Chapter 3

2045 Words
Chapter 3 Ailey’s POV “Oo, gagi, true nga! Fresh pa kaya ‘yang chika ko!”rinig kong saad ni Kath. “Mukha ngang wala na talaga sila saka siguro’y pinalaglag talaga ni Ailey ‘yong bata, kita mo naman dami ng naging boyfriend no’n saka ayaw ding mamili kasi nga gusto dalawa!”humahagikhik niyang sambit. Napansin naman ako ng mga kausap niya kaya kinurot siya sa tagiliran ngunit wala itong balak tumigil sa pagkukwento. “Pakarat nga kasi—“rinig ko pang saad nito. Aba’t gagang ‘to, hindi ako magagalit kung alam kong biro lang pero halatang ‘yon ang tingin sa akin. “Ehe—uyy, Ailey, nandiyan ka na pala.”alanganin pa siyang ngumiti nang makita ako. Well, huwag siyang mag-alala dahil hindi gagawan ko pa rin naman siya ng requirements niya, huwag lang siyang makadikit dikit sa akin at baka mahambalos ko sa kanya ang laptop niya. “Galing mong gumawa ng kwento, Sis, bakit ‘di ka na lang nagwriter?”nakangisi kong saad sa kanya. Napatawa naman ang ilan niyang kausap ngunit agad ding natahimik nang tignan ko sila at pagtaasan ng kilay. Nilagpasan ko na lang dahil wala na akong oras para alalahanin pa sila, masiyado na akong maraming iniisip at ayaw ko ng dagdagan pa ‘yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang usap-usapan nilang nagpalaglag ako at si Ino ang ama. Nakabuo na nga rin sila ng kwento na kaya hindi na raw kami nagpapansinan dahil ako raw ang may gustong magpalaglag. Aba’t umpisa pa lang ay hindi naman na talaga kami nagkakausap kaya ano kayang problema ng mga taong ito. Napailing na lang ako roon, hindi ko nga alam kung ano bang trip nila sa buhay o sadyang wala lang silang mapag-usapan kaya pinaglalaruan na lang ang buhay ng iba. Nang dumating ang prof namin ay naging abala na ako sa pakikinig. Mabilis lang din natapos ang oras kaya naglakad na rin ako palabas ng classroom, agad ko namang nakita si Rest na siyang palapit sa akin. “Sis!”pakaway kaway pa ito habang nakatingin sa akin. “Oh, miss mo ako?”tanong ko sa kanya na siyang inirapan niya lang. “Well, slight lang.”sambit niya kaya napatawa na lang ako. Nagtungo na kami sa may cafeteria, maya-maya lang ay parehas nanaman kaming may klase. Si Dolo kasi’y hanggang ngayon ay abala pa rin sa kung ano ano. Bumili lang siya ng pagkain niya habang ako’y nagbabaon pa rin hanggang ngayon, noon pa man ay nasasayangan na ako sa pera dito, pero kapag naglakad ka palabas ng school at ilang hakbang pa patungo na sa bayan, maraming vendors doon at kalat doon ang mga street foods. “Ano? Kumusta ang buhay, Sissy?”natatawa kong tanong kay Rest na siyang nagsimula na rin agad magkwento. “I’m really stress, you know pa may classmates? They are so annoying this past few days.”sambit niya at umirap pa. Napatawa na lang ako at nakinig sa mga rant niya sa buhay. Halos magkabaliktad din kami ng kinakain dahil mas gusto niya ang luto ng Mama ko habang kinakain ko naman ang kanya. Well, hindi naman ito madamot. Siguro kung nandito si Dolo’y paniguradong punong puno anfg lamesa namin ng pagkain. Mahilig kasi itong kumain ngunit hindi naman gaanong tumataba dahil mahilig sa mga activities na nakakadrain ng enerhiya. Same with me. Ganoon din ako kaya lang ay mas gusto kong ubusin ang oras sa mga bagay na talagang mapapakinabangan ko, I mean hindi ko naman sinasabing wala siyang napapakinabangan doon. Ang akin kasi’y limitado ang oras ko, pakiramdam ko’y laging kailangang may mapupuntahan ‘tong maganda. Siguro’y dahil na rin sa kagustuhang may mapatunayan na agad. “Paano, Sis? Una na ako ahh? Alam mo naman kailangan kumita ng lola mo.”sambit ko at ngumisi sa kanya. Napatango naman siya sa akin dahil do’n. “Wait, Ley, I have someone I can reto with you!”sabi niya sa akin nang may maalala. “Sige, Girl, siguraduhin mo lang na mayaman ahh.”sabi ko sa kanya. Agad naman siyang kumindat sa akin dahil do’n. “You know that’s already a requirements when it comes to you.”sabi niya at malapad na ngumiti sa akin. Natatawa na lang akong napakibit ng balikat. Well, mababait naman ang nirereto ng mga ito sa akin, kaya lang ay minsan talaga’y nawawalan ako ng gana. Hindi ko ba alam sa sarili ko, gusto ko ng mayaman pero ayaw ko sa tao? Huwag niyo ng intindihin dahil maski ako’y hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Nagpaalam na ako kay Ley pagkatapos no’n at nagtungo na rin sa classroom. Naging maayos naman ang takbo ng araw ko hanggang sa magtungo ako sa sakayan, mabuti na lang ay sakto lang ang dating ko at dumating ang jeep na madalang lang dumaan dito sa school. “Are you sure you’re going with me?”pabulong na tanong ng isang lalaki sa tapat ko. Agad napakunot ang noo ko nang makita ko si Ino, ngayon ko na lang ulit ‘to nakita pagkatapos ng ilang linggo. Ilang linggo na pero usap-usapan pa rin kami. Well, may itsura naman kasi ito at maraming nagkakagusto kahit na mahirap lang naman. Matalino raw pagdating sa computer ang sabi nila. Hula ko’y tambay ito sa comp shop at sa mukha pa lang ay adik na sa mga site na hindi kanais nais. Teka, bakit nga ba pati ang mga kinaadikan nito’y naiisip ko pa? Saka bakit nga ba iniisip ko pa ito. Halos tuktukan ko na lang ang sarili ko dahil do’n. Nang ibalik ko ang tingin ay parehas na silang nakatingin sa akin ng babaeng kasama niya. Agad tumaas ang kilay sa akin ng babae habang si Ino’y nakangisi habang nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko na lang sila ng kilay at sinubukan na lang umidlip kaya lang ay hindi ko rin naman ginawa dahil baka malagpasan ko pa ang café. Napakunot naman ang noo ko nang makita kong bumaba si Ino kasama ang babae malapit sa isang motel. Halos masuka ako sa naisip. Kaya naman pala naiissue akong buntis dahil sa image ng hinayupak na ito. Talagang sa motel pa, huh? Mukha namang mayaman ‘yong babae kaya hindi ko maintindihan kung bakit nga ba pumatos pa siya kay Ino. Well, ang sabi kasi nila’y ang mayaman ay para lang sa mayaman, ganoon ang pananaw ng mga mayayamang magulang para sa kanilang mga anak. Hindi ko pa nasusubukang makipagmeet sa kahit na sinong parents ng mga nakadate ko dahil hindi ko pa makita ang sarili ko na makakatuluyan ang mga ito. “Para po.”sambit ko nang makarating na sa café. Agad akong binati ng ilang katrabaho ko. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Dani dahil talagang ayos lang sa kaniya kung kailan ako pwede, siya pa mismo ang nagpapaadjust ng schedule ko. Naging mabilis din ang oras dahil naging abala rin ako sa pakikipag-usap sa ilang mga customer. “Alis na ako, Sissy!”sigaw ko kay Dani at nagtungo na pauwi ng mansiyon nina Dolo para magbihis ng damit. May racket kasi ako ngayon sa may plaza. May event doon at ako ang host for today. Well, nagsisimula pa lang naman ako sa pag-eemcee, laking pasasalamat ko na lang din at maayos kong natuwid noong nakaraan ang paghohost ko kaya ngayon ay kinuha ulit ako ng event organizer na kumuha sa akin noon. “Hello po, Miss Cruz, nandito na po ako sa loob ng plaza.”sambit ko. Marami na ring tao dahil magsisimula na rin ata ang event. “Alright, Ms. Cabera, you can go inside our tent na.”sinunod ko naman ang sinabi nito. Inayusan lang ako sandali ng baklang mandito sa may loob. Pinasuot din ang dress na fitted. Well, para pares sa isa pang emcee. Lumabas na rin naman ako ng tent magkatapos akong ayusan. Binati ko na lang ang kasama kong emcee na siyang kasama ko rin no’ng nakaraan. “Good to see you, Ailey, mabuti’t ikaw ulit ang kinuha ni Ms. Cruz, ang galing mong magsalita e.”sabi niya sa akin. Nagpasalamat na lang ako at nginitian siya. Napaawang naman ang bibig ko nang makita si Ino sa mga sound system, mukhang siya ang nag-aayos no’n. Napansin naman ni Mr. Gonzales ang tingin ko kaya agad siyang nagsalita para kausapin ako. “Oh, do you know Ino? Madalas siya ang kinukuha ni Ms. Cruz, grade 10 pa lang ay siya na ang madalas humawak ng sound system dito, tiwala na sa kanya ang mga event organizer na tagarito sa atin. Wala lang siya no’ng nakaraan dahil abala daw ata.”sabi niya sa akin. Napatango na lang ako dahil ano pa bang dapat kong isagot do’n? Isa pa’y hindi naman ako interesado. Hindi ko na rin siya pinansin pa dahil pinapunta na kami sa stage para umpisahan ang pageant. Para lang akong nakikipag-usap sa kasama kong emcee at panay puri lang sa mga kandidatang nagsesexy’han. Ang gaganda ng mga ito at ang hahaba pa ng legs, sana ol. Hindi kasi ako ganoon katangkaraan pero hindi rin naman ako ganoon kaliit. Sakto lang. Totoo ang pagkamangha ko habang pinagmamasdan ang mga kanditang ang gagaling maglakad. “Talagang mapapanganga ka na lang sa kagandahan ng ating mga kandidata, right, partner?”tanong sa akin ni Mr. Gonzales. Natatawa ko naman ‘yong sinagit dahil pansin niya pala ang pagkahanga ko sa mga ito. Nag-usap lang kami na parang casual lang, magaling din na emcee si Mr. Gonzales kaya naman mas napapadali para sa akin ang ginagawa. Talagang nalilibang din ako sa panonood sa mga naggagandahang kandidata na sanay na sanay ilakad ang mga nagtataasang heels. Mapapawow ka na lang talaga, lalo na kapag nagagawa nilang iregain ang kani-kanilang confidence kahit na pa paminsan minsan ay nagkakamali. Nang matapos ang event ay maggagabi na rin. Successful ko namang nagawa ang trabaho ko kahit na talaga namang nakakapagod din ‘yon. “Job well done, Ms. Cabera. I hope we can see each other again.”sambit ni Ms. Cruz sa akin. Ngumiti naman ako at masayang tumango. “Halika’t may hinandang pagkain si Mayor para sa ating lahat.”anyaya niya patungo sa backstage, wala akong nagawa kung hindi ang sumunod kahit na kanina ko pa gustong palitan ang damit ko. Medyo maiksi kasi ito sa mas madalas kong suotin. Magalang lang akong bumati sa mga kasama namin sa table. Madali lang naman pakisamahan ang mga ito at magaling din naman akong makipag-usap kahit paano kaya naman hindi ako naoop dito sa table namin. Napatingin naman ako nang may dumating pa na mga lalaki, ang ilan ay matanda na at mukhang si Ino ang pinakabata. Nakaleather jacket ito na siyang pinapalooban ng black na t-shirt. g**o g**o ang buhok na akala mo’y kagigising lang. Hindi ko alam kung naliligo ba ito o ano. Ano naman sa’yo, Ley? Para namang aamuyin mo ang buhok nito. Pinagtaasan niya ako ng kilay nang mapansing nasa kanya ang tingin ko kaya pinagtaasan ko rin siya ng kilay kahit na halos mapatalon ako sa gulat nang ibalik niya ang tingin sa akin. Hindi ko na siya pinansin pa at kumain na lang. “Btw, Ailey, this is Ino, magkaage lang ata kayo, tama ba?”tanong ni Ms. Cruz sa akin. Ngumiti lang ako at tumango. “I know him, Ms. Cruz, parehas po kami ng school na pinapasukan.”sambit ko at ngumiti na lang. Hindi rin naman kami nagpasinan ni Ino dahil hindi naman kasi talaga kami close. Naiba na rin naman ang topic namin at kung ano ano lang ang pinagkukwentuhan nila habang lamig na lamig naman na ako dahil sa sleeveless na suot. Gusto ko na talagang magpalit kaya lang ay nakakahiya naman sa mga kasama ko sa table. “Oh!”halos magulat ako nang may naghagis ng jacket sa akin. Agad tumalim ang tingin ko kay Ino dahil do’n. Natawa naman siya dahil nakitaan niya ako ng gulat. Akala mo naman close kami. “Labhan at ibalik mo ‘yan ahh, mahal ‘yan.”sabi niya at malapad pang ngumisi sa akin. Ang hinayupak na ‘to, wala man lang kasweetan sa katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD