Chapter 7
Ailey’s POV
I just watch him walk with his thick sexy a*s. Well, ‘yon lang naman ang maipagmamalaki niya dahil wala siyang abs, bakit ba pati ang abs ng iba’y pinapakialaman ko pa? Napailing na lang ako sa aking sarili at pinanood lang siyang maglakad paalis sa tapat ko. Napanguso na lang ako at nagkibit ng balikat. Kung matatandaan ko ang huli naming pag-uusap ay ‘yong sa tricycle pa, last year pa ata ‘yon, bago magbakasiyon. Simula no’n ay hindi ko na siya nakausap pa, kahit naman parehas kami ng school ay hindi ko rin ito gaanong nakikita roon.
Siguro’y nakakasalubong ngunit ano naman? Hindi naman kami close?
Babalik na sana ulit ako sa loob ng bahay nang makarinig ako ng tumatawag sa akin.
“Ate! Psst! Ate, ganda mo!”natatawang saad sa akin ng isang batang lalaki. Aba’t bungi bungi pa nga ito ang lakas ng mambola. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay ngunit bago pa siya makalapit sa akin ay napingot na siya ng isang babae.
“Pasensiya ka na, hija, ‘tong anak ko kasi’y pasaway talaga.”nahihiya niyang saad. Ngumiti na lang ako dito at tinanguan siya.
“Ayos lang po.”sambit ko.
“Nak! Gising ka na pala.”sabi ni Mama na siyang nakasunod pala sa babae.
“Ito nga pala ang anak ko. Kasing edad lang ng panganay mo.”sabi ni Mama. Mas lalo namang lumapad ang ngiti sa akin no’ng babae.
“Kaya pala maganda rin, may pinagmanahan pala.”sabi naman nito. Natawa na lang si Mama dahil do’n.
“Salamat ng marami sa pagkain na dala mo, Mars.”sabi pa nito. Wow, may pa mars na agad sila, anong susunod doon? Pautang?
“Nako, walang anuman.”sabi ni Mama at nginitian ‘to.
Naglakad na rin naman kami papasok ni Mama sa loob. Agad ko siyang pinanliitan ng mata dahil dito.
“Ma, ang aga aga’y nasa kapitbahay ka na agad.”natatawa kong saad sa kanya.
“Nag-abot lang ako ng makakain sa kanila, nakakahiya namang sila pa ang mag-aaproach sa atin gayong kararating lang natin dito.”sabi ni Mama.
“Saka mukha namang mabait ‘yong kapitbahay natin, pinakain pa nga ako sa bahay nila.”sabi niya pa kaya halos pasukan na ng langaw ang bibig ko sa pagkakabuka. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si Mama o ano.
“Nakikain ka, Ma? Nakakahiya!”hindi ko mapigilang sambitin at napailing pa sa kanya.
“Hindi no, nakiupo lang ako do’n sa bakuran nila sandali, aba’t maganda na ‘yong may maganda kang relasiyon sa kapitbahay mo.”sambit niya.
“Hindi ka pa ba maliligo?”tanong niya kaya napatayo ako, may pasok pa nga pala ako, magawa ko pa talagang tumungaga, magtutungo pa ako sa bilihan ng ilang appliances mamaya.
Binilisan ko na lang ang pagkilos ko, nagsuot lang ako ng jeans at black shirt saka ko sinuot ang sneakers ko.
“Ma! Alis na po ako!”habang paika ika pang sinusuot ang jeens ko.
“Sige, Anak, ingat ka, aalis din ako mamaya at pupunta ako sa mansiyon ng mga Arillano.”sabi niya kaya napatango ako. Mabait naman si Tita, ang Mommy ni Rest kaya alam kong hindi ‘to magsisisi na doon siya magtatrabaho.
Gustuhin ko mang patigilin na magtrabaho si Mama, alam kong hindi ko pa kaya dahil may mga binabayaran pa rin ako sa school kaya bawi na lang talaga ako kapag keriboom boom ko na ang lahat.
Halos mataranta pa ako dahil wala man lang tricycle na humihinto rito sa amin.
“Doon ang sakayan.”halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Ino na siyang nakacasual lang din na damit habang may bitbit na laptop at basa pa ang buhok nito ngunit halatang hindi talaga nagsusuklay. Regaluhan ko kaya ‘to ng suklay next time?
“K, thanks.”sambit ko at kumaway lang sa kanya at patakbong nagtungo sa sakayan. Maya-maya lang ay may tricycle na huminto sa akin. Sumakay naman na ako ngunit mas lalo lang akong nainis nang bigla ‘tong pumasok sa loob dahil nakitang may pasahero pa. Napasimangot ako nang makita si Ino. Naupo naman siya sa tabi ko. Fresh na fresh ang lolo mo, amoy na amoy ko ang cologne na mukhang para pa sa kapatid niya.
Pinagtaasan niya naman ako ng kilay, hindi ko na tuloy namalayan ang sariling sinisinghot na pala ang amoy nito.
“Dapat kasi’y hindi ka na muna lumabas, late na ako!”reklamo ko sa kanya.
“Wow, bakit parang kasalanan ko?”tanong niya na napahawak pa sa dibdib niya. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil do’n. Inirapan ko na lang siya.
Halos mapasuntok pa ako sa hangin nang inbis na magtuloy tuloy sa pagmamaneho si Manong, nagtungo pa ito sa malapit na gas station.
“Pucha naman..”pabulong kong saad na napasabunot na sa sarili sa sobrang yamot. Sinamaan ko ng tingin si Ino nang natatawa niya akong tinignan.
“’Yan, late nagigising tapos ngayo’y yamot na yamot.”natatawang niyang saad sa akin. Inirapan ko lang siya at inis na inis na habang tinitignan ang kalsada. Magsasalita pa sana siya ngunit sinamaan ko na siya ng tingin.
“Manahimik ka na’t hindi ako natutuwa sa’yo.”banta ko sa kanya na tinawanan niya lang. May mapaglarong ngisi pa sa kanyang mga labi.
“Siguro sa pagmamadali mo ligong quack quack na lang ‘yang ginawa mo.”pang-aasar niya pa.
“Ulok mo, huwag mong ipasa sa akin ‘yang gawain mo.”sabi ko na inirapan siya. Hindi ko alam kung bakit kung kailan ako nagmamadali parang ang tagal tagal pa ng byahe.
Nang makarating kami sa school ay agad akong napatakbo sa department namin. Hingal na hingal pa ako nang makarating do’n. Agad kong inihanda ang tenga ko sa sermong walang katapusan, paniguradong ako rin ang pag-iinitan kung sakali.
“Ms. Cabera, anong oras na?”mahinahon na tanong sa akin ng guro.
“Pasensiya na po, Ma’am.”sambit ko at napayuko. Akala ko’y makakarinig ako ng sermon mula sa kanya ngunit tumango lang ito at hinayaan akong umupo.
“Huwag mo ng uulitin.”sambit niya pa kaya napatango na lang ako.
“Aba’t sana all Cabera..”natatawang saad ng ilang kaklase ko. Napailing na lang ako sa kanila at hinayaan na lang silang mang-asar. Nanahimik din naman sila kalaunan ng pahintuin ng aming guro.
Naging maayos din naman ang takbo ng klase. Hindi rin naman ako nalate sa pangalawa at huli kong subject.
Rest:
Tita’s already in our house, you’ll go here din ba?
Ako:
Hindi na muna, Rest, bibili muna ako ng mga appliances para sa bahay.
Rest:
Oh.. right, okay!!
Kinumusta ko lang muna si Dolo bago ko pinatay ang phone ko at nagpatuloy sa paglalakad. Natigil lang ako at huminto sa may bulletin board na siyang nakapaskil na ang mga dean lister roon. Hindi naman sa nagyayabang ako ngunit expected ko na na makita ang pangalan ko roon. Napakibit na lang ako ng balikat at magpapatuloy na sana sa paglalakad ngunit natigil lang ako sa isang banda. Sa computer science department.
Inocencio Morales..
That’s Ino I think? Well, I only know his nickname, kilala siya bilang Ino, ‘di ko naman alam na napakainosente naman ng pangalan niya. Nilagpasan ko na lang din ‘yon at nagpatuloy na rin sa paglalakad.
Sumakay lang ako ng jeep patungo sa bilihan ng mga appliances dito sa amin. Namili lang din ako ng ilang furnitures na kakailanganin din namin sa bahay, siguro’y saka na ako bibili ng iba pa kapag sumahod na ako.
Minsan minsan lang din kasing nagpapatulomg si Kath sa akin dahil sumisipag na ata ang gaga pero mayroon pa rin naman akong ilang kaklaseng nagpapagawa ng requirements nila kaya kumikita pa rin ako sa ekwela. Nag-iingat na nga lang ngayon dahil baka malaman ng school at siguradong patay ang scholarship ko.
Marami-rami rin naman akong nabili kaya lang ay wala pa ito sa kalahati ng mga kailangan namin sa bahay. Bumili lang mula ako nang mga talagang kakailanganin na namin ngayon tulad na lang ng lamesa at ng mga kailangan sa kitchen. Although baka sa umaga lang naman kami magluluto dahil halos anong oras na rin naman akong umuuwi, depende na lang siguro kay Mama.
“Sige po diyan na lanh.”sambit ko sa nagdeliver ng mga appliances ko. Hindi ko naman maiwasang mapanguso nang nilapag lang nila ‘yon sa may tapat ng bakuran namin. Well, ako pa ba ‘tong may ganang magreklamo gayong paghahatid lang naman talaga ang trabaho nila. Ni hindi na nga nila kailangan pang buhatin.
Napanguso na lang ako dahil sobrang dami no’n. Naglakad na ako patungo sa bakuran at hinanap ang susi namin dito sa bahay. Nakalimutan ko kasi ang susi ko.
“Anong ginagawa mo?”halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod.
“Pucha naman!”gulat na gulat kong saad. Tinawanan niya lang ako dahil do’n. Sinamaan ko ng tingin si Ino na siyang nililingon din ang hinahanap ko.
“Ano bang ginagawa mo diyan? Peste ka.”inis kong sambit sa kanya. Dumungaw naman siya sa kung saan nakatapat ang flashlight. Madilim na rin kasi at ngayon lang ako natapos mamili ng mga kailangan namin.
“Pinabibigay ng Mama ko.”sambit niya at inabot sa akin ang ginataang papaya. Hindi ko naman maiwasang matakam dahil paborito ko ito.
“Nako, salamat!”sambit ko at agad na kinuha ‘yon. Nakatingin lang siya sa akin at nanatili pa rin sa pwesto niya, hindi umaalis.
“Ano?”tanong ko.
“Yung platito.”sambit niya naman kaya inirapan ko na lang siya. Sus, para namang hindi isasauli.
“Alam mo ba, may kapitbahay kami—“bago pa niya matuloy ang pagkukwento’y pinutol ko na siya.
“Pakisilip nga bulsa ko.”sabi ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya.
“Baka nariyan ang paki ko.”natatawa kong saad kaya inirapan niya ako pero nagpatuloy pa rin sa pagkukwento.
“Ito na nga, may kapitbahay kami, naglalagay siya ng susi sa halaman, tapos one time hinahanap niya..”pabitin niyang kwento.
“Tapos? Anong nangyari?”tanong ko.
“Tapos ‘yon, nasa kamay ko na.”sabi niya’t tinaas ang susi ng bahay namin. Agad kong inagaw ‘yon sa kanya.
“May lahi ka bang magnanakaw o ano?”kunot noong tanong ko sa kanya.
“Aba’t kung magnanakaw ako’y kanina ko pa ginawa.”sabi niya na naiiling sa akin.
“Pero kung magnanakaw talaga ako’y laking tuwa ko, instant nakaw kung sakali.”sarkastikong saad niya tila ba binabalaan akong huwag maglagay ng susi sa halamanan namin.
Inirapan ko na lang siya at binuksan ang bahay namin. Papasok na ako sa loob ng magsalita siya.
“Hindi mo man lang ba ako iinvite?”tanong niya.
“Kapal muks talaga..”pabulong kong saad.
“Pasok ka.”sambit ko. Kusa na lang umikot ang mga mata ko ng magsalita nanaman siya.
“Paano na lang kung masamang tao pala ako, instant patay kung sakali.”saad pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Alam mo, manahimik ka na nga lang, susuntukin na kita e.”inis long sambit sa kanya na siyang inirapan lang din niya.
Iniwan ko na siya roon sa sala dahil wala rin naman siyang mananakaw pa dito sa bahay namin kung sakali, kakalipat lang kaya namin. Nang bumalik ako roon para isauli na ang platito’y, prente lang siyang nakaupo sa gilid.
“Oh, salamat sa mama mo, pakisabi.”sambit ko na iniabot sa kanya ang platito.
“Sa akin hindi ka magpapasalamat?”tanong niya.
“Shoo, layas na.”para lang akong nagbubugaw ng aso kaya naman na natawa siya sa akin. Kasabay ko rin naman siyang lumabas ng bahay namin dahil marami pa akong bubuhatin sa labas, baka mamaya’y manakaw pa ito kung iiwanan ko lang do’n.
Bumalik naman na siya sa bahay nila habang binubuhat ko na ang ilang gamit namin papasok sa loob.
“Kailangan mo ng tulong?”tangina..
“Ano ba?! Papatayin mo ba ako sa nerbiyos, hinayupak ka.”galit kong sambit kay Ino dahil hindi ko man lang narinig ang yapak nito at talagang tinapat niya pa sa tenga ko no’ng magtanong siya. Agad naman siyang napatawa dahil sa naging reaksiyon ko.
“Ako na nga ‘tong nagmamagandang loob.”sabi niya pa ng natatawa. Napairap na lang ako.
“Baka mamaya’y una pang mabali ‘yang buto mo kaysa sa bubuhatin.”sambit ko sa kanya. Agad naman siyang napahawak sa kanyang dibdib.
“Ouch..”sambit niya niya at tumawa pa na tila ba inaasar lang ako. Sakto lang naman kasi talaga ang katawan nito. Hindi mataba at hindi rin naman sobrang payat, mayroon lang siyang flat stomach na walang abs. Bakit ba pati katawan nito’y pinakikialaman ko pa?