Chapter 18

2104 Words
Chapter 18 Ailey’s POV “Sissy, wake up na, we need to work out.”ramdam ko pa ang paghila sa akin ni Rest. “Everest! Ayaw ko.”sambit ko at nagtalukbong pa ulit sa comforter. Ang sarap sarap ng higa ko tapos gusto pa nila akong hilain sa work out thingy nila when the thing is hindi naman talaga ako nagwowork out sa mga gym o ano. Maliban sa wala akong pera, wala rin akong oras para gawin ‘yon. “Rest, ready set go—“bago pa nila magawa ang pinaplano nila’y agad akong napatayo. “Pucha naman.”reklamo ko sa kanila. Agad naman silang napahagalpak ng tawa dahil alam nilang isa sa kahinaan ko’y ang kiliti sa tagiliran, sa leeg, tenga, kili kili at maski sa may leeg. Alam nilang malakas ang kiliti ko sa katawan. “Ginagamit niyo ang kahinaan ko, langya.”reklamo ko kaya napatawa silang parehas. “Come on, Ley, magbihis ka na!”sabi ni Rest na tinulak pa ako patungo sa banyo. Nakaayos na kasi ito. Nang matapos akong magbihis ay antok na antok pa rin ako habang nakasunod sa kanila habang silang dalawa’y hyper na hyper na. “Hi, Ailey.”inangat ko naman ang mukha nang makita si Van na siyang kasama na namin naglalakad ngayon patungo sa gym dito sa private resort. Tipid ko lang siyang nginitian. Nilingon naman ako ni Rest, parang gusto pa niya akong senyasan na lapitan pa itong si Van ngunit napanguso na lang siyang nag-iwas ng tingin. “Ang pretty no? Woke up like this.”natatawang saad ni Dani kaya agad ko siyang kinurot. Kahit kailan ay ang daldal talaga ng hinayupak. “She’s always been pretty.”nakangiting saad ni Van. Sa sobrang dami kong ex ay hindi ko na gustong dagdagan ka ‘yon. Well, siguro’y dahil may iba na akong gusto ngayon. “Thank you, Van.”sabi ko na lang at tipid na ngumiti, nauna pa akong naglakad patungo sa gym. Nakasunod naman sina Rest sa akin, parang may gusto talagang sabihin ngunit she can’t bring herself to talk about something. Hinayaan ko na lang at hindi na nag-isip pa ng kung ano. Sasabihin naman nito ‘yon kung gusto niya talaga. Imbis na mag-exercise ay natatawa na lang akong pinapanood sila na gusto pa akong hilain patungo sa mga equipment. “Sissy, nagpunta ka ba dito para manood lang sa amin, mag-exercise ka naman!”sabi sa akin ni Dani. “Gaga, nagpunta ako rito dahil sinabi niyo. Saka nagpunta ako rito para magpacute lang.”natatawa kong saad kaya inirapan nila akong parehas. Well, sakto lang naman kasi ang katawan ko dahil naeexercise naman kasi ako sa pagtakbo takbo sa mga part time job ko. Ikaw ba namang tatakbo hanggang sa kung saan para lang makahabol ng jeep at tric. Mas gusto kong managinip sa kama kaysa magjogging sa labas. Nilabas ko na lang ang phone ko na hindi ko nagamit kahapon dahil abalang abala ako sa pakikipag-usap sa aking mga kaibigan at halos pagkarating namin ay kung saan saan na kami nagtungo nina Rest. Ang dami dami pa nilang pinakilala sa akin na mga models, nakakahiya namang humarap ako sa phone ko kaysa sa kanila. Napatingin naman ako sa phone nang makitang may text galing kay Ino ro’n. Agad naman akong napangiti dahil dito. Hindi naman ako makareply dahil wala naman akong panginternational load. Inopen ko na lang ang data ko at do’n sinagot ang text niya. Hindi ko kasi nasabi sa kanya na magtutungo akong new york dahil biglaan lang naman. Kahapon pa ang text nito. Ailey Cabrera: Hi, good evening! Nandito me sa new york today. Hehe. Ang ganda.. ko. AHAGSGSHAJAHAAHAHA Agad naman akong napanguso nang makitang sineen niya rin ‘yon agad. Naghintay pa ako nang ilang minuto dahik hindi siya nagreply. “Hoy, halika na rito, Sissy.”sabi sa akin nina Dani. Dalawang beses ko pang tinitigan ang phone ko bago ako napabuntong hininga at pinatay na ‘yon. Nag-exercise na lang ako ng mga basic. “I can help you, Ley.”sabi ni Van dahil medyo abala ang ilang gym instructor sa mga model. Nilingon naman ako ni Rest, aangal na sana siya ngunit ngumiti na lang ako kay Van at tumango. Ayaw ko rin namang istorbohin sina Rest dahil nakisabit lang naman dito sa new york. Napapangiti na lang din ako minsan kay Van, mabait kasi ito at maraming kwento which is ayos lang naman sa akon dahi gustong gusto ko ng madaldal na tao, although huwag naman sanang sobra. “Let’s have breakfast na, Sissy.”yaya nina Rest. Nagpaalam naman na kami kay Van na siyang ngumiti lang at tumango. “Girl, ayaw mo ba talaga roon? Ang fafa kaya no’n, Sissy! Ang hawt my ghad, crush ko rin ‘yon e.”sabi ni Dani kaya napatawa ako sa kanya. “Alam mo ikaw, lahat naman ata nang may abs at malalaking katawan ay gusto mo!”sabi ko sa kanya. “Grabe ka naman, anong tingin mo sa akin maharot pero oo naman, Sissy.”natatawa niya pang saad kaya natawa na lang kami sa kanya ni Rest. Alas nueve na rin halos nang matapos kami maggym. Nagtungo lang kami sa resto rito sa private resort. Hindi ko naman maiwasang mapanguso habang pinagmamasdan ang resto, ramdam ko na agad na malaki ang magagastos dito. Parang ayaw ko tuloy biglang kumain. “Te, ano pang hinihintay mo? Pasko?”tanong ni Dani sa akin kaya kusa na lang umikot ang mga mata ko sa kanya. Naglakad na lang din ako papasok. No choice din naman ako dahil wala naman akong baon. Medyo nakahinga pa ako ng maluwag nang sabihin nilang kasama naman na raw ‘to sa expenses ng pagiging model nilang dalawa. Noon ay gusto lang talagang manood nood ni Dani kaya lang ay may itsura naman talaga ito kaya why not. Nagsimula naman na kaming kumain at kwentuhan lang ng kung ano ano. Nang matapos ay nagpaalam muna akong magccr dahil hindi ko na talaga mapigilan. Sinilip ko na rin ang phone ko na seen pa rin ni Ino ang nakikita. Napakibit na lang ako ng balikat, baka busy, alam ko namang ang dami dami ring pinagkakaabalahan no’n sa buhay. Habang palabas ay naririnig ko ang bulungan nina Rest at Dani. “We should tell her, dapat lang na alam niya ‘yon.”sabi ni Rest. “Girl, ngayon lang ‘yan nagkagusto ng ganito.”saad naman ni Dani. “’Yon na nga e, ngayon lang siya nagkagusto pero Ino doesn’t deserve it!”reklamo ni Rest. Napalingon ako sa profile na binibisita ni Rest. “Look, they are really dating, Celly won’y lie, Sissy, you know her, noon pa man ay may boyfriend na siyang tinatago, ‘di ba?”tanong pa ni Rest. Kita ko naman sa video na ‘yon si Ino na siyang may kasamang babae sa sumunod naman ay magkasama silang nagdidinner, halos lahat ng post do’n ay kasama si Ino. Sa caption pa lang ay mapaalam na this na talaga. Napatitig naman ako sa recent post ni Celly na may caption na.. “Dinner with bae” then my heart emoticon pa. Napangisi na lang ako ng mapait. Nakita ko naman ang pagsenyas ni Dani kay Rest nang makita niya ako. “Ano ba ‘yang nginunguso mo diyan, Sissy, you look like a snail na tuloy.”natatawa pang saad ni Rest sa kanya. “Kanina ka pa diyan, Ley?”tanong ni Dani nang hindi pa rin nagegets ni Rest ang sinasabi niya. Agad namang nataranta si Rest at agad na tinabi ang phone niya. Alanganin naman ‘tong ngumiti nang mapatingin sa akin. “Kanina ka pa?”kita ko ang pag-aalinlangan sa kanya. “Oo, Sis, si Celly? Kumusta na pala siya?”nakangiti ko pang tanong. “So you saw it?”taning niya pa. “’Yan ba tinatago mo simula no’ng nakaraan?”natatawa kong tanong sa kanya. “Sus, huwag kang mag-alala sa akin, Girl, hindi pa naman ganoon kalalim saka wala naman talaga sa isipan kong magkaroon ng relasiyon kay Ino.”sabi ko pa at ngumiti sa kanya. Sinungaling. Hindi malalim mo mukha mo. “Sorry, ikukwento ko naman na talaga sa’yo now.”sabi niya na hindi alam ang gagawin. “Ayos lang, Sissy, wala lang naman ‘yan, magkaibigan lang naman talaga kami ni Ino, walang kahit na ano. Gusto ko siya pero alam ko namang malabo rin ma magustuhan ako no’n.”natatawa ko na lang na saad. I know Celly, kaibigan siya ni Everest, medyo close din talaga sila dahil parehas silang mahilig sa pagmomodel, naalala kong nagkukwento siya no’ng 2nd year college kami na may boyfriend siya pero dahil nagboboom na ang career niya at bawal sa agency nito ang pagboboyfriend, naging tago raw ang relasiyon nilang dalawa. Hindi ko nga lang alam na si Ino pala ang boyfriend nito. Well, hindi naman kailangan lahat ay alam ko. Napakibit na lang ako ng balikat kahit na alam kong nasasaktan din ako. “Ayos ka lang ba, Sis?”tanong nila sa akin. “Oo naman, Sissy, para kayong ewan.”natatawa kong saad sa kanila. Naglakad na kami ni Rest pabalik sa kwarto namin para magbihis ulit. Ramdam ko ang tingin niya sa akin na tinawanan ko na lang. Dami ko ng pinagdaanan sa buhay, masasaktan pa ba ako sa ganito? “Are you sure you’re fine?”tanong ni Rest. “I’ll ask Celly again if they are really together.”sabi niya pa sa akin na siyang tinawanan ko lang. “Alam mo, Everest, tumigil ka nga diyan, ayos nga lang, parang tanga ‘to.”natatawa kong saad sa kanya na siyang ikinanguso niya. Nag-ayos lang kami sandali dahil may rehearsal pa sila sa paggaganapan ng event. Nang makaayos ay sabay lang din kaming lumabas. Agad kaming binati ng ilang models nang makarating kami sa pagganapan ng event. Ngiti lang naman ang binalik ko sa kanila habang nanatili na akong nakaupo lang sa isang gilid. Paminsan minsan ay tinutulungan sa kung ano sina Rest at Dani. Nangalumbaba lang ako habang pinapanood sila. Habang nakaupo’y naglalakbay lang ang utak ko sa kung saan. Hindi ko maiwasang mapalingon sa phone ko nang makita ko na wala na talagang reply galing kay Ino. Talagang hindi ‘to magrereply gayong kanina’y magkasama sila no’nh girlfriend niya. Bakit nga ba hindi ko naisip ‘yon? Saka bakit ba apektado ako ngayon? Ano naman kung girlfriend siya? Wala na dapat sa akin ‘yon. Hindi naman siya nangako sa akin o ano. Kahit ayaw kong maging apektado’y para naman akong pinaglalaruan ng utak ko. “Hey, lalim naman niyan.”nakangiting saad ni Van. “Van, do you really like me?”tanong ko sa kanya. Kung ako pa ‘tong si Ley na sumusubok pa na makahanap ng true love sa mga mayayaman baka idate ko ito ngayon. “Yeah.”nakangiti niyang saad. “I’m sorry but I’m not really interested.”sambit ko at tipid siyang nginitian bago ako tumayo at nagtungo sa kung saan. “Oh? Basted ka, Van?!”natatawang tanong ng ilang kaibigan niya. Tahimik lang naman akong naupo sa isang tabi. Atleast sinubukan kong agapan, alam kong hindi ko kayang suklian lalo ma ngayon. “Binasted mo?”tanong sa akin ni Rest na siyang kumukuha ng tubig sa tabi ko. Nagkibit na lang ako ng balikat dahil do’n. “Hay nako, Girl, kaysa nagmumukmok ka diyan, call Ino, ask him kung sila nga ba talaga.”sabi sa akin ni Dani. “Gaga ka ba? Bakit ko naman itatanong, wala namang kami!”sambit ko sa kanya. “’Yon na nga ‘te, walang kayo kaya huwag kang magdrama diyan.”masungit niyang saad sa akin. Napairap na lang ako dahil do’n dahil tama rin naman talaga siya na wala naman talaga kami ni Ino. “Sissy, kung gusto mo naman talaga siya, go for it.”sabi ni Dani na umupo sa katapat kong upuan. “Saka hindi pa naman sigurado ‘yon e, sinabi lang ni Celly pero how about Ino? Halata namang may gusto rin ‘yon sa’yo!”natatawa niyang saad kaya napangiwi na lang ako. Hindi ko alam kung pinapagaan lang ba niya ang loob ko o ano. “I don’t care. Gusto ko siya but I don’t really like to date him.”sambit ko. “Make up your mind first.”sabi ni Dani at tinapik ako bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD