Prologue
Prologue
Ailey's POV
"Hello, sismars, oo, te, papunta na, huwag kang atat."sambit ko habang buhat buhat ang mga pinamalengke ko para sa café ni Dani. Nakalalerkey ang baklang 'yon, hindi ko naman alam na sobra pa lang dami ng pinapabili niya. Punong puno ang kamay ko at hindi ko alam kung anong uunahin kong buhatin. Tawag pa ng tawag, nakakalerkey.
"Ebarg ka, te, huwag ka munang tumawag at ang dami kong bitbit!"malakas komg sigaw sa kanya. Paano'y kada isang lakad ko, nagvivibrate ang cellphone ko dahil sa kanya!
"Hehe, galit ka niyan, Girl? Sorry na! Sige na, bye! Bilisan mo kasi hinayupak ka!"sambit niya na pinatayan pa ako ng tawag. Ang gagang 'yon, lakas ng topak. Iritado ko na lang binulsa ang cellphone ko at kinuha ang mga plastik na nilapag ko lang sa isang tabi.
Nang makarating ako sa café niya ay masamang tingin agad ang ibinaling ko. Ang beklabush na ito'y nakade quatro lang sa isang tabi habang nagpapaypay kahit naman malakas na talaga ang aircon dito. Abalang abala pa sa cellphone ang gaga.
"Ano, Dani? Tutunganga na lang tayo ditey?"tanong ko sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. Nilingon niya naman ako, hindi pa rin binababa ang kanyang phone.
"Ayy, nandiyan ka na pala, Sis?"tanong niya at ngumiti pa ngunit umirap din kalaunan.
"Ebarg naman pala 'tong bossing ko."natatawa niyang saad na inirapan ko lang. Si Dani ang may-ari nitong café na pinagtatrabahuan ko, malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa lahat ng tulong niya sa akin. Hindi rin niya ako tinuturing na empleyado lang, kumbaga kaibigan pa rin kahit nagtatrabaho ako sa kanya.
Nag-ayos na lang ako ng mga kailangan ayusin dahil sayang naman ang pinapasahod sa akin kung hindi, 'di ba? Nang matapos ako'y tumulong na rin ako sa pag-aasikaso ng mga customer.
"Hi, Ley!"nakangiting saad sa akin ni Jeffrey na kakapasok lang. Nilingon ko naman siya ngunit bahagyang pinagtaasan ng kilay.
"May gagawin ka pa after this?"tanong niya sa akin.
"Marami pa, ano pa bang ginagawa mo rito?"tanong ko sa kanya.
"Hintayin kita."nakangiti niyang saad.
"Hindi na, ilang ulit ko bang sasabihin na hindi kita sasagutin, te?"tanong ko sa kanya.
"Bakit? Dahil hindi ako kasing yaman ng gusto mo?"nakasimangot na nitong tanong.
"Nadali mo, siya, umalis ka na."sambit ko at malapad pang ngumiti. Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami kung anong mga tipo ko pagdating sa lalaki, 'yong mga gusto ko 'yong mayaman, kaya akong iangat sa buhay, hindi ko kailanman iisipin ang datung. Well, purita na nga ako, kailangan ay mayaman naman ang makatuluyan ko.
"I can give you everything you like, Ailey.."seryoso niyang sambit.
"Ano ba, Jeffrey, huwag kang mageskandalo dito."seryoso kong saad sa kanya bago ko siya tinalikuran. Nakita ko naman ang pagngisi ni Dani na siyang nakikinood sa amin.
"Sure ka ba na ayaw mo 'yan dahil hindi ganoon kayaman o sadyang ayaw mo lang talaga?"natatawa niyang tanong sa akin. Inirapan ko na lang bago ako pumasok sa kusina, sumunod naman siya. Napakachismoso talaga ng baklabush na itey.
"Ikaw, kunwari ka pa, naghahanap ka lang naman talaga ng butas, no'ng nakaraan si Liam na ang kadate mo ahh? Pero ano? Binasted mo lang ulit! Sobrang yaman na no'n, Sis, ano pa bang hinahangad mo?"tanong niya.
"Tigilan mo nga ako, Dani, nakikita mo namang busy ako, Te."sambit ko at napailing na lang sa kanya. Well, I really like someone na mayaman ngunit minsan ay hindi ko talaga nagugustuhan ang ugali ng mga hinayupak. Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili, pupwede naman akong magtiyaga sa mga 'yon.
Napatingin naman ako sa phone ko nang may tumatawag. Nakita ko ang name ng mga groupmates ko. Agad ko rin 'yong sinagot.
"Hello, Ley, where ka na ba? Don't forget our meeting later, huh? You know naman na we need you.."sambit ng leader namin sa isang activity. Isa pa pala 'yon! Muntikan ko ng makalimutan.
"Oo, sis, same meeting place ahh."pinatay ko na rin naman ang tawag nang matapos 'yon.
"Hirap talaga ng buhay no? Bakit naman kasi hindi ka na lang mamburaot sa mga manliligaw mo?"tanong niya. Napailing na lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko 'yon ginagawa gayong malinaw naman sa aking isipan na gusto kong makapag-asawa ng mayaman.
"Huwag mo na akong daldalan, Dani Girl, marami pa akong gagawin."saad ko at tinuloy na ang aking trabaho. Minadali ko lang din halos ang lahat dahil nagmamadali na akong mag-off.
"Dani! Alis na ako, Sis!"sigaw ko kay Dani na abalang abala pa rin sa cellphone niya. Tumango lang naman ito sa akin kaya hindi ko na rin siya kinulit pa.
I'm Ailey Cabera, 19, first year college, accountant student. Favourite paglaruan ng mundo pero ano bang gagawin ko kung hindi sumabay na lang sa agos ng buhay. Aba, huwag kang papatalo.
"Manong, wala bang special treatment kapag buntis?"tanong ko kay Manong nang mapupuno na ang tricycle at sasakay na sana ang isang lalaki sa huling upuan. Punuan kasi ito at kung magtatagal pa ako'y paniguradong malelate na ako sa meeting namin. Nakakahiya naman kung ganoon.
"Wala, unahan 'to, hintay ka na lang."aniya sa akin ngunit nasgsalita 'yong isang lalaking pasakay na sana.
"Sige, ikaw na maupo riyan, Miss."aniya na mukhang concern pa.
Dali dali naman akong umupo sa pinakamaliit na upuan ngunit may isang babaeng pinaupo na ako sa upuan niya. Palihim akong mapangisi, kung sinuswerte ka nga naman.