Chapter 5

2168 Words
Chapter 5 Ailey’s POV Nakarinig ako ng hikbi mula sa loob nang papasok na ako ng bahay nina Dolo. Agad ko siyang nakita na nasa gilid habang nakatingin lang sa kawalan. Palakas na ng palakas ang paghikbi nito kaya napalapit na lang ako. Dahan dahan akong naupo sa tabi niya, hindi ako gumalaw o nagsalita man lang. Hinayaan ko lang siyang umiyak. I can’t even bear to see her crying, madalas kasi’y masaya lang ito sa lahat ng bagay. Nakakahanap ng kasiyahan sa mga simpleng bagay. “I’m failing, Ley.. I don’t know what to do..”sambit niya pero alam kong hindi lang naman ‘yon ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. Sa totoo lang ay wala naman ‘tong pakialam kung bumagsak siya o ano, ang mahalaga lang dito’y pumasa siya kay hindi talaga ako maniniwala kung ‘yon ang idadahilan niya sa akin kaya siya umiiyak ngayon. “Shh. Everything will be okay, ang strong mo lang kaya, Girl.”sabi ko at ngumiti pa sa kanya. Ginulo ko lang ang buhok niya. Kumalma naman na siya kalaunan. “I’m always here, kahit na anong mangyari, alam mo naman ‘yon, ‘di ba?”nakangiti kong tanong sa kanya. Bahagya lang siyang tumango sa akin kahit na alam kong sasarilihin pa rin niya ang lahat. Parehas lang kaming tahimik na nakatingin sa kalangitan, maya-maya lang ay may hawak hawak na itong yogu kaya napatawa na lang ako, siguro sa kalahating porsyento ng tubig sa katawan ng babaitang ‘to’y yogu. Para lang kaming tangang nagharutan sa garden kahit gabing gabi na, ni hindi ko na nga rin namalayan ang oras pagkatapos ng araw na ‘yon. I thought that will be the last time I’ll saw her crying like that pero ‘yon na rin pala ang huling beses ko siyang makakausap dito sa bahay nila. “Ley! Ley!”natatarantang saad ni Rest na siyang mukhang hingal na hingal pa habang papunta dito sa classroom namin. “Anong problema, Girl, bakit parang hingal na hingal ka diyan?”natatawa kong tanong sa kanya dahil kakakita lang namin kanina. She’s with me when we comforted Dolo sa may tapat ng office ng guro niya kanina. Alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin siya ayos. Kahit anong gawin niya’y hindi niya matatago ang kalungkutan niya sa amin. “Si Dolo!”natataranta niyang saad kaya napatayo ako. “Huh? Bakit? Anong nangyari? “nahahawa na rin ako sa pagkataranta dahil sa kanya. “She’s missing.”sambit niya na napahimalos pa sa mukha. “Ano? Huh? Kakakita lang natin kanina ahh?”hindi ko maiwasang itanong na dinapuan na rin ng pag-alala sa kaibigan namin. Pumasok lang ako sa last subject ko at ngayo’y nawawala ito? Huh? “’Yon na nga, naglayas siya, Tita said. Alalang alala na ang Mommy niya sa kanya, Ailey..”nag-aalala na ring saad ni Rest. “’Yong kotse nila siya ang nagmaneho hanggang sa bus station, hindi naman ‘yon marunong magdrive..”sambit niya pa. Ramdam ko ang kaba habang nakikinig kay Rest. Well, alam ko naman na kayang kaya niyang magdrive dahil sobrang adventurous ng taong ‘yon, mas nag-aalala pa ako sa pagcocommute niya. Ni hindi nga no’n alam kung saan siya pupunta. “Call her boyfriend, Rest, baka naroon siya.”pinanatili ko namang kalmado ang tinig ko kahit maski ako’y nag-aalala na sa kanya. Sana kung maglalayas ito’y ininform naman kami. Kinausap naman niya ang boyfriend ni Dolo ngunit bahagya lang siyang umiling nang sabihin nitong wala roon. “Uuwi muna ako, Rest, pumasok ka na sa klase mo, babalitaan kita.”sambit ko sa kanya. Ayaw niya namang pumayag at sumama pa talaga sa akin sa mansiyon ng mga fajardo. Nagkakagulo na sa mansiyon, ang daning private investigator na siyang nakakalat sa loob ng bahay. Pinili na lang namin ni Rest na manahimik dahil wala rin naman kaming maitutulong dahil hindi namin macontact ang number ni Dolo, nasa iniwan niya rin kasing kotse ‘yon. Hindi na kami nakigulo pa at tahimik na lang na nakikinig sa pag-uusap nila. Kita naming iyak lang ng iyak si Tita sa isang gilid, kahit na sinusubukan niyang kalmahin ang kanyang sarili’y hindi niya magawa. Talagang hindi na niya napigilan pang mapahagulgol sa isang gilid. “What will happen to my daughter? Do what you can! Paano kung matulog na lang sa lansangan ang anak ko?!”galit na galit na saad niya. Kitang kita ko rin ang ilang basag na gamit na nandito, sina Mama’y nakayuko lang sa isang gilid at hindi rin malaman ang gagawin. Nagkatinginan naman kami ni Rest at hindi na rin malaman kung anong dapat na gawin. “I’ll tell mommy to contact some private investigator para mas mapadali ang paghahanap.”sambit niya sa akin kaya napatango na lang ako. Lumabas naman na siya ng bahay habang wala naman akong magawa kung hindi ang magdasal sa Kanya dahil wala naman akong pambayad sa mga private investigator na ‘yan. “Ma, Anong nangyari?”hindi ko maiwasang maitanong kay Mama na siyang nasa gilid lang kasama ang ilang kasambahay dito sa bahay ng mga fajardo. “Nag-away kasi si Sir saka si Ma’am kanina, Nak, naabutan ni Dolo..”sambit niya at kinukwento ang buong pangyayari. Napabuntong hininga ako at mas lalo lang nag-aalala kay Dolo, nasaan na kaya siya? Buong gabi lang na naging abala ang buong mansiyon ng mga fajardo, ang papa ni Dolo’y nagtungo na sa manila nang mapagalaman nilang nandoon na ito. Kami naman ni Rest ay inaalalayan si Tita dahil bigla bigla na lang ‘tong umiiyak. Sa totoo lang ay ngayon ko lang itong nakitang umiiyak. Si Tita kasi ‘yong tipong ang lakas lakas sa panlabas kaya hindi ko akalain na masasaksihan ko ang Rowena Fajardo na naghihina sa isang gilid. Ni hindi pa rin ‘to kumakain simula nang umalis si Dolo kaya nag-aalala na rin kami sa kanya. “I swear if something bad happen to my daughter, wala ka ng madadatnan na kahit na sino sa bahay na ‘to.”naalala ko ang sinabi niya kay Tito kanina. Ramdam ko rin ang kaba ni Tito lalo na’t siya ang dahilan kung bakit naglayas si Dolo. “Nak.. matulog na muna kayo ni Rest sa kwarto. May pasok pa kayo bukas.”sabi ni Mama sa akin. Nagkatinginan naman kami ni Rest at sabay pang napailing. Paano kami makakatulog kung nawawala si Dolo? Kahit sabihin pa namin makakasurvive ‘yon kahit nasaan siya, iba pa rin ang paligid ngayon, saka hindi kami makakampante hangga’t walang balita tungkol sa kanya. Hindi kami nakatulog ng araw na ‘yon dahil hindi pa rin siya nahahanap pero kahit na alalang alala kami’y pinapasok pa rin kami nina Tita kinabukasan, maski si Mama’y sinabi lang sa akin na wala akong magagawa, para kaming lantang gulay ni Rest habang papasok sa classroom. Ni wala kaming tulog. “True ba, Sis? Nawawala si Shira? Baka naman nakipagtanan na kay South?”natatawang tanong ni Kath. Kahit kailan ay hindi ko siya pinatulan sa mga sinasabi niya, siguro’y sasagutin lang ng sarkastiko ngunit ngayong wala ako sa mood ay huwag niya akong subukan. Magsasalita pa sana siya ngunit napansin niya ang paraan ng tingin ko kaya nanahimik na lang siya. Halos wala ring pumapasok sa utak ko habang nakikinig sa prof namin. Napabuntong hininga na lang ako. “Ley!”agad akong napalingon sa labas, kasabay naman ‘yon ng pagvibrate ng phone ko. Nilingon ko muna si Rest na siyang hindi na nakayanan at pumasok na sa loob. “Tita already find her, she’s in her Tito’s condo right now.”sabi niya at niyakap pa ako. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil do’n. “Talagang masasabunutan ko ang gagang ‘yon kapag nagkita kami, aba’t pinag-aalala niya tayo! Ang bruhildang ‘yon!”sambit ko kaya napatawa naman si Rest dahil nakahinga na rin ng maluwag. Simula ng araw na ‘yon ay nagbago na rin ang pamumuhay na mayroon kami ni Mama.. “Wala na tayong magagawa, alangan naman ipilit pa natin ang sarili rito?”tanong ni Manang. “Saka wala na rin magpapasahod sa atin dito.”sabi naman ni Ate Mel. Malungkot ako para sa aming mga nakatira sa mansiyon pero mas nalulungkot naman ako para kay Dolo, starting that day, her life completely changed. ‘Yon na rin ang huling kita namin sa kaniya pero before siyang umalis at nanirahan sa iba’y tinawagan niya kami ni Rest using her another number. Alam kong nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon kaya hindi rin naman namin siya kinukulit na magkwento at makipagkota sa amin. “Ano, Sissy? Payag na ba si Tita?”tanong sa akin ni Rest, nandito nanaman ito sa café ngayon at para bang walang mga pinagkakaabalahan. “Oo, mag-aapply na raw siya sa Mommy mo.”sambit ko na iniabot ang inumin niya. Naupo pa ako sa tapat niya dahil wala pa namang customer. “Ganoon ba? Edi sa amin na rin kayo titira?”excited niyang tanong. Umiling naman ako sa kanya dahil do’n. Kita ko agad ang disappointment sa mukha nito. “Aba’t you’re so madaya talaga!”nakasimangot niyang saad kaya napatawa naman ako ng bahagya. “Alam mo naman na gusto talaga naming magkasariling bahay no’n pa, ‘di ba?”tanong ko at ngumiti pa sa kanya. Agad nanlaki ang mga mata niya. “So you and Tita’s going to patayo na ng new house?”tanong niya at bumalik nanaman ang pagkaexcited. “Nah.. noon pa namin sinubukan magloan sa banko, ngayon lang ulit namin pinush kaya ‘yon.”sabi ko kaya napatango tango siya habang nakatingin sa akin. Parang mas excited pa nga ito kaysa sa akin dahil sa itsura niyang namamangha habang ineexplain ko kung hanggang kailan at paano ang mangyayari sa bahay. Dapat no’ng nakaraang taon ko pa gagastusin ang pera ko para ipambili ng sarili kong gamit pero hindi ko rin nagawa kaya naman may pera pa rin ako hanggang ngayon. “Omg! When will you move na? Can I come with you? Sige na, please.”sabi niya pa na excited na excited sa akin. “Maglilipat na kami mamaya, I thought may lakad ka?”tanong ko at pinaningkitan siya ng mga mata. “Wala, iindianin ako no’n.”sabi niya at umirap pa. Naiiling na lang akong natatawa dahil do’n. “Hoy, maglilipat na kayo, Girl, sama ako!”sambit ni Dani na siyang kanina pa pala nakikichismis. “Aba’t maglilipat kami, Te, walang handaan do’n.”sabi ko kaya inirapan niya agad ako. “Sus, para namang hindi kami paghahanda ni Tita, sasama ako.”dineklara na niya na sasama siya kaya naiiling na lang ako. Wala kasi akong pasok ngayon at maaga akong nagtrabaho para maaga rin akong makakauwi ng bahay dahil maglilipat nga kami, sa tingin ko’y pinadala na rin naman ni Mama ang ilang gamit namin. Nang umuwi sa bahay ng mga fajardo’y kasama ko na rin sina Rest at Dani. Pare-parehas pa kaming napatingin lang sa bahay na wala na halos katao tao ngayon, dati’y buhay na buhay ito, ngayon ay wala ka na halos marinig na ingay. Namiss ko tuloy bigla ang bruhang si Dolo. Nagkatinginan naman kaming tatlo na parang pare-pareho nang nasa isip. Close din si Dani at sina Dolo. Kaming apat talaga’y magkakaibigan na noon pa, sadyang mas matanda lang talaga si Dani kaya hindi namin gaanong nakakasama. “Let’s call her.”sabi ni Rest. Napatango naman kami ni Dani sa kanya. Maya-maya lang ay sumagot din ito. Mukha itong pagod kaya ang masigla dapat naming pagbati sa kanya’y humina na lang. “Hey..”paos na saad niya. I don’t know if she’s fine or what, parang ilang kilo na agad ang pinayat niya sa pananatili pa lang doon ng ilang linggo. “Uyy, Girl, ano na? Hindi ka na ata bumabangon diyan sa kama mo, galaw galaw din, Sissy, baka mastroke.”sinubukan ko na lang pagaanin ang atmospera sa amin kaya napangiti rin siya sa sinabi ko. “Of course, Sissy, anong palagay mo sa akin, strong ko lang.”sabi niya at bahagya pang ngumiti ngunit ramdam din namin ang lungkot mula sa kanyang tinig. “Alam mo ikaw, huwag ka ngang feeling strong diyan, gaga ka.”sambit ko sa kanya and just like that she burst into tears. Hindi niya pinatay ang phone niya habang umiiyak lang, maski si Rest ay umiiyak na rin dito sa tabi ko, mukhang nasasaktan din para kay Dolo. Sa aming tatlo ay si Rest talaga ang pinakaiyakin. Maya-maya lang ay nagpaalam na rin ito matapos niyang sabihin ang saloobin niya. “Gagang Ley ‘to, isa ka ring feeling strong e.”sabi ni Dani kaya pinahid ko na lang ang luha ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ko lang maiwasang mapaluha dahil ramdam ko ‘yong sakit pagdating sa pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD