Chapter 1
Galing si Lexi Bustamante sa may kayang pamilya pero laki sa mga yaya dahil busy sa negosyo nilang fast food chain ang mga magulang . Maganda pero mayaman pero medyo may pagka-bulgar kapag nagsalita. Ligawin dahil sexy,maganda at flawless pero she'd rather flirt lightly than be in a serious relationship. Nagka-trauma sa pakikipag- nobyo dahil lumaki na naririnig ang mga maids sa bahay na umiiyak at nagmumura pa minsan dahil sa problema sa asawa or bf. Mukhang game pero believe it or not....VIRGIN!
***
"Ibang klase ka talaga Alexandria "Lexi" Bustamante! Ikaw na ang dyosa! Akalain mong binasted mo ang kilabot na Si Gavin Montes?" Ivy can't help but praise her half konyo and half vulgar friend.
Konyo pag kaharap ang mga magulang nito, relative and some rich friends.
Pero pag sila-sila lang magkakabarkada,lumalabas ang pagiging taklesa and minsan balahura na bibig nito.Hindi nga bagay sa mala-anghel na mukha nito ang madalas lumalabas sa makipot at kissable na lips nito.Napulot ni Lexi mga vulgar words sa ibang kasambahay nila,staff sa business nila and sa kaibigan nilang bading syempre. Kahit naman kasi galing sa mayamang pamilya si Lexi ayaw niyang nakikihalubilo sa mga mayayamang kagaya niya.Feeling niya halos lahat ng mga kaibigan niya from Alta Sociedad mga goody two shoes or butter wouldn't melt in one's mouth ang peg...or sa layman's term mapagpanggap,plastik, orocan, Tupperware She feels more comfortable with ordinary people.Mas mga totoong tao.
"Walang kamalay-malay si Gavin na balahura ang bibig ng saksakan ng ganda at sexy na babaeng ito! Kahit naman sino mahuhumaling sayo eh..huwag lang mag open sesame ang bunganga mo 'te!! " sabi naman ni Ola (Orlando sa umaga) ang bading na kaibigan nila.
Ola owns a beauty salon where Lexi is a patron.
"Naku kayong dalawa tantanan niyo nga ako! "natatawang sabi ni Lexi.
Actually totoo naman ang sinasabi ng mga ito.Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko...maganda,sexy at flawless talaga siya.Yun nga lang ..hindi siya kataasan unlike her older sister. She is 5'4 and 24 years old.Nag-aral sa exclusive for girl's school mula kindergarten until college.Kotang-kota siya sa mga strict rules ng mga madre mula pagkabata.Yun yata ang dahilan kaya para siyang nakawala sa kural ng baboy pag lumalabas sila ng mga kaibigan niya.Graduate siya ng business ad. May isa siyang kapatid.Ang ate Farrah niya.Modelo ito.Magkasundo naman sila yun nga lang sobrang layo ng personality nila.Kung ito totoong konyo ..siya naman madalas sumesemplang sa pagiging sosyal.She can act with class naman if needed.Yun nga lang pag medyo matagal..she gets a splitting headache.
Galing sa middle-class family ang mga kaibigan.Si Ivy ay dating sekretarya ng daddy niya.Public school teacher ang mama nito at may maliit na auto-shop naman ang tatay.At ito ngang si Ola na beauty salon owner.Dahil maagang naulila sa ama, napilitan ang bakla na kumayod ng maaga.Dati katu-katulong lang ito sa iba ibang parlor hanggang sa maglakas loob na magbukas ng sariling salon.Buti naman okay ang business dahil ito ang breadwinner at nagpaparal sa dalawang kapatid na isa sa elementary ang isa nasa highschool.
"Ano te? Pinakitaan mo ng nagmumurang dibdib mo ang mhin na yun no?" asked Ola.
"Hay naku hindi no? Sinakyan ko lang ang mga trip niya.Akala ko naman kung ano lang.Yun pala nanliligaw na pala yun? Malay ko ba? Hindi ko naman siya type.Mahawaan pa ako ng STD ng lecheng yun!" Lexi said.
"Pero bakla! Mag-ingat ka! Hindi papalampasin ni Gavin ang ginawa mong pamamahiya sa kanya.Lalo sa harapan pa ng mga barkada niya." sabi ni Ola.
"Haller! Napahiya na ba siya nun? Masama bang sabihin na ayaw ko munang mag -bf?" tanong niya.
"For a guy like him for sure insulto yun.Kaya tama si Ola..maganda ng mag-ingat ka." payo ni Ivy.
Lexi just sighed heavily.
Tumatawag ang ate niya sa cp niya.
"Shh ang ate kong sosyal..tahimik muna kayo." sabi niya sa mga kaibigan.
"I can't wear this ate! It's too tight! " reklamo niya.
Pilit na ipinapasuot ng kapatid ang red dress na galing pa daw sa isang sikat na designer.
Hindi kasi makakasama ang bff nito na model din kaya siya ang panakip butas.
May special event ang designer na kaibigan din nito dahil iwewelcome daw nila ang cosmetic surgeon na may-ari ng Beauty First Clinic.
Isa sa mga sikat na klinika para sa mga gustong gumanda at sumexy na may branch sa Maynila.
Mga rich na salamat sa sensiya women and even men ang mga parokyano nito.
"Huwag ka ng magreklamo! We'll be late!" sabi ng ate niya habang nagmamadali ding magbihis.
Nakasimangot na sinuot ni Lexi ang damit.
Buti na lang maganda ang pagkakaayos ni Ola sa kanya.
Problema lang talaga ang damit na isusuot niya.
"Ang payat kaya ni Glenda ate,tapos flat-chested pa.Hindi makakahinga ang mga dibdib ko dito eh!" inis na sabi niya.
"Pwede ba Lexi? Ngayon lang ako ulit makikiusap sayo.Nakakahiya lang na hindi ako pumunta.At hindi pwede na hindi yan ang isuot mo.We have to wear Leo's creations.Promise after an hour pwde ka ng umalis.Importante may kasama akong pumunta dun.Ayaw ko lang dumating sa event na mag-isa.Let's go." sabi ng kapatid.
Hindi naman siya maka-hindi dahil tama naman ito.Palagi siya ang nag-aask ng favor dito.Ito din ang palaging nagtatakip sa kanya sa mga magulang nila sa kapalpakan niya. They might be very different pero mahal naman nila ang isa't-isa.Yun nga lang..they have a funny way of showing it minsan.
"Ayusin mo yang mukha mo.Alam kong ayaw mo ng mga ganitong sosyalan.Pero huwag mo akong ipapahiya !" mataray na sabi ng ate niya.
With her hands in the air Lexi said,"Okay na ate fine! Sana sinabi mo ng mas maaga para nakapagprint ako ng smiley na ididikit ko sa mukha ko."pilospong sabi niya.
As she expected,ngalay na ngalay na ang panga niya sa nakadikit na fake na ngiti sa mapupula niyang labi.
Ganun talga kasi pag sosyal ang event.Patagalan ng ngiti sa labi.
"Ate sabi mo isang oras lang? Hindi pa ba ako pwedeng umalis?" inis pero pabulong na tanong ni Lexi.
Matutuyuan na siya ng dugo sa maarteng modelo na kachika ng ate niya.Pasimple siya nitong kinurot sa tagiliran.She stopped herself from wincing. Alam niya 2 buwan lang sa NY ang kausap ng ate niya pero kung magtagalog feeling balikbayan.Yung tipong ang arte ng pagbigkas ng letter R...lalo sa salitang parang.Kung bigkasin kasi nito ang labas is parrang.
"Yup Farrah,my lowla in Los Angeles goes to his clinic there.The branch of Beauty First there is also well-known." maarteng sabi nito sa ate niya.
Hindi na talaga matagalan ni Lexi ito idagdag pa na mukhang sasabog na ang gown niya sa bandang itaas.
"Excuse me big sister,I need to go to the banyow.." she said to her ate without looking at the other model.
Muntik ng matawa ang ate niya.
"Don't be too long.Anytime now darating na si Doc."she reminded her.
Tumango na lang si Lexi.Mabilis siyang lumabas ng hotel.She really needs a breath of fresh air.She was fumbling for her cp in her bag when she bumped into something solid.
"Hey!" said a baritone voice.
"Ayyyy!" sigaw niya.
She almost lost her balance but two firm hands took hold of her arms.She then looked up to see who it is.
Ang tangkad nito.Napanganga siya when she saw two pair of dark gray eyes.She swallowed ng makita niya ang mukha ng lalake.Ang guwapo-guwapo..yung makalaglag panty na kagwapuhan.
"Are you alright?" kunot noong tanong nito.
Sasagot sana si Lexi when she heard a ripping sound.Sa sobrang yummy ng kaharap niya hindi nga nalaglag ang panty niya nawarak naman ang bra niya.Bumigay na ang dalawang manipis na tali ng gown niya na nagsisilbing ribbon in front of her breasts.Before she can cover herself..bumuyangyang ang malulusog niyang dibdib sa harapan ng lalaki.His dark gray eyes went automatically to them.