Chapter 4
Ailey’s POV
“Ano?”kunot noong tanong ko kay Ino na siyang naglalakad sa likod ko.
“What? Pupunta rin akong sakayan? Sayo ang daan, te?”tanong niya nang natatawa para asarin ako. Hindi ko naman maiwasang mapairap dahil do’n. This time ay sumabay na siya sa lakad dito sa gilid ko. Malamig na rin ang simoy ng hangin dahil december na lalo na’t gabi na rin. Bahagya naman akong napalingon sa kanya dahil suot suot ko ang jacket nito, mukhang hindi naman siya nilalamig kahit na nakablack t-shirt lang. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay nang makitang nakatingin ako sa kanya. Inirapan ko na lang siya bago iniwas ang tingin sa kanya.
“Seryosong tanong..”sambit niya sa akin.
“Ano?”tanong ko na nasa daan pa rin ang tingin. Well, medyo kampante naman ako na may kasabay ako rito kaya lang ay baka ito namang si Ino ang bigla na lang akong sunggaban. Jk.
“Pinalaglag mo ba talaga ang bata?”tanong niya sa akin.
“Gago ka ba?”tanong ko na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala niya binibitawan ang ideyang ‘yon. Naiiling na lang ako sa kanya.
“Hindi naman ako buntis at hindi ako kailanman nabuntis, hinayupak ka, kaya tayo nachichismis e!”sambit ko na napairap sa kanya. Napaawang naman ang mga labi niya dahil do’n.
“What the heck? Ibig bang sabihin niyan ay nauto mo lang ako—“ginulo niya pa ang buhok niyang magulo na nga habang masama ang tingin sa akin. Pinagkunutan ko lang siya ng noo at naiiling na lang sa kanya.
“May saltik ka ba?”tanong ko kaya matalim niya lang akong tinignan. Natawa na lang ako at napakibit ng balikat. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
“Pro life?”tanong ko sa kanya dahil mukhang ayaw niya talagang ipalaglag ko ang bata.
“Yeah, every child is a blessing.”sambit niya at nag-iwas ng tingin.
“Ikaw?”tanong niya sa akin.
“Pro choice.”sambit ko at ngumiti.
“For me, I don't think I'll take an abortion but I respect someone's decision if ever they want to do it, it's their choice to begin with.”sabi ko na napakibit ng balikat. Nakatingin lang siya sa akin at nakikinig. Nagpatuloy na rin naman kami sa paglalakad habang nag-uusap.
Pumara lang kami ng tricycle kalaunan. Magkatabi lang kami sa loob, magaan naman siya kausap kahit paano. Minsan ay natatawa lang talaga ako sa mga kinukwento nito. Ang random niya na tao but he’s not weird, masaya naman pala siyang kausap.
“Sige na, masiyado mo ng nalibang ang oras mo kasama ang crush mo.”sabi ko sa kanya nang tumapat na kami sa mansiyon ng mga fajardo. Napatawa naman siya doon at nginisian ako.
“Sus, ipinasa pa nga ang nararamdaman para sa akin.”sabi niya kaya inirapan ko lang siya at natatawang nagtungo na sa may loob ng bahay. Nilingon ko naman siya at nakitang nakatingin siya sa akin, nginitian ko lang siya at bahagya pang kumaway.
“Who’s that?”halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Dolo na siyang nandito pala sa labas ng bahay nila.
“Ino.”sabi ko at nagkibit ng balikat.
“Oh.. ‘yong nakabuntis sa’yo?”natatawa niyang tanong kaya naiiling ko na lang siyang sinamaan ng tingin. Mas lalo naman siyang natawa sa akin dahil do’n.
“Halika na’t matulog ka na.”sabi ko sa kanya at inakbayan ko siya papunta sa loob ng bahay. Mukhang kakatapos lang nila magcall ng boyfriend nila. Inasar asar ko lang siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay nila.
Umakyat na rin naman siya sa taas kalaunan habang ako naman ay sa kwarto namin ni Mama. Mukhang kanina pa ako nito hinihintay dahil sa sofa siya nakatulog. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya. Nilapitan ko siya at nilagay ang kumot na nasa gilid. Matagal lang akong nakatingin sa kanya at maya maya lang ay napagpasiyahan ko na rin na umalis do’n para maghalf bath. Nang lumabas ako sa kwarto’y nakita kong tulog na tulog pa rin si Mama, kita ko rin ang frame na nasa gilid ng lamesa.
Nagpupuyos ang puso ko ng galit at lungkot habang pinagmamasdan ang litrato naming pamilya roon. Nandito pa si Papa no’n, masaya pa kami kahit mahirap lang. Kumpleto pa kahit na ano lang ang makain sa hapag. Siguro’y kaya rin gusto kong makahanap ng mapapangasawang mayaman. Hindi kasi ‘yon nabigay ng Papa ko sa amin, kaya iniwan kami ng mga Kuya ko. Sila ‘yong sinisisi nila dahil kailanman ay hindi sila nakakain mg masarap, kailanman ay hindi nila naranasan na bigyan ng mga wants nila.
Minsan gusto kong manisisi pero hindi ko magawa, I just know how much our parents love us pero siguro nga hindi talaga sapat ‘yong mahal lang. Kailangan ‘yong kaya kang buhayin at ibigay ‘yong mga bagay na kailangan at gusto mo para makuntento ang isang tao. Para hindi ka iwanan..
Ibinaba ko na lang ang frame sa kung saan ko ‘yon nakita at nahiga na rin sa kama namin ni Mama. Nakatulog din naman agad ako dahil na rin sa pagod ko ngayong araw.
“Hoy, girl!”napasulyap naman ako sa tumatawag sa akin. Nakita ko si Kath na patakbong papalapit sa akin, well, mahigit isang linggo na rin naman no’ng narinig ko siyang chinichismis ako. Aba’t back to normal nanaman kami ng gaga, well, kailangan niya ako at kailangan ko naman ng pera niya.
“Hey, Sissy, musta ang life, dami ka na bang nabuo?”tanong ko sa kanya at ngumiti ng malapad. Napakunot naman ang noo niya roon ngunit agad din naman siyang ngumiti.
“Grabe ka naman, Sis, hindi naman ako ganoon lachismosa.”sambit niya. May sinabi ba ako?
“Ano?”tanong ko sa kanya.
“I have some requirements na hindi ko pa nafinish e.”sambit niya at ngumiti pa.
“Magkano?”tanong ko. Tumaas ngayon ang bayad niya dahil may kasalanan pa siya sa akin. Pero baba rin ‘yan kapag alam niyang humupa na talaga. Aba’t nanggigil ako sa kanya baka ipakulo ko siya sa kumukulong dugo ko sa kanya.
“Alright.”sambit ko nang sabihin niya na ang presyo. Agad naman siyang napangiti ng malapad at ikinawit pa sa akin ang braso niyo. Aba’t akala mo naman ay close kami. Napailing na lang ako at hinayaan siya roon.
Pakaway kaway pa siya sa ilang makakasalubong namin. Hindi ko pa maiwasang mapangiwi nang sumalubong sa kanya si Jeffrey at talagang hinalikan pa siya sa labi. Napakibit na lang ako ng balikat dahil do’n, sanay naman na akong makitang may kahalikan ‘tong si Kath and I won’t judge, boyfriend niya man o hindi. We have different needs baka one of her needs din ‘yon.
“Sunod na lang ako, Ailey.”nakangisi niyang saad sa akin. Maski si Jeffrey ay nakangisi habang nakatingin sa akin at hawak hawak ang baywang ni Kath. Hindi ko na lang pinansin tutal ay bagay naman sila.
Imbis na dumeretso sa classroom ay nagtungo ako sa computer science department, dala dala ang leather jacket ni Ino. Simula no’ng araw na nakasabay ko siya sa pagsakay ng tric ay hindi ko na ulit ito nakita dahil masiyado na akong naging abala sa mga bagay bagay habang ganoon din naman siya. Wala rin naman kaming contact sa isa’t isa kaya nakakalimutan kong isauli ang jacket niya.
May iilang nakapansin sa akin na tinaguan ko lang. Napahinto naman ako ng may mapagtanto.
“Luke, alam mo ba kung saan room ni Ino?”tanong ko kay Luke na siyang naging ex ko rin noong grade 10 kami. Well, magkaibigan pa rin naman kami, no hard feelings.
“So it’s true? Nabuntis ka talaga niyang si Ino?”tanong niya na nakangisi. Halos ilang buwan na ang lumipas at usap-usapin pa rin nila ‘yon.
“Hindi, baliw.”sabi ko at naiiling na lang.
“Akala ko ba’y wala kang balak pumatol sa mahirap? Ni hindi ka pa nga kuntento sa yaman ko.”nakanguso niyang saad dahil ‘yon ang sinabi ko sa kanya noon, but the truth is ayaw ko lang talaga. Hindi ko lang makita ang sarili kong kasama siyang tumanda.
“Sus, huwag mong sabihing hindi ka pa nakamove on sa akin.”natatawa kong biro.
“Medyo. Nahurt mo kaya ako! Grabe ka, mahal na mahal kita no’n tapos bigla ka na lang makikipagbreak.”madramang saad niya kaya napatawa naman ako.
“Sira ka, sabihin mo na kung nasaaan ang room ni Ino at may klase pa ako.”sambit ko sa kanya.
“Pero ‘yong totoo? Kayo ni Ino? Totoo bang nagpalaglag ka?”tanong niya pa sa akin. Agad ko namang pinitik ang noo niya.
“Ang kulit ko, hindi nga.”naiiling ko na lang na saad.
“’Yan na pala siya e.”sabi niya at nginuso si Ino na siyang naglalakad na palabas ng classroom nila. May ilang babae pang nakikipag-usap sa kanya. Makikinis at magaganda, mukhang mamahalin pa ang mga damit.
“Sige na, Luke, lapitan ko muna ahh.”sambit ko at kinindatan siya.
“Luh, pafall ka talaga, Ailey!”sabi niya na tinawanan ko lang. Makulit talaga ang Luke na ‘yon at kasundo ko sa ilang bagay. Hindi ko nga alam kung bakit nakipaghiwalay pa ako gayong mayaman naman ito. Halos lahat naman kasi ng mga mag-aaral dito’y mayayaman, may mga malalaking kompanya sa buong pilipinas, mayroong mga airline, mga naglalakihang hotels at kung ano ano pa. Sa Isla Soledad pinatatapon ng mga magulang nila. Jk.
Kaya nga ang spring hill ay talaga namang magara, ito nga ang pinakacenter ng Isla Soledad pati na rin ang spring hill town na maraming museum.
“Hoy, oh, ‘yong jacket mo, nilabhan ko na ‘yan, salamat.”sambit ko kay Ino na hinagis lang ang plastik sa kanya. Aba’t alangan naman ipaperbag ko pa? Ang mahal mahal na ng paperbag ngayon, sayang pera.
Napatingin tuloy sa akin ang kasama niyang babae at pinagtaasan pa ako ng kilay. Nilingon niya pa ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko naman alam kung dapat ba akong maoffend sa paraan ng tingin nito ngunit napakibit na lang ako ng balikat at nagpaalam na rin kay Ino.
“Wala man lang bang libreng fishball diyan, pasasalamat?”nakangisi niyang tanong sa akin kaya napailing na lang ako sa kanya.
“Saka na! Una na ako, may klase pa me!”sigaw ko at patakbong kumaway sa kanya.
Matagal naman na natapos ang araw ko sa school dahil naging abala ako sa research paper ni Kath na siyang matagal pa naman ang pasahan. Kasama niya pa si Jeffrey na nasa cafeteria at talagang sa harap ko pa naglampungan. Well, hindi ko na lang pinansin dahil nagmamadali na rin ako sa pagtungo sa café. Nakakahiya naman kasi kay Dani kung sakali.
Nakapagpahinga naman ako sa café dahil walang gaanong customer pero syempre inabala ko pa rin ang sarili ko sa kusina para maglinis ng kung ano ano dahil nakakahiya namang binabayaran ako pero tumutunganga lang ako sa isang tabi.
Late na rin nang matapos ang trabaho ko kaya medyo madilim na rin ng lumabas kami galing dito sa café.
Medyo napatakbo pa ako nang makitang iisa na lang ang bakanteng upuan sa punuang tricycle.
Habang nagmamadaling naglalakad ako’y laking gulat ko nang may umakbay sa akin. Agad ko ‘tong siniko ngunit sumigaw siya.
“Manong, buntis po ‘tong misis ko!”sambit niya. Napatingin tuloy sa amin ang ilang pasahero na nasa loob na ng tric.
“Sige, Kuya, kayo na lang po dito sa loob.”sabi ng isang lalaki at pinapwesto kami sa upuan sa loob ng tricycle. Gagong Ino ‘to, parang alam ko ang palusot na ‘yon ahh. Nagamit ko na ito noong nagmamadali akong umuwi.
Ngumiti na lang ang lalaking umalis para pagbigyan ng upuan si Ino. Aba’t ang kapal ng mukha. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nginisian niya lang ako. Kaya kami naiissue dahil dito sa hinayupak na ‘to e.
“Huwag ka ng magreklamo, parehas lang tayong nakinabang..”pabulong na saad niya. Napatingin tuloy sa amin ‘yong isang babae na nakaupo sa maliit na upuan, awkward ko na lang siyang nginitian.
Minsan ko lang naman ginagawa ang palusot kong ‘yon e! Kawawa naman ‘yong lalaking naghintay dito ng matagal. Well, I’m guilty din naman dahil ako ang naunang gumawa no’n. Pinaningkitan ko na lang si Ino na siyang siniksik lang ako sa isang gilid. Kaya pala nagtatanong ang mokong na ‘to kung pinalaglag ko ba.