" Bumaling ako kay Damon na halatang kadarating lang galing sa trabaho. He was removing his white button-down dress shirt, and he looked tired. Kung noon ay naaawa ako, ngayon ay naiirita ako. Walang pasubali siyang naghubad sa harap ko. Mabilis akong tumalikod at kinagat ang ibabang labi ko. s**t! Apektado pa rin ako. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kinuha ko ang damit na pamalit ko at dumiretso sa banyo para maligo. Napapikit ako nang tumama ang malamig na tubig sa katawan ko. I heard the door clicked open, but I let my eyes remain shut. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang mga kamay ni Damon na naglalakbay sa kahubaran ko. He began kissing my nape, and I gritted my teeth. "I missed you, baby," bulong niya sa tainga ko. "I love you." Pilit kong kinalma ang naghuhuramentado kong puso. I reminded myself of all his lies— it's what keeps me going. I need to focus on my goal. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Para akong tuod na nakahawak sa dingding ng banyo para pigilan ang sarili kong mabuwal habang naglalabas-masok si Damon mula sa likuran ko. I stood there like a statue, unmoving and without any emotions. Wala na akong maramdaman, at tila ba nagpapasalamat na lang ako na tapos na siya. Tinapos ko ang paliligo at lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko siyang nagbibihis ng damit. He smiled when he saw me, but I didn't smile back. "Damon, kumusta si Tatay? G-gusto ko siyang bisitahin." His face immediately changed when he heard me. Mabilis na nabura ang ngiti sa kanyang mga labi. Sumeryoso ang kanyang mukha at nagsalubong ang kanyang mga kilay. Ginapangan ako ng kaba nang natanto kong unti-unti na naman siyang nagagalit. "Don't worry about him, he's fine. You don't have to check on him every time. May mga tao akong nakabantay doon, they will inform us once he wakes up. Go to sleep, baby. I'll just have a drink with Zach outside," aniya. Tumango ako kahit labag sa kalooban ko. Napakasinungaling niya talaga, pero wala pa akong magawa sa ngayon. Hindi nagtagal ay nakatulog din ako, ngunit saglit lang din dahil nagising ako nang maulinigan ang tahimik na pag-uusap nina Zach at Damon mula sa labas ng pintuan. "Bro, damn. Naaawa na ako kay Cassandra. She needs to know the truth about her father," si Zach. Kinabahan na naman ako nang husto. Ano ba talaga ang totoo tungkol kay Tatay? Bakit hindi nila ako diretsohin? "Shut your mouth, she might hear you," angil ni Damon. "You can't keep it forever. Walang lihim na hindi nabubunyag, bro. And you need to loosen up. Imprisoning her will not help," sabi pa ni Zach. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Wala silang kamalay-malay na gising ako. Gustong pumalakpak ng tainga ko. Alam kong unti-unti nang natitibag ng konsensya si Zach. Somehow, it raised my hope a little. "I can't risk it. Not now that the drug doesn't work anymore. If she knows that her father's awake, she would damn do everything to escape here. I can't let that happen. Kung kinakailangan kong paturukan ng mas mataas na dosage ng pampatulog ang ama niya to keep him asleep for months, gagawin ko." Napasinghap ako sa narinig ko. Totoo ba? Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi ko. Tangina mo, Damon! Gusto ko siyang sugurin at saktan! He's making Tatay sleep on purpose! Ngayon ko lang naintindihan ang mga tinginan nila ni Doctor Garcia. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit hindi pa rin nagigising si Tatay kahit maayos na ang lahat ng tests niya! He's being put to sleep! All of that for what? Para manatili ako sa tabi ni Damon! Damn! Tangina mo, Damon! He played with me like I was some f*****g piece of a chess game! He manipulated the doctor to do his bidding, just so he can have me! What a f*****g selfish bastard! But why? Bakit ako? Coincidence lang ba ang lahat ng ito? "Tangina, bro! You know I always have your back, but not this one. You almost put the man's life in danger, do you really want him to die?" Bahagyang tumaas ang boses ni Zach. I blinked my tears away. My heart is bleeding and I don't know if it will ever stop. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon. At wala na akong pakialam dahil alam kong ngayon ay malaki na ang posibilidad na tulungan ako ni Zach. Naging tahimik na sa labas, ngunit nanatili akong nakatulala sa kisame ng kwartong iyon. Every memory we shared in this bed flashed on my mind. Every fiber of my heart is bleeding and hurting. He fed me lies, he manipulated me, and made me believe that he love me. Or maybe he did love me, but his love was destructive. His love killed me in the most hurtful way. His love was like a bullet that punched a hole in my heart. And that hole will remain, leaving me scarred forever. I've heard enough. And I can't stay in this hell of a house anymore. Buo na ang loob ko, at sa araw na ito pinili kong wakasan na ang paghihirap ko. Nang pumasok si Zach para dalhin ang pagkain ko, lumapit ako sa kanya. "Zach! Alam ko na ang totoo. Please, tulungan mo ako!" I cried. "Alam kong gising na si Tatay. Narinig ko kayo! Alam ko na ang ginawa ni Damon!" Umiling siya, ngunit nakikita kong malapit na siyang bumigay. "Please, Zach! I know he's drugging my father! Help me! Alam ko na ang lahat!" I cried hysterically. "Ano pa ba ang hindi niyo sinasabi sa akin? Bakit ako? Ano bang ginawa ko kay Damon para gawin niya sa akin to? Hindi ko maintidihan, Zach! Bakit ako?" Paulit-ulit na umiling si Zach. "I am not in the position to tell you anything, Cassandra. Ang lahat ng narinig mo ay isang parte lang ng katotohanan. I'm sorry for what my friend did to you and your father." Lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Hindi ko dapat ito pwedeng gawin, pero nakikita kong sumusobra na si Damon. You and your father didn't deserve all this mess," saad niya. Hinawakan niya ang kamay ko at giniya ako palabas ng kwarto. He led to me to a door that's familiar to me. Bumalik ang natural na kaba nang makita ko ang kwartong ipinagbawal ni Damon na pasukin ko. Nagtatanong ang mga matang bumaling ako kay Zach. "Ang sagot sa mga katanungan mo. By doing this, I am betraying my friend. But I know this is the right thing to do. I'm really sorry, Cassandra."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD