Chapter 6
Ailey’s POV
“Te, paglilipat ang gagawin natin, hindi party, girl.”sabi ko kay Dani dahil talagang nakaheels pa ang gaga gayong magbubuhat lang naman kami ng mga gamit ngayon.
Agad niya akong inirapan dahil do’n. Tinawanan lang siya ni Rest na siyang nakatsinelas lang ngayon dahil tutulong din sa paglilipat namin.
“Nako, hija, talaga bang tutulong ka pa, nako—“hindi pa natutuloy ni Mama ang sasabihin niya nabg agad na tumango si Rest.
“Opo, Tita, I can handle naman po e.”sabi niya at ngumiti.
“What about me, Tita, hindi mo ba ako tatanungin?”tanong ni Dani kaya tinawanan lang siya ni Mama at naiiling na lang sa kanya.
“Malaki ang katawan mo, Dani, kayang kaya mo talaga kaming tulungan saka nanliligaw ka ba dito sa anak ko?”tanong ni Mama kaya halos masuka kaming parehas ni Dani. Hindi ba halata sa heels nitong plakadong plakado na hindi talaga kami talo? Aba’t mas mataas pa ata ang heels nito sa pangarap ko.
Mabuti nga’t nagagawa na nito ang kanyang gusto kahit paano, hindi tulad noon na talagang takot siyang gawin ang lahat dahil sa pamilya niya.
Nagbuhat na rin naman kami ng ilang gamit na nasa truck para ipasok sa loob ng bahay. Sa totoo lang ay hindi ako sigurado sa kung anong magiging buhay namin dito ni Mama at the same time ay excited din talaga akong magkaroon kami ng sarili naming bahay.
“Nak, sigurado ka ba talaga?”tanong nanaman ni Mama sa akin habang tinutulungan ko siyang buhatin ang isang box na dala namin. Natawa na lang ako roon at napailing sa kanya.
“Ma, ilang beses niyo na pong natanong ‘yan.”naiiling kong sambit sa kanya.
“Nakakahiya na kasi sa’yo, Nak, ilang beses na nating nagastos ‘yang ipon mo para sa bibilhin mong laptop at ilan pang gamit pansarili mo, alam ko naman na matagal mo ng gustong magkaroon ng pangsarili mo.”sambit niya kaya natatawa ko na lang siyang inilingan.
“Ayos lang po, Ma.. makakapag-ipon pa naman po ako..”sambit ko at ngumiti sa kanya. Matagal na talagang nauudlot ang pagbili ko ng mga gamit, hindi ko naman kailanman naisip na hindi para sa akin ‘yon. I mean baka hindi para sa akin.. sa ngayon..
Saka mas mahalaga sa akin ngayon ang tirahan namin ni Mama. Tutulungan ko siyang magpundar ng bahay namin bago ko bilhin ang mga gusto ko.
“I can give you my laptop you know..”sambit sa akin ni Rest na siyang nakikinig pala sa usapan namin. Tinignan ko naman siya at agad na inilingan. Napanguso naman siya dahil alam niyang hindi niya rin ako mapipilit. Nginitian ko na lang siya dahil do’n. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nahihiya akong tumanggap ng kung ano sa mga ito, maski kay Dolo ay ganoon din. Ilang beses kaya akong sinubukang bigyan ng gadget no’n. Alam kong kailanman ay hindi isusumbat nina Rest at Dolo ang kung ano mang gusto nilang ibigay sa akin. Well, ayaw ko lang.
Hindi ko naman sila kinaibigan para maging sugar Mommy ko kaya hindi ko gustong binibigyan nila ako ng kung ano.
“Grabe, girl, napagod ako do’n ahh.”sabi ni Dani at nahiga pa sa sahig namin kaya agad siyang pinatayo ni Mama.
“Nako, Dani, baka mamaya’y malamigan ka diyan.”sambit ni Mama dito. Napanguso namang umupo na lang si Dani sa sahig, ni hindi pa nga kami nakakapag-ayos dito sa loob ay pagod na pagod na ito. Ang laki laki ng katawan ay malamya ang gaga.
“Sissy, ‘di pa ba masakit ‘yang paa mo?”natatawa kong tanong sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko ang gaga at suot suot pa rin ang heels niyang sobrang taas.
“Hindi pa, keri pa, Sis.”sambit niya na hinihingal pa at pawis na pawis na. Natawa na lang ako sa kanya at hinagisan siya ng panyo.
Napalingon naman ako kay Rest na hindi pa rin humihinto sa pagbubuhat ng ilang gamit kahit na bigat na bigat din siya. Agad naman akong dumalo sa kanya. Parang nagpapakapagod talaga ang bruhilda.
“Sis, sabihin mo lang kung gusto mong mangisay sa pagod, bigwasan na lang kita.”sabi ko sa kanya kaya agad niya akong inirapan.
“I just want to help, masiyado kayong maraming aayusin ni Tita e.”sambit niya at kinuha pa ang ilang box sa gilid. Pagbabawalan ko na sana siya kaya lang ay sinenyasan ako ni Dani na hayaan na ito. Pinanood ko lang siyang magpakapagod.
“Tita, welcome ba ako anytime here?”tanong niya kay Mama na siyang naghahanda na ng mga pagkain.
“Oo naman, Hija.”masayang saad ni Mama dahil matagal na no’ng huling may mga kaibigan na tumambay sa bahay namin dahil matagal na rin naman no’ng huling nagkabahay kami.
“What about me, Tita? Welcome din ako, ‘di ba?”tanong ni Dani na siyang lumapit agad sa Mama ko. Naiiling na lang ako sa kanya. Ang dami dami nitong kaibigan na mayroong malalaking bahay, magagawa niya pa kayang dumalaw sa munting bahay namin?
Mga bigatin pa kaya ang mga kaibigan niyang si Dani, marami siyang kaibigang model at marami ring fashion designer. Madalas niya rin kaming yayain na magmodel sa ilang brand ng mga bigatin niyang kaibigan, madalas namang si Dolo o ‘di kaya’y si Rest ang dumalo roon. Natigil lang si Dolo no’ng nagcollege na kami dahil ayaw niya na. Si Rest na rin naman ang madalas kinukuha nitong si Dani, mas lalo kasi itong nagkaroon ng interes sa mga fashion show ngayon.
“Pwedeng pwede, Hijo.”sabi ni Mama kaya napapalakpak pa si Dani. Naupo naman kami sa sahig dahil wala pa kami gaanong mga appliances dito sa bahay. Ang ingay ingay namin habang kumakain.
“Dito na rin kayo maghapunan. Bili na lang tayong ulam diyan sa labas.”sabi ni Mama.
“G me, Tita.”sabi ni Dani habang hindi ko naman mawari ang itsura ni Rest dahil mukha itong wala sa sarili habang umiinom ng juice.
“Hoy..”tawag ko sa kanya. Halos mapatalon pa siya sa gulat dahil sa akin kaya natawa ako ng mahina.
“Ayos ka lang?”tanong ko sa kanya. Tumango lang naman siya at ngumiti. Hinayaan ko na lang siyang tahimik doon. Nagpatuloy na lang din kami sa pag-aayos dito sa bahay. Alam din naman naming hindi rin namin ito matatapos agad.
“Ako na lang ang bibili ng pagkain, Ma.”sabi ko kaya tumango si Mama, naglakad naman na ako palabas ng apartment. Medyo malayo pa dito ang bayan kaya naman nagtricycle na ako patungo roon. Mabilis lang din naman akong nakabalik sa amin dahil wala rin naman gaanong bumibili ng pagkain sa fast food chain.
Natigilan pa ako habang pinagmamasdan ko ang magiging bahay namin kapag nabayaran na talaga namin ‘to ng buo. Hindi ko maiwasang mapangiti. Matutupad na rin ang pangarap namin ni Mama na magkaroon ng sariling bahay. Hindi naman ‘to gaanong kalakihan, mayroon ding bahay sa dalawang gilid namin. Simple lang din, napangiti na lang ako bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nanliit naman ang mga mata ko nang marinig ko silang nagtatawanan mula sa loob.
Pinagpipiyestahan nila ang mga childhood photos ko. Napailing na lang ako habang nilalapitan sila.
“Aba’t tawang tawa mga, Sis? Cute ko kaya no’n!”sambit ko at napanguso.
“Cute mo nga, Sissy, kaya may mga uhog ka pa no’n.”saad ni Dani kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin at inirapan. Natawa na lang siya sa akin at nagpatuloy pa sa pangangalkal. Hinayaan ko na lang sila at inayos na ang pagkain namin sa lapag.
Napatingin naman ako sa phone ni Rest na ng daming missed call galing sa parehas na number.
“Sissy, may tumatawag sa’yo.”sambit ko sa kanya. Nakanguso lang siyang tumayo at nilapitan ‘yon. Ibabalik na niya sana ngunit pinaningkitan ko siya ng mata. Ito siguro ang dahilan kung bakit kanina pa siya wala sa wisyo.
“Answer the call, baka importante.”sabi ko at nginisian pa siya. Inirapan niya lang ako at hinayaan lang na tumunog ang phone niya. Bumalik pa siya sa ginagawa, naging abala naman kami sa pagkain.
Halos anong oras na’y nandito pa rin sila sa bahay at tumutulong pa rin sa pag-aayos, tuloy tuloy lang kami kaya medyo nahiya rin ako sa kanila, si Rest kasi’y hindi naman madalas maglinis ‘yan sa bahay nila habang ganoon din si Dani, aba’t papakuha nga lang ng kape ang babaitang ‘yan ay nakautos pa. Mabuti nga’t naisipan niya ring alisin ang kanyang heels kalaunan.
“We’ll go na po, Tita, salamat sa pakain, sa uulitin!”nakangiting saad ni Rest at kumaway kaway pa sa amin.
“Tita, tatambay me here ahh, welcome ako anytime, ‘di ba?”pangungulit ni Dani na siyang inirapan ko lang. Natatawa na lang naman si Mama sa kanya.
“Balik ulit kayo dito, Hijo, Hija, maraming salamat sa pagtulong, huh? Pasensiya na’t ‘yon lang ang kaya kong ipakain. Oo naman, welcome na welcome kayo dito.”sabi ni Mama na paulit paulit ng nagpasalamat sa mga kaibigan ko. Ganoon din naman ako.
“Ingat!”sambit ko at kinawayan sila.
Nang pumasok kami sa loob ni Mama’y parehas lang kaming nakangiti habang nakatingin sa simpleng bahay namin. Hindi pa naman talaga sa amin ‘to pero soon. Ramdam ko rin ang tuwa habang nakatingin do’n.
“Nak.. salamat..”pabulong na saad ni Mama.
“Sus, walang problema, Ma, saka ipon natin ‘tong dalawa, hindi lang naman po sa akin.”sabi ko sa kanya at ngumiti pa. Nginitian niya naman ako at hinaplos ang buhok.
“Bili na lang tayo ng ilang gamit bukas, Ma, meron pa naman akong matitira.”sabi ko at ngumiti.
“Paano naman ‘yong pambili mo ng kailangan mo?”tanong niya.
“Sus, basic lang sa akin ‘yon, Ma, huwag mo akong problemahin, keribels ko sarili ko. Yakang yaka ko itech.”sambit ko kaya tinawanan na lang niya ako.
Bago ako nahiga sa kama na siyang naaayos naman na namin ay nagtungo muna ako sa cr. Ramdam na ramdam ko ang pagod ng mahiga ako sa kama rito sa sahig, si Mama’y nakahiga na rin naman sa kama. Ramdam ko ang pagod ngunit ang saya’y hindi mawawala sa akin. We already took our first step. Para sa akin ang pinakamahalaga ay ang unang hakbang sapagkat sa una nagsisimula ang lahat, kumbaga sa paggawa ng isang istorya, wala kang matatapos kung hindi mo uumpisahan.
Masaya rin naman akong nakatulog pagkatapos kong mag-isip isip ng kung ano ano. Nagising tuloy ako kinabukasan na medyo tanghali na dahil sa pagod. Napangiti na lang ako nang maamoy ko na ang mabangong halimuyak mula sa labas ng kwarto.
“Good morning, Papa! What a great day a head.”nakangiti kong saad habang nakatingin sa litrato ni Papa na siyang nasa gilid ng kama. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang litrato niyang nakangiti. My Dad already died noong sampung taong gulang pa lang ako pero tandang tanda ko pa rin ang pagmamahal nito. Laging sinasabi ng mga Kuya ko kung gaano ‘to walang kwentang ama na hindi ko maintindihan kung paano nila nasasabi.
Tumayo na ako sa kama, aba’t ayaw ko namang sirain ang araw ko dahil lang dito. Lumabas na ako ng kwarto ko ngunit agad napanguso nang makitang wala si Mama rito. Napakunot naman ang noo ko dahil saan kaya ‘to nagpupunta gayong wala pa naman kaming kakilala ngayon dito.
Nagsimula na lang akong kumain dahil mayroon naman ng pagkain dito, naghintay pa ako na papasok si Mama ngunit mukhang wala talaga ‘to.
Lumabas na lang ako ng bahay namin na painat inat pa. Natigilan ako nang mapatingin sa kabilang bahay. Napaawang ang labi ko nang makita si Ino na may mga dalang basura at boxer lang ang suot, ang buhok nito’y g**o g**o pa at mukhang kagigising lang din.
Nanlaki naman ang mga brown niyang mga mata nang mapatingin sa akin. Bumuka ang bibig niya ngunit wala namang salitang lumabas sa kanya. Tinikom na lang niya ‘yon at supladong naglakad paalis dito sa tapat ko.