Chapter 1

2093 Words
Chapter 1 Ailey’s POV “Ma, masama pakiramdam mo?”tanong ko kay Mama nang makita ko siyang nakahiga lang sa gilid. Tulala lang ito. “Hindi, Nak, nag-aalala lang ako sa kapatid mo..”sambit niya. Nakaramdam naman ako ng galit nang marinig ‘yon. They were the one who abandon us. Ni hindi nila naisip kung anong magiging kalagayan namin, palibhasa’y nagkapera. Ganoon naman ata talaga? Kapag yumaman na’y makakalimutan ang pamilyang dahilan kung paano nila naabot ang mga pangarap na inaasam asam nila noon. “Lalabas na ako, Ma.”iritado kong saad bago ako lumabas ng kwarto. Ganoon din ata talaga.. basta magulang ka, kahit talikuran ka ng anak mo, kahit ilang beses ka pa nitong nasaktan, tatanggapin at tatanggapin mo pa rin, ‘yong pagmamahal mo’y ganoon pa rin. Masaya ka pa rin basta naabot nila ang kani-kanilang pangarap kahit wala ka na roon. But nah.. hindi ako magulang kaya natural lang na makaramdam ako ng inis sa kanila.. bakit ako magiging masaya? Kahit sana’y si Mama na lang, kahit hindi na ako kasama.. Napabuntong hininga na lang ako habang palabas, nakita ko si Dolo na mukhang bad trip din. Nilapitan ko ito habang kumakanta. “Sis, iiyak mo lang ang lahat sa akin~”pakanta kong saad habang pinagmamasdan si Dolo, ang amo ko. Sa mansiyon nila kami ni Mama nakikitira, katulong ang mama ko rito at noon pa man ay alaga niya na ito. Hindi naman matapobre ang pamilyang pinagtatrabahuan ni Mama kaya hindi mahirap pakisamahan ang nag-iisa nilang anak. Bata pa lang kami’y kaibigan ko na siya kaya sanay na sanay na ako sa ugali nito. Spoiled na spoiled ito ng parents niya but we’re use to it. “Tigil-tigilan mo nga ako, Ley.”naiiling niyang saad ngunit kahit paano’y napangiti ko rin naman. “Huwag kang masiyadong magpastress, Sissy, tuloy lang ang buhay.”natatawa kong saad sa kanya. Napangiti na lang siya at bahagyang tumango. “Paano ba ‘yan? Una na me, may pasok pa ako.”sabi ko at bahagyang kumaway sa kanya. Napatango naman siya at bahagyang ngumiti sa akin. Naglakad naman na ako sa sakayan ng jeep malapit dito kahit na gusto na rin akong isabay ni Manong Luis patungong school. Nang makasakay ay abalang abala pa ako sa pag-aayos ng mga notes ko na hindi ko naayos kagabi. “Manong, para po..”sabi ng isang lalaki nang makarating kami sa school. Bumaba na rin ako, napasulyap naman ako sa lalaking ‘yon. Huminto sandali kaya napahinto rin ako ngunit dumeretso na lang din ako ng lakad dahil ang tagal niyang nanatiling ganoon, he’s kind of weird. Nakakalerkey, hindi niya ata alam na nakakaabala siya. “Te, nakasabay mo si Ino? Grabe, ang gwapo talaga no’n.”kilig na kilig na saad sa akin ni Kath nang makasalubong ko siya, nakita niya kasi sa likod ko ang isang lalaki. Sa pagkakaalam ko’y nasa computer science department ito. Ino. That’s his name. Madalas kong marinig na pinag-uusapan ng mga kaklase kong babae but he’s not my ideal kahit na pa matangkad ito, may matangos na ilong, mapupulang labi, makapal na kilay at kulay brown na mga mata, mahirap pa rin ito. Hindi pasok sa ideal ng lola mo, he’s poor and no one can change it. Napakibit na lang ako kay Kath, halos lahat naman kasi’y crush nito. Kwento lang siya ng kwento habang naglalakbay naman ang utak ko sa long quiz na magaganap. “Ley.. can we talk?”tanong sa akin ni Liam. Napakunot ang noo ko dahil ngayon niya lang ulit ako nilapitan. Well, matagal ko naman na itong binasted at hindi naman siya tulad ng ilan na talagang manggugulo pa at magwawala sa hallway para lang sabihan akong gold digger which is tanggap ko naman dahil isa ‘yon naman talaga ang dahilan kung bakit sinubukan ko silang idate. Because of some money, pero hindi nga ata nabibili ng pera an pag-uugali, wala silang manners. “Hey.. long time no see, Li!”nakangiti kong saad sa kanya. “Give me one more chance, Ley, I promise I can be better.”sambit niya. Well, it’s a no for me, masiyado siyang mabait at sigurado akong madali itong mauto ng kung sino. “We’re already done, Liam, friends na lang tayo, Sis, if you want. Mabait naman ako.”turan ko na nginitian pa siya ng malapad. Napatingin lang siya sa akin at napabuntong hininga na lang. “Sige..”sambit niya at napatango na lang sa akin. Aalis na sana ako nang bigla na lang may sumulpot at sumuntok kay Liam. “Gago ka, ikaw pala ang dahilan kung bakit ayaw na akong balikan.”galit na galit na saad ni Jeffrey. Halos matawa at masuka ako sa pinagsasabi ng hinayupak na ‘to. Ni hindi ko nga pinatos ang dami dami ng pinaglalaban. “Luh, te, normal ka pa ba? Anong balikan pinagsasabi mo diyang hinayupak ka gayong hindi naman nagsimula?”naiiling kong tanong. “You’re such a gold digger, Ailey! Tangina mo!”galit niyang sigaw. “Aba, tangina mo rin!”sambit ko at baka pa niya ako mahawakan ay nasa sahig na siya. “Gold digger! Mukha kang pera, Ailey! Sana’y hindi ka talaga umasenso, mananatili kang nasa ibaba!”galit niyang sigaw. “You wish, Jeff..”sambit ko at kinindatan pa siya. Manunumpa na nga lang ‘yon imposible pa talagang mangyari, hindi ako papayag na mananatili lang akong nasa ibaba. As if naman hanggang doon lang ang kaya ko. Kita ko ang mapanghusgang tingin ng mga tao sa akin, sanay na sanay na ako riyan, ni hindi nga ako sigurado kung sino nga ba ang totoo. Dito kasi sa spring hill panay kilalang tao at mayayamang angkan ang nag-aaral dito, madalang ka lang makakita nang mahirap na katulad ko. Well, matalino naman ako, pasalamat na lang talaga ako na inambunan din ako ng kasipagan. “Landi kasi talaga.”nakangising saad nang isang babae. “Inggit ka, Girl? Walang booking, bhie, bigyan na ba kita?”natatawa kong tanong sa kanya at malapad na ngumisi. Agad na napasimangot ang gaga, akala ata’y uurungan ko siya. Napairap na lang akong naglakad paalis sa komusiyon, baka lalo lang akong mastress sa mga pinagsasabi ng mga ito. Nang pumasok sa room ay natatawa pang lumapit sa akin si Kath. “Girl, sino bet mo sa dalawa? Si Jeff ba o si Liam?”tanong niya sa akin. Si Kath na ata talaga ang dakilang taga tanong sa akin nito. Naiiling ko na lang siyang nilingon at kalaunan ay hindi na pinansin dahil masiyado na akong naging abala sa pag-aaral. Binasa ko lang ang notes ko habang wala pa ang prof namin. Naging abala naman ako sa subject na ‘yon dahil pagkatapos ng long quiz ay nagdiscuss pa ang guro tila ba may hinahabol na kung ano. Si Kath naman ay dinadaldalan lang ako sa gilid. “Te, pakopya na lang ahh.”sabi niya at kumindat pa. “I’ll just send the digits in your account.”turan niya pa at pakaway kaway na umalis sa upuan niya, alam na alam na ang gagawin, ganoon naman kasi ito madalas, siya ‘yong tipong susulpot at mawawala na lang bigla. Hindi naman kami ganoon kaclose, sadyang gusto niya lang talaga ng easy life at gusto ko naman ng pera kaya nagkakasundo kami. I can make her life easier and she can give me a lot of money na para bang barya lang sa kanya. Well, I don’t really expect her to be kind or what, wala rin akong ineexpect na friendship sa aming dalawa. Nawala lang ako sa pag-iisip ng makitang may tumatawag sa aking phone. Sinagot ko rin naman ‘yon nang makitang si Rest ang tumatawag. Katulad ni Dolo’y kaibigan ko rin ito, sila ‘yong kaibigang maituturing ko talagang totoo, hindi lang kami masiyadong nagkakasama ngayon dahil abala na rin kami sa sari-sarili naming mga course ngunit paminsan minsan ay nagsasama pa rin naman talaga. Mula umpisa’y kaibigan ko na ang mga ito, hindi matapobre kaya talagang nakakasundo ko. “Hello, sis! You’ll go ba to Niane’s birthday later?”tanong niya nang sagutin ko ang tawag. “Nah.. busy ako, Sismars, baka next time na lang.”sambit ko sa kanya. “Awwe, that’s sad, Ako lang ulit ang go go pala. Alright! See you around, Sissy!”sambit niya at mabilis na nagpaalam sa akin. Sa aming tatlo’y ito ang pinakamahilig pumarty dahil siya ang pinakamaraming kaibigan sa amin kahit na madalas ay nakakaaway niya ang mga ito. Aba’t isa rin kasi talagang bitchesa. Nagtungo lang ako sa next subject ko ng matapos. Wala kaming gaanong ginawa kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataon na umidlip. “Girl!”napakunot ang noo ko nang makita si Kath na siyang pakaway kaway sa akin nang matapos na ang subject namin. Patungo na ako sa cafeteria ngayon para kumain. “Ano?”kunot noong tanong ko sa kanya. “May kailanga kasi akong ipagawa, kailangan na namin mamaya.”sabi niya at napanguso. Hindi ko mapigilang mapasimangot doon. “Gaga ka ba? Te, tao ako, hindi robot, anong ineexpect mo sa akin magagawa ko agad ‘yan?”tanong ko na naiiling sa kanya. Agad siyang napanguso. “Nakalimutan ko kasi! Saka don’t worry, dalawang libo ‘to dahil madalian.”pabulong na saad niya. “Okay, deal.”sambit ko at tumango. Halos mapapalakpak siya sa tuwa dahil do’n. Nagtungo naman kami sa cafeteria at pinakita niya ang laptop niya, tinuro ang mga kailangan gawin, hindi ko naman alam na medyo mahirap pala ‘yon. “Kailan deadline nito?”tanong ko sa kanya. “Hanggang mamayang 11:59.”sabi niya kaya napatango na lang ako, mabuti na lang talaga’y wala na rin naman akong pasok pagkatapos noong last na subject ko. Nilabas ko lang ang lunch box ko at nilagay sa gilid ng laptop niya. Wala pa akong sariling laptop, that’s one of the reason kung bakit nagpapart time ako, marami akong pangangailangan na kailangan kong tugunan. “I’ll be back na lang later, Sis, I have something to do pa e.”sambit niya. It’s either magshoshopping sila ng kanyang mga kaibigan o ‘di naman kaya’y makikipaglaplapan sa kanyang jowa. Napangisi naman ako roon. “Jowa ba ‘yan o friends?”tanong ko. Agad siyang ngumisi sa akin at kinindatan ako. Alam ko na agad kung saan ang punta nito, ‘yan din ang gusto ko kay Kath, hindi ko siya kailanman nakitang husgahan ako, ‘yon nga lang ay ang lakas mangchismis nito, talagang alam ko na agad na siya ang nagkwento dahil siya lang naman ang madalas kong nakakasama ngayon dahil sa mga pinapagawa niya. Sinimulan ko naman ng gawin ang pinagagawa nito upang matapos ko bago ang deadline, wala na rin akong karapatang magreklamo dahil nakipagsundo na ako. Kung ang deadline niya’y 11:59. Ang deadline ko’y 5 o’clock dahil may trabaho pa ako pagkatapos nito. Walang tayuan kong ginawa ‘yin hanggang sa dumating siya kinahapunan. “Patapos na, Sis?”tanong niya sa akin, mukha pa ‘tong inosente habang nagtatanong. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa tanong niya o ano ngunit sinagot ko na lang ng maayos dahil mukhang gusto lang din naman niyang malaman ang sagot. Minsan naiinggit talaga ako sa mga taong katulad niya, parang ang dali lang kasing umayon sa kanila ng lahat, madali lang dahil may pera ka, nabibili ang sagot at ilan pang mga bagay. “Luh, girl, papalapit si Fafa Ino sa table natin! Type ata ako!”halos mangisay siya sa kilig, itinaas ko lang ang ulo ko para silipin si Ino na siyang papalapit nga sa amin, nagkatinginan kami ngunit walang interes kong binalik ang mga mata sa laptop dahil gusto ko ng tapusin ‘tong pinapagawa ni Kath na halos mamatay na sa kilig dito sa tabi ko. Kinukurot ako sa tagiliran ni Kath kaya napakunot ang noo ko at binaling sa harapan ang tingin, agad kong nakita si Ino na siyang nakatingin sa akin. Seryoso ang mga mata. Aba’t kilala niya ba ako? “Pinalaglag mo?”tanong niya kaya kumunot ang noo ko. Pinalaglag ang alin? “Huh?”nagtataka kong tanong. “Ang bata? Pinalaglag mo ba?”tanong niya na nakasimangot pa rin sa akin. “Anong bata? May saltik ka ba?”tanong ko na naiiling sa kanya ngunit nagtanong pa ulit ito kaya naisip kong may saltik nga talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD