Chapter 44 Ailey’s POV “Always blooming, Ley, ahh.”nakangiti nilang saad sa akin ng mga kasamahan ko nang makita ako. Naiiling na lang ako sa mga ito. Madalas talagang nang-aasar ang mga ito kapag nakikita ako. Nahihiya rin ako ngunit madalas ay hindi ko na lang din pinapansin dahil sanay na sanay na, sa dalas din ba naman kasi naming magkasama ni Ino. Paano’y sabay na kaming naglalunch pero minsan kapag abala talaga ako sa trabaho’y hindi ako sumasabay sa kanya. Siya na rin ang naghahatid at sumusundo sa akin araw araw. Paano’y araw araw din akong kinukulit na huwag ko raw dalhin ang kotse. “Saan ka punta, Ailey?”tanong ni Ms. De vera sa akin. “Bibili raw ng coffee, Ms. De vera. Pasasabay ka?”tanong ko sa kanya. Ako kasi ‘tong nautusan na bumili ng coffee sa malapit na café ngay

