Chapter 23
Ailey’s POV
“Yes!”nakangiti kong saad habang nakikipag-up here kay Ino. Parehas naman kaming nakangiti habang nakatingin sa application form na sinend namin sa big company sa abroad. Kakagraduate lang naman at ito kami ngayon, nag-apply na para sa trabaho sa ibang bansa at pati na rin sa manila maski sa ibang kumpanya.
Napangiti naman ako habang nakasandal sa kanya at nakatingin lang sa kalangitan. Malapit na naming matupad ang pangarap naming dalawa. Kaunting kaunti na lang talaga.
“You think na tayo pa rin kaya—“hindi ko pa natatapos ang itatanong ng nilingon niya na ako at tinignan pa ng masama.
“Stop with your nonsense.”sambit niya kaya napanguso na lang ako para pigilan ang ngiti. Well, I should stop thinking about the future, although I know he’s the only one for me.
“Pasok na tayo, maaga ka pa sa café bukas.”sabi niya sa akin at nginitian ako. Nakangiti lang din naman akong tumango, hinalikan ako nito sa noo bago kami pumasok sa loob ng mga bahay namin.
Payapa naman akong nakatulog no’ng araw na ‘yon. Nang magising ay lumabas na rin ng bahay, pansamantalang sa café muna ako habang hinihintay ko pa ang mga sagot sa pinag-apply-an ko.
“Good morning, love!”napangiti na lang ako kay Ino nang makita ko itong papalapit na sa akin.
“Good morning! Akala ko ba’y tutungo ka sa erpat mo ngayon?”hindi ko maiwasang itanong sa kanya.
“Yup, but before anything else, hatid muna kita.”sabi niya habang hinahawakan ang mga kamay ko.
“Hatid? Magsasayang ka lang ng pamasahe!”natatawa kong saad sa kanya, hindi naman na niya pinansin pa ‘yon at natatawa na lang na napairap sa akin. Napanguso na lang ako hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa café.
Nagpaalam na rin naman ito habang pakaway kaway na lang akong nakangiti.
“Nagiging kamukha mo na ‘yang boyfriend mo, Sis, para kayong pinagbiyak na buko.”natatawang saad sa akin ni Dani na kababa lang din sa kotse niya. Inirapan ko na lang siya.
“Halos araw araw ba naman silang magkasama, boss.”sabi naman ng isa sa mga katrabaho ko.
“Hay nako, maghanap na lang kasi kayo ng jowa niyo, hindi ‘yong nakikipuna kayo.”pabiro kong saad sa kanila na sabay sabay naman nilang inirapan. Napatawa na lang ako dahil do’n.
Ganoon lang din halos ang nangyari habang naghihintay kami ng tawag patungkol sa mga interviews at trabaho. Tinawagan naman na ako sa manila, pasado na raw. Ganoon din si Ino and now, we’re here waiting for the job abroad.
“1, 2, 3, go!”sabay naming saad at sabay naming inopen ang email na narecieve. Nakapasa kasi kami parehas sa ilang interviews at this is the final thing if we’re both qualified na sa company.
“Pasado!”excited na saad niya at niyakap ako ng mahigpit. I’m happy for him but at the same time hindi ko magawang mangiti dahil bago pa namin buksan ang mga email ay naopen ko na ang akin kanina pa. Hindi ako nakapasa..
I tried to smile really hard. Masaya naman ako but I can’t help but to wonder what will happen for the both of us? I can’t help but to be bittet kasi hanggang dito lang ang kaya ko.
“Congrats!”masaya kong saad at niyakap siya ng mahigpit ngunit napakunot ang noo ko nang makitang wala na ang excitement mula sa kanya.
“Ayaw ko na pala..”sabi niya at ngumiti sa akin.
“Huh?”tanong ko na pinagkunutan siya ng noo.
“Can we just stay here? Sa manila na lang tayo.”sabi niya at nginitian ako. He didn’t even ask kung pasado ba ako o ano. Alam na agad niya.
“You think I’ll exchange my career over you?”tanong ko na wala ng kangiti ngiti ang mukha mula sa akin. Ni hindi ko mabasa ang ekspresiyon ng kanyang mukha.
“How can you f*****g say that? I won’t ever exchange that opportunity over some stupid things.”I know he said that because of me. I know part of me wanted to be selfish. Gusto ko siyang ipagkait but no. I won’t even let anyone ruin him.. even myself..
“I—“ni hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.
“Papasok pa ako, maiwan na muna kita.”nakasimangot kong saad. Ayaw ng palalain pa.
“Ihahatid na kita.”nakasimangot niya ring sambit.
“Huwag n—“hindi naman niya at pinatapos at nauna pang naglakad sa akin. Napairap na lang ako dahil dito at sumunod na lang sa kanya.
Tahimik lang kami habang nasa tric, ni walang nagsasalita sa aming dalawa.
“You’ll go, right?”saad ko bago ako lumabas ng tric.
“Nah, I’ll stay here.”matigas na saad niya bago tuluyang umalis ang tric. Doble doble tuloy ang busangot sa mukha ko habang nasa café. Paanong nagdalawang isip pa siya para sa sobrang laking oportunidad na makukuha niya sa ibang bansa? Nakakainis!
Ni hindi ko makita ang sarili kong tumatanggi sa oportunidad na ‘yon. Maski siya’y kaya kong iwan para lang do’n so bakit ba kailangan niya pang magmatigas?
“Ano? Break na kayo ni Ino?”tanong sa akin ni Dani. Tinignan ko lang siya ng masama kaya natatawa naman niyang zinipper kunwari ang bunganga. Hindi ko magawang makipagbiruan sa kanya ngayon dahil dito.
“Ano? LQ ba?”natatawa niyang saad. Hindi ko na lang ito pinansin pa at inabala na lang ang sarili. I know he’ll take that eventually. Sa umpisa lang ‘yon. I know he’s happy but can’t even be happy just because of me.
Habang naglalakad sa bahay ay nakita kong nasa kanila si Ino. I won’t talk to him unless idederetso niya na ‘yang pag-iisip niya. Nagkatinginan kaming dalawa ngunit hindi ko siya pinansin ag diretso lang sa pagpasok sa loob ng bahay.
Pagkatapos kong maghalf bath ay nagpahinga lang ako sandali da kwarto. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa cellphone ko. Kanina pa ito tunog ng tunog. Si Ino. Sinagot ko naman ang tawag niya. Matinding katahimikan lang ang bumalot sa aming dalawa.
“What? Saka mo na ako kausapin kapag hindi na baluktot ‘yang utak mo.”sabi ko at pinatayan na siya ng tawag. Alam kong may sarili rin siyang pangarap and he can’t do that kung ganitong ang dali dali lang ng pagpipilian ay nahihirapan pa siya.
“Sus, kung alam ko lang baka isa ka ring hindi alam ang gagawin kapag ikaw na ang pinapili.”sabi sa akin nina Rest at Dolo mula sa tawag. Nasa new york na si Rest ngayon, pagkagraduate pa lang ay umalis na siya.
“Of course not. You know me—“sambit ko.
“’Yon nga e, kilalang kilala ka na namin. Naalala mo ba ‘yong sabi mong gustong gusto mong magtungo sa enchanted kingdom no’ng grade 6 tayo? ‘Yong isa nating teacher sinagot ang pangfield trip mo pero hindi ka dumalo dahil nagkasakit si Rest.”sabi ni Dolo na natatawa.
“Iba naman ‘yon—“hindi ko naman natapos ang sasabihin ng magsalita nanaman ang mga ito.
“Sus, ang dami dami kayang kasama sa bahay nina Rest, maski nurse at private doctor mayroon ‘yan!”sabi pa ni Dolo. Napatikhim na lang ako dahil do’n.
“Syempre, iba pa rin kapag nandoon ka! Ikaw din naman ahh!”sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
“Kitam?”natatawa niyang saad at napailing pa sa akin.
“Ayaw ko lang namang gumawa siya ng desisyon na pagsisisihan niya sa huli.”hindi ko mapigilang sambitin. Napatango naman sila sa akin dahil do’n. Kahit paano naman ay naging maayos din ang takbo ng usapan naming tatlo.
Ilang araw ang lumipas na hindi pa rin kami nag-uusap ni Ino. I’ll go to manila naman ngayon dahil kailangan pa rin pala ang last interview para sa malaking kumpanya na inapply-an ko. Nag-ayos lang ako at nagpaalam na kay Mama na aalis na.
“Hindi pa rin kayo nag-uusap ni Ino?”tanong niya sa akin. Napatikhim naman ako dahil do’n, paano’y halos araw araw na ata nitong tintanong, madalas kasi’y kausap niya talaga ang Mama ni Ino.
“Ma, updated na updated ahh.”natatawa kong saad at napailing na lang sa kanya.
“Huwag niyong pinatatagal ang pag-aaway niyong dalawa, nako.”sabi niya sa akin na siyang nginitian ko na lang.
“Opo, Ma.”sabi ko na lang at tumango. Lumabas naman na ako ng bahay kalaunan. Napatigil naman ako ng makita ko si Ino na siyang maagang nasa labas ng bahay nila. Ni hindi naman ‘to umalis sa kanyang kinatatayuan at ni hindi man lang nag-iwas ng tingin. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang seryosong seryoso ang mga matang nakatingin sa akin.
Hindi ko naman na siya pinansin pa, alam kong si Mama namaman ang nagsabi sa Mama niya kung saan ako ngayon. Tsk. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ngunit hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya nang mag-umpisa rin siyang maglakad. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay kaya kusa na lang akong napairap sa kanya bago ako nagpatuloy sa paglalakad sa sakayan ng tric. Sumakay din siya ngunit sa likod na ng tric dahil nilagay ko ang bag sa upuan. Aba’t mayroon pa namang upuan sa likod. Hindi na niya kailangan pang makitabi sa akin.
Tinignan niya lang ako ng matagal bago naglakad patungo sa upuan sa likod, wala ring nagawa. Akala ko kung saan na ito pupunta ngunit nakababa na ako sa bus statition ay hindi pa rin siya bumababa. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay ng abutan niya ako ng pagkain bago tuluyang umalis ang tric na sinasakyan naming dalawa kanina. Napanguso na lang ako para pigilan ang namumuong ngiti nang makasakay na sa bus. Isa siguro sa mamimiss ko ito kung sakaling tutungo na siya sa abroad.
Natulog lang ako buong byahe, may kaba sa akin habang patungo sa kumpanyang papasukan ko. Nang makarating do’n ay naging maayos naman at nakasagot naman ako ng maayos dahil do’n.
“Ms. Cabrera, welcome to financing team.”nakangiting saad sa akin ng isang matandang babae. Mukhang lahat naman ng nandito sa last interview ay pasado na talaga.
“You can start next week.”saad nila sa akin. Bumyahe na rin naman ako pabalik ng manila pagkatapos kahit alam kong late na talaga akong makakauwi. Wala na rin naman kasi akong gagawin. Hindi ko pa maiwasang mapatingin sa cellphone ko nang bumaba na ako ng bus. Tumatawag si Ino sa akin. Minsan ay nagtetext pa rin siya ngunit hindi ko nirereply-an dahil hanggang ngayon ay nakikipagpatigasan pa rin siya.
“Hello?”tanong ko nang sagutin ang tawag. Hindi naman siya nagsalita kaya kusa na lang akong napairap.
“Ano, Ino?”tanong ko ngunit nagulat naman ako nang makita kong nasa may waiting shed siya dito sa babaan ng bus sa amin. Pinatay ko naman na ang tawag dahil sayang ang load lalo na’t hindi naman siya nagsasalita. Saka ano bang ginagawa ng hinayupak na ‘to dito? Aba’t gabing gabi na ahh. Baka mamaya’y mapagtrip-an siya ng mga adik sa kalsada!
“Anong ginagawa mo diyan? Ang lamok lamok dito.”hindi ko maiwasang mapasimangot sa kanya. Hindi naman siya nagsasalita habang papalapit sa akin.
“I’ll go, stop avoiding me.. I can’t do this.”sambit niya at niyakap ako ng mahigpit. Masaya ako. Masaya ako pero hindi ko maiwasang malungkot but no, I won’t be selfish.
“Bibigay din pala pinatagal pa.”natatawa kong saad sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nagtagal ang yakap namin dito sa waiting shed na akala mo naman ay ito na ang huli.
“Tara na, malamok dito.”sabi ko sa kanya.
“5 more mins.”sabi niya kaya napatawa ako sa kanya. Kanina pa ‘to tumatawad ng limang minuto. Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Ang yakap nitong nagdadala ng init sa malamig na gabi.
“Kanina pa ‘yang 5 mins mo!”sabi ko na natatawa sa kanya pero maski ako’y nakayakap lang din ng mahigpit dito.
“Ilang araw mo kaya akong hindi kinakausap. I don’t want to go there without you, I don’t want to lose sight of you but f**k-- I’m more than scared to lose you..”pabulong na saad niya bago ako hinalikan sa noo.