Chapter 2

2097 Words
Chapter 2 Ailey’s POV “Anong buntis? Where did he find that information naman?”natatawang tanong ni Rest sa akin. Naiiling na lang din akong natatawa dahil do’n. Hindi ko rin alam. Hindi ko nga alam kung nagpapapansin lang ‘yon o ano. “Pinalaglag? Bhie, baka crush ka no’n.”humahaglpak na tawa ni Dolo, ang tawa nito’y walang humpay ngunit maya maya lang ay mananahimik nanaman ito at halos hindi nanaman makausap dala ng kalungkutan. “Ewan ko rin, Sissy, nakakalerkey ba naman, tanong ba naman ako kung pinalaglag ko, kung hindi ba naman tanga ay may halong saltik.”sabi niya na naiiling. Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan kaya lang ay dumating na rin ang oras kaya binaba na rin namin ang mga tawag. Naglakad na ako papasok sa school at rinig ko ang ilang bulungan ng mga estudyante. May isang estudanyanteng na medyo makapal ang mukha na siyang nagtanong. “Sis, buntis ka? Si Ino ang ama?”tanong niya sa akin. Halos malaglag naman ang panga ko dahil do’n. Paniguradong si Kath nanaman ang nagpakalat no’n, gagang ‘yon, dinadagdagan talaga ang kwento. “Hindi.”sabi ko at napakibit pa ng balikat. “Sus, bakit mo pa dinedeny? Saka pinalaglag mo, ‘di ba?”tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis, ang mga ‘to, magtatanong tapos ngayong sinagot ay hindi rin naman paniniwalaan. Naiiling na lang akong naglakad paalis. Nakita ko si Liam na siyang nasa gilid. Nakikinig sa usapan namin. “Hindi ka ba talaga buntis? Pananagutan ba ni Ino? I can be the father of your child.”sambit niya at ngumiti pa sa akin. Hindi ko maiwasang matawa dahil do’n. “Hindi ako buntis.”natatawa kong saad at tinapik na lang siya sa braso. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ngunit nakasunod pa rin ito kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. “Talaga?”tanong niya na pa ulit. Bakit kaya ang hilig hilig magtanong ng mga taong ‘to gayong hindi rin naman nila paniniwalaan sa huli. “I’ll go now, Liam, pumasok ka na rin.”sabi ko sa kanya. “Ihahatid na kita.”sambit niya. “Magkaibigan na lang tayo, Liam.”natatawa kong saad sa kanya dahil baka nakakalimutan niya ‘yon. May ugali siyang hindi ko gusto pero mabait naman ito at sa ilang nakadate ko dito sa school baka siya na ang pinakamatino. “Alam ko.. ilang beses mo ba akong mababasted?”naiiling at natatawa na lang niyang tanong. Sinabayan niya na ako sa paglalakad patungo sa classroom ko. Bahagya pa akong natigilan nang makita ko si Ino na siyang naglalakad din patungo sa kanilang classroom. Tila ba wala siyang pakialam sa paligid niya. Napatingin tuloy sa akin si Liam kaya bahagya ko na lang siyang nginitian at nagpatuloy na sa paglalakad. “Thanks, Liam.”sambit ko at nginitian na lang siya kahit na nakatingin lang siya sa akin, mukhang malalim din ang iniisip. Napakibit na lang ako ng balikat at pumasok sa loob. Halos mapatalon pa ako sa gulat dahil kay Kath na siyang nakadungaw dito sa may room. “Where’s tha father of your chil— I mean Ino? Hindi ka ba inihatid?”tanong niya sa akin. Tama nga talaga ako ng iniisip, ang bruhildang ‘to talaga ang nagpakalat na buntis ako at si Ino ang ama. Ano pa ba ang ineexpect ko kay Kath? “Hehe, bakit si Liam? Naghiwalay na kayo? Grabe naman!”sambit niya kaya nanliliit ang mga mata kong nakatingin sa kanya. “Ewan ko sa’yo, Kath, bahala ka diyan.”naiiling kong saad at naupo na lang sa upuan ko. Inabala na rin ang sarili sa pag-aaral, maaga akong makakapasok sa trabaho ko ngayon dahil isang subject lang ako ngayong araw. Naglakad na ako palabas ng matapos. “Just send it to me, Kath.”sambit ko kay Kath na siyang nangungulit nanaman sa akin. Napanguso siya at napatango, well, wala akong balak makipagplastikan kay Kath ngayong araw. Aba’t narinig ko ba naman na kinukwento ako sa isa kong kaklase? Ni hindi man lang naisip na malapit lang ako sa kanya. Naiiling na lang ako dahil sanay na ako ngunit hindi ko pa rin maiwasang mairita. Palabas na sana ako ng school nang may humarang sa dadaanan ko, agad na napakunot ang noo ko nang makita si Jeffrey. “Ano, talaga bang buntis ka, Ley? How can you do this to me, pagkatapos kitang bihisan ay talagang nagawa mo pang magpabuntis sa walang pera? Akala ko ba’y mataas ang standard mo?! Parehas lang kayong maghihirap dalawa kung sakali!”nakasimangot niyang sigaw. Ang gagong ‘to, talagang ang hilig mageskandalo, ‘di ko alam kung bakit sinubukan ko ‘tong idate. “Ano ba? Tabi nga, pucha, para kang bakla.”inis kong saad at bahagya pa siyang tinulak. Hahawakan na sana ako nito ngunit binantaan ko siya gamit ang aking mga mata. Subukan niya. “Ano? Hindi ka aalis? Gusto mo pang gamitan kita ng dahas na hinayupak ka? Huwag kang eskandaloso, te.”sambit ko na lalagpasan na sana siya kaya lang ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko. “Gold digger, b***h!”malakas na sigaw niya kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao. Immune na ata talaga ang sistema ko sa mga salitang ‘yon dahil hindi na ako nasasaktan. Para bang sanay na sanay na akong marinig ‘yon. “So? Alam mo na pa lang gold digger pero bakit para kang aso kung makahabol na bwakangina ka, huh?”iritado kong tanong sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. “Tabi nga, bago ko pa masira ‘yang sira mo ng mukha.”inis kong saad dahil imbis na maaga akong makakaalis ay nauudlot ang plano ko. Inis akong naglakad paalis. Ang dami pa ring nakikichismis ngunit wala na akong panahon para sa mga ‘yon. Sumakay lang ako ng tricycle patungo sa may café. Naupo ako sa may kitchen at agad akong sinalubong ng boss kong chismosa. “Te..”malambing pa na saad niya na minsan niya lang naman gamitin, it’s either may ipagagawa itong kung ano o may itatanong na gusto niyang manggaling sa akin ang sagot. “Ano nanaman?”nakasimangot ko na agad na tanong. Agad siyang napanguso dahil do’n. “Ang sungit mo namang hinayupak ka!”nakasimangot na rin siya at umupo sa upuang katabi ko lang. “Sis! True ba?! Buntis ka?”tanong niya sa akin na mukha pang excited. Gagang ‘to. “Boba, hindi no! Ilang beses ba akong matatanong niyan ngayong araw?”naiiling ko na lang na saad. Napanguso siya at mukha pang disappointed, tagal tagal na rin kasing gustong magkababy, hindi na lang gumawa. Talagang kami pa ang hinihintay ng gaga. “Awwe, sayang!”sabi niya kaya binatukan ko siya. “Gagang ‘to, sisisatehin na talaga kita!”banta niya na dinilaan ko lang bago ako nag-ayos para makapagsimula ng magtarabaho. “Hoy, Girl, tutal ay wala pa naman gaanong customer, ikaw na ang maghatid nitong delivery diyan sa comp shop sa kabilang kanto.”sambit niya. Napatango na lang ako at kinuha ang mga idedeliver sa kabilang kanto. Ginamit ko lang ang scooter na siyang nandito sa labas. Nagdrive lang ako patungo sa may kabilang kanto. Pumasok na rin ako para ibigay ang ilang milk tea na order nila. “Thanks!”sambit nito na kumindat pa sa akin habang inaabutan ako ng pera. Hindi ko na lang pinansin at lumabas na ako ng comp shoo ngunit agad napataas ang kilay ko nang makita si Ino na mukhang papasok sa comp shop na pinagpasukan ko. Agad niya akong pinagtaasan ako ng kilay nang makita ako. Bahagya ko lang siyang inirapan at hindi na pinansin, well, hindi naman kasi talaga kami close para kausapin ko siya, ‘di ba? Baka crush niya talaga ako but sorry to say, hindi ko siya type. Hindi siya pasok sa standard ko. Nilagpasan niya lang din ako na hindi pinapansin, sus, kunwari pa, halata namang gusto rin ako. Bumalik naman ako sa café ni Dani at naging abala na rin sa mga customer dahil nagsidagsaan na ang mga ito. “Sis, keri pa ba?”tanong ni Dani na siyang nagkakahera. “Ako pa ba, Girl?”tanong ko na inirapan siya. Napalingon naman ako sa isang pamilyang kumakain dito sa café, napaiwas na lang ako ng tingin nang makita ko na nagkakatuwaan ang mga ito. Napangiti na lang ako ng mapait sa sarili at nagtungo na lang sa kusina. Bakit naman ganoon? Kahit na alam kong hindi na tulad ng dati ang pamilya namin, kahit na galit ako, hindi ko pa rin maiwasang isipin na sana magbalalik pa sa dati. Both of my brother finally have their own lives, ang isa’y nagtatravel na sa ibang bansa habang ang isa’y nag-uumpisa na ng sariling business. Parehas silang may magandang buhay na but the thing is? Hindi sila kailanman tumanaw ng utang na loob kay Mama na siyang nagtaguyod para sa aming tatlo. Simula no’ng umasenso ang mga ito’y nakalimutan na nilang may ina silang dahilan kung bakit nila narating ang buhay nila ngayon. Maski singkong duling o kaya’y tawagan at kumustahin man lang si Mama’y hindi nila magawa. Siguro’y kapag manghihingi lang ng kung ano saka sila tatawag, pero ngayon? Dahil asensadong asensado, hindi kailanman sumagi sa isipan nila na tanungin man lang kami kung ayos at humihinga pa ba kami. Paano nila naatim ‘yon? Kahit sana’y si Mama lang, kahit pahintuin lang sana nila sa pagiging katulong dahil tumatanda na ito, pero wala.. tuluyan na nila kaming inalis sa mga buhay nila. It’s been 2 years? Simula no’ng hindi na namin makontak ang kuya kong nasa ibang bansa, buhay pa ‘yon dahil kahit na ayaw ko, sinusubaybayan ko pa rin ang mga post niya sa f*******:. Minsan masaya ako na naabot na niya ang pangarap niya but bitterness came within me, paminsan minsan. Noong nakaraang taon naman ay hindi na namin macontant ang kuya ko na nagsisimula ng business sa manila, pagkatapos niyang hingin ang puhunan na ipampapatayo sana ng bahay namin ni Mama. Napapikit na lang ako dahil bakit ko pa nga ba iniisip ang mga ito, bakit ba ang hilig hilig kong pag-isipin ng kung ano ano ang sarili ko. “Ay, sis, ako na diyan! Baka mamaya’y magwarla pati ang mga pinggan sa’yo.”masigla kong saad kay Paui. Natatawa na lang siyang hinayaan ako. Inabala ko na lang ulit ang sarili ko para hindi na mag-isip pa ng kung ano ano. “Sismars, gora na me!”sambit ko nang maisara nanamin ang café, sanay naman na akong umuwi ng gabi, hindi naman gaanong delikado sa lugar namin dahil minsan lang naman magkaroon ng krimen dito pero hindi ibig sabihin no’n na hindi na ako natatakit. Tulad ngayon na pakiramdam ko’y may nakasunod sa akin. Nang sulyapan ko ‘yon ay halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Ino. “Ano ba?!”malakas kong sigaw dahil abalang abala ito sa cellphone na hawak niya. Nagulat naman siya sa sigaw ko kaya halos mabitawan niya ang phone niya. Agad kumunot ang noo nito sa akin. Kunwari pa! “Alam ko na na crush mo ako! But you’re creeping me out, stalker ka na ngayon? Kahit anong papapansin mo’y hindi kita magugustuhan, boi.”sambit ko sa kanya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Parang gusto rin niyang matawa sa akin dahil sa mga pinagsasabi ko. “Pwes, hindi kita type no! Hindi isang pipitsuging purito lang ang gusto ko! Wala kang pag-asa sa akin!”sunod sunod na saad ko dahil talagang natakot ako na may nakasunod sa akin. Napahagalpak na siya ng tawa habang nakatingin sa akin. Naiiling na lang siya habang tinititigan ako. “What are you talking about, Miss? Hindi rin kita type, te.”may mapaglarong ngisi na mula sa kanyang mga labi at halatang gusto nanamang matawa. I felt offended dahil sa paraan ng pagtingin nito. “Sus, huwag kang indenial diyan, boi, halata namang crush mo ako! Ayos lang, ano ka ba? Basta huwag kang mangstalk.”sambit ko na lanh para iligtas ang sarili sa kahihiyan at nauna ng maglakad. Naririnig ko pa rin ang tawa ng hinayupak tila ba tuwang tuwa doon. Mas lalo lang akong nairita ng tumabi ito sa akin habang naglalakad. “Grabe, assumer ka, te.”sambit niya kaya inis ko na lang binilisan ang lakad. Ang hinayupak na ‘to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD