HINDI maalis ng mga tauhan ni Oli ang tingin nila rito habang nakaupo sila sa isang table roon kasama si Yna.
“ Bakit ba hindi mo nabanggit saakin na pupunta kayo rito? “ tingin nito kay Lay.
“ Sila yong sinasabi kong client ko kaya bakit ba kung umasta ka diyan parang sila pa yong may kasalanan sayo? Ikaw nga nagpunta rin rito nang walang permeso “ lingon rito ni Yna. Habang ang mga tauhan ni Oli ay nag-alala ritong nakatingin “ Kaya maaari ka nang umalis at ere-schedule mo na lang ang panggugulo mo “ pagpapatayo nito kay Oli para umalis na.
“E ma’am kung client niyo kami, e siya naman po ang boss namin “ napatingin naman agad rito si Yna “ Hindi po namin alam na nauna na po pala rito si sir “ sabi pa ng secretary nito.
“ Kaya naman pala top 1 entrepreneur kayo dahil talagang parepareho po sainyo lahat ng project, dapat nga po wala na kayo rito dahil kaya naman po namin sigurong kausapin si Ms. Alejandro para mapapayag na kunin ang shop niya as a venue for our photoshoot “ ani leader ng team ambassador habang nakatingin kay Yna.
“ kaya ba sir kinancel niyo po lahat ng appointment niyo ngayon dahil gusto niyong kayo mismo ang kumausap kay Ms. Alejandro? “ kitang kita naman ni Lay ang pagsapo ni Oli sa mukha niya bahagya. Dahil sa madaldal na tanong ng mga tauhan niya, na ngayon alam na ni Yna ang pagsisinungaling niyang free ito ngayong araw.
“ E akin naman ang company. so, I have right to decide kung magtatrabaho ako o hindi? “ paliwanag agad nitong si Oli dahil sa mga tingin ni Yna “ Kasi. . ano. . . ah! Kasalanan mo naman iyon dahil ililibre mo lang ako kung free ako. Yna sa dami ng trabaho ko baka tumanda na ako ay hindi mo pa rin ako nalilibre, diba? “ sabi nito agad dahil sa masasamang tingin rito ni Yna habang ang mga tauhan niya ay nagtataka. Kung bakit ganito ang mga kilos at pagsasalita ni Oli na para bang takot na takot ito kay Yna. Habang si Lay pinipigilan nitong matawa dahil hanggang ngayon ay takot pa rin si Oli kay Yna.
“ ano ka bata? High school pa rin para mag-isip nang ganyan? “ asar niyang sabi rito habang pinipigilan masigawan itong si Oli kaya ang mga tauhan nito ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Dahil walang nino man ang nangahas na magalit o suwayin ang gusto ni Oli ayon sa kaalaman nila. Kahit nga ang mommy nito ay hindi siya nakikinig at never siyang pinagalitan sa harap nila kaya hindi sila makapaniwala kung nangyayari ba talaga sa harap nila itong pagpapa-baby ni Oli sa mga kilos nito kay Yna.
“ Hindi naman iyon mahalaga____ “
“ Sir mahalaga po yon dahil big client or investor po yon para sa new launching product natin “ sabat agad ng secretary nito dahil talagang gusto niyang matuloy ang meeting na yon. At saka wala siyang alam sa kung ano ba talaga ang nangyayari pagkatapos maisip na hindi alam ni Oli ang appointment nito.
“ Can you just close your mouth! “ matatalim ritong lingon ni Oli at bago pa matakot ang secretary nito ay nakita nila ang pagbatok ni Yna kay Oli dahil sa masasama niyang tingin sa secretary. Napayuko ito at mabilis naman nilang tinakbo si Yna at nilayo kay Oli pagkatapos maisip ang maaari nitong gawin. Dahilan para magtaka si Yna habang si Lay ay pigil pigil nito ang tawa niya.
“ Ms. Alejandro bakit niyo naman po sinaktan si Sir? Hindi niyo alam ang puwedi niyang gawin “ bulong rito ng team ambassador leader.
“ Maliit pa ang shop mo, kaya kayang kaya itong burahin ni Sir sa mapa ng bansa natin kaya kalma lang po kayo. Nakakatakot magalit si Sir “ bulong pa ng secretary. At mabilis silang nagtago sa likod ni Yna nang lumingon rito si Oli.
“ Sabi na sayo Ms. Alejandro “ nanginginig pa ang boses nilang sabi rito “ Sige na, magsorry kana “ tapik pa nila ng mahina rito kaya hindi mapigilan ni Yna magtaka.
“ Sorry. . Oliver? “ sabi nito pagkatapos mapasunod ng dalawa nang hindi iyon napapansin dahil sa pamimilit at mga bulong nila rito sa likuran.
“ E kung ilibre mo na lang ako imbis na sabihin yan? “ pagbibiro na lang nito pagkatapos tumayo. Dahil alam niyang nadala lang si Yna sa dalawa kaya niya nasabi ang bagay na yon.
“ teka! Ano bang nangyayari sainyo? “ paglayo niya sa dalawa “ At ikaw, umalis kana at gawin ang kailangan mong gawin “ titig pa nito kay Oli “ Hindi na tayo high school kaya tigilan mo na ang mga kalokohan mo saakin. Okay? “ kumunot naman bigla ang noo nito sa sinabi ni Yna.
“ Iwan ko sayo, Yna “ asar niyang tingin rito habang ramdam mo sa boses niya ang lungkot. “ Ikaw nang bahala rito “ tingin nito kay Lay. At tumango naman ito bilang sagot.
“ Mr. Dan, halika na “ tawag nito sa secretary niyang lalake pero babae ang puso. Mabilis naman itong sumunod sa kanya habang nag-aalala dahil sa naging reaksyon nito sa sinabi ni Yna.
“ Sabihin mo lahat ng schedule ko “
“ Kanina pong 7AM may meeting sana kayo with our client para sa new launch product natin pero nakausap ko na po silang na re-shedule ang meeting since hindi po kayo available at dahil loyal po silang client natin kaya pumayag po sila and by tomorrow po ulit ang meeting niyo roon, same time for today schedule “ mahaba nitong paliwanag kung saan sa dulo ay para na itong nagrarap pagkatapos huminto ni Oli habang naiinip sa mga sasabihin pa niya.
“ 10AM po, meeting with the biggest investor of our project.
By 1PM, meeting with the new client that is interested with our new launching product.
3PM, meeting with the board members for finalization of the new launching product. And by 7PM together with the selected workers we will be having a party regarding with your award, Sir. “
“ Okay, but cancel the 7PM “
“ sir? Nakahanda na po kasi ang lahat____ “
“ Do not make me repeat what I already said. “ mababang tono nitong sabi pero ramdam mo rito ang bigat kaya ganon na lang ang pananahimik ni Dan( short for Dante) pagkatapos matakot.
SAMANTALA agad naman pinag-usapan nila Yna ang sadya rito ni Lay.
“ Wag mo naman sayangin ang pagpunta ko rito “ ani Lay pagkatapos mapansin ang pag-aalinlangan ni Yna sa business proposal nitong gamitin ang shop niya as photoshoot venue.
“ At saka Ms. Alejandro, marami namang mas malaki at naganda diyang shop kaya logically, ikaw din ang makikinabang rito dahil we can promote your shop by the photoshoot. Well, our company is one of the biggest and prosperous in our country. Malay mo pagnakita nang mga tao ang shop mo dayuhin ka nila rito. As I observed mukhang madalang ang tao rito “ sabi nang leader team ambassador pagkatapos pagmasdan ang shop ni Yna.
“ I’m not saying this to degrade but to practically explained “ dugtong nito agad bago pa ma-offend si Yna.
“ I got your point. But I’m okay with my shop. Actually, that’s the reason bakit ayaw kong gamitin niyong venue itong shop ko. Ayaw kong ma-expose ito dahil masaya akong kunti lang ang nagpupunta rito at tahimik ito “ ani Yna. Dahil ang totoo, kaya niya ito binili dahil mas nakakapag-isip siya nang maayos as a writer. Pakiramdam niya nagiging fresh ang isipan niya dahil sa mga flowers kapag nakikita ito.
“ Kung ganon, gawin mo na lang iyon for me. Ayaw ko nang malayong lugar dahil after nang photoshoot, flight ko agad para sa new project ko abroad “ ani Lay “ Kapag hindi ka pumayag, kukulitin din kita katulad nang ginagawa ni Oli. Dalawa na kami rito at kapag nagkataon na may nakapansin saakin paniguradong duduyogin ito ng mga tao. Sikat kaya ako “ may pagkayabang pa nitong tono.
“ Okay na. “ kunwarian nitong napipilitan pagkwan ngumiti din ito nang mapansin ang mga tingin rito ni Lay.
“ Puwedi ka nang umalis “ ani Lay sa team ambassador pagkatapos permahan ni Yna ang contract na pagpayag niya.
“ Sino kaya ang babaeng yan at mukhang close nila “ bulong pa nito pagkatapos lumabas.
“ Dapat galingan mo para matapos agad “ reklamo agad ni Yna pagkatapos abotan ng drinks si Lay.
“ Depende yon kay Oli “
“ Ano? “
“ Alam mo ba, nireject ni Oli ang plan na spring theme with flowers ang set up nang photoshoot dahil makaluma daw pero after kong sabihing, dito gagawin. Ina-approved niya. Kasi naman nababaliw pa ata yon sayo “
“ Naku! Tigilan niyo nga ako “
“ si Kuya Kevin. . hindi naman siya babalik pa kaya palayain mo na ang sarili mo “ natahimik naman ito sa biglang sinabi ni Lay.
“ why don’t you give him a chance? “ tukoy nito kay Oli “ Masyado na akong naaawa doon “ may pagbibiro nitong sabi pagkatapos mapansin ang pagseryoso ni Yna habang ang lulungkot nang mga mata.
“ Kung kaya kong bigyan siya nang chance. Edi, matagal ko nang ginawa pero ako pa rin ang 8 years old na si Yna sa tuwing naiisip ko si Binbin. . pakiramdam ko noon mababaliw ako kapag naiisip kong hindi ko na siya makikita pero tingnan mo, 7 years na ang lumipas. . marami nang nagbago pero maliban sa isang bagay, ang nararamdaaman ko “ hindi naman makapagsalita si Lay. Dahil kahit noon pa man kapag pagmamahal ni Yna kay Kevin ang usapan talagang matatalo ang lahat.
“ Okay na po. “ pagsang-ayon rito ni Lay dahil hindi na bago sa kanila anong klaseng pag-ibig ba ang mayron si Yna kay Kevin para hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ito. “ Pero namiss kita ha! “ ani Lay para ibahin ang usapan. Dahil talagang naglaho si Yna after nang G12 graduation nila. At natapos lang ang kwentohan nila nang dumating ang manager nito pagkatapos siyang sundoin.
***
“ Alam mo ba, ang dami kong pera ngayon “ napalingon naman si Yna kay Ricky habang nagbibilang nang pera.
“ Bakit may illegal business kana ba? “ masama naman itong lumingon sa kanya kaya tawang tawa ito pagkatapos makita ang mukha nitong nakakunot noo.
“ Alam mo kasi binenta ko yong mga picture ni Mr. Lay s***h top model sa mga kaklase kong fan na fan niya “
“ Litrato? “
“ Opo, nong birthday nang tagapagmana nang Aydin family marami akong nakuhang litrato sa kanya. Sa totoo lang, sikat talaga ang mga kaibigan mo dahil maging sila binili ang litarto nila. . maliban sayo ate “ may dissapointment pa sa boses niya “ Kung bakit kasi ayaw mo pang ilabas na ikaw ang writer sa mga librong kinababaliwan nila. Panigurado kung malalaman nilang ikaw iyon, kikita ako nang Malaki “ pang-iimagined pa niya “ Biroin mo, isang perma mo ibebenta ko din “ mukhang pera pa niyang lingon kay Yna.
“ kapag ikaw kinasohan nila sa private photos na kinuha mo ha “ pananakot niya pa rito.
“ Wag ka namang manakot ate “ lapit niya rito “ Kung sakali sasabihin kong kasabwat kita kaya baka hindi rin nila ako kasohan since kaibigan ka nila “
“ Bahala ka diyan “ ganon na lang ang pagpipigil nito nang tawa pagkatapos itong yumakap sa braso niya habang nagmamakaawa ritong nakatingin.
“ Yong maayos naman ang tingin sa kanila ang binenta ko “ kinakabahan pa nitong sabi.
“ Oo na. Binibiro lang kita pero wag ka talagang magbebenta nang pictures na against sa kanila. Okay? “ hindi naman mabilang ang tango ni Ricky habang nakahawak pa rin sa brasso niya.
“ Lumayo kana para kang tarsier diyan “ hila nito sa braso niya.
“ Alam mo ba tinatanong nila kung may litrato ako kay Oliver since lahat nang kaibigan niya ay may litrato ako at babayaran daw nila nang malaki. Dahil talagang sikat ang lalakeng iyon sa campus dahil sa mga achievement niya roon tapos sikat pa sa buong bansa natin nang parang artista dahil napakahusay niya sa lahat “ namamangha pa nitong sabi “ Pero kung mayron man akong litrato ate, hindi ko rin ibebenta dahil ako lang dapat nagmamay-ari sa idol ko “ pag-iisip pa nito kay Oli.
“ Rick, baka crush mo niyan si Oliver ha “
“ Aba! Hindi ko yan itatanggi! Kung papayag siyang maging jowa ako?! Handa akong maging babae “ pag-act pa nito nang babae kaya tawang tawa naman rito si Yna dahil sa pagbibiro niya. At naputol lang ito nang may tumawag ritong unknown number.
“ Yes? “
“ Kayo po ba si Ms. Leng? “ kinabahan naman ito sa pangalan na narinig niya dahil si Kevin lang naman ang tumatawag rito nang ganito.
“ Ma’am, nandito po si Mr. Luke sa bar namin at ang sabi po niya ay tawagan ko kayo kung sakaling malasing siya “ at mula rito ay naalis ang kabang naramdaman niya. Nang magsalitang muli ang tumawag sa kanya pagkatapos niyang manahimik dahil sa tinawag niya ritong pangalan.
“ Ma’am pakipuntahan na lang po siya rito “ sabi din nito agad at pinutol ang linya saka nagmessage kay Yna kung saan ang location.
“ Bakit ako? “ tanong pa nito pagkatapos abotin ang wallet niya “ At saka saan niya nakuha ang number ko? “ pag-iisip nito.
“ Bakit ate? “
“ Babalik din ako “ sabi lang nito at umalis.
HINDI nagtagal dumating ito sa isang bar na kinaroroonan ni Luke pero dahil private room ito kaya wala ka masyadong nakikitang tao.
“ Dumating ka “ tingin rito ni Luke habang ang pula nang tenga na halatang medyo lasing na.
“ oo, at bakit ba ako ang pinatawagan mo? “ pagkuha nito sa baso at bote saka nilayo kay Luke “ umuwi kana, saan ang address mo para maihatid kita “ pagkuha ni Yna sa phone nito.
“ Gusto ko nang kausap “ natigilan naman siya sa sinabi ni Luke “ Nakainom lang ako pero hindi ako lasing “ dugtong pa niya pero ang totoo lasing na talaga siya.
“ Alam mo ba, naiinis ako “ panimula nito “ Si daddy araw araw na lang bukambibig ang award ni Oli at ang new launching product nito. At naiinis ako doon dahil wala naman akong pakialam, Leng. Sa katunayan masaya pa ako dahil napakagaling nang kaibigan ko kaya lang. . nakakainis dahil ang gusto ni daddy katulad ko siya!! “ pagtaas nito sa boses niya habang naiinis “ Leng, magkaiba naman kami diba? Ako si Oli tapos siya si Luke. . “ lasing nitong sabi. Pagkwan tumawa ito “ PANGARAP KO YON, ACTUALLY! siya si Luke tapos ako si Oli! Grabe!! Napaka saya!!! “ ngiti pa nito pero mamaya napalitan nang lungkot ang boses niya.
“ wala akong makausap tungkol rito dahil nakakahiya at walang makakaitindi pero alam mo ba Leng. Nong High school tayo gusto ko talagang lumipat sa section mo kaso nandoon siya at baka ipagcompare na naman kami ni Daddy. Tapos naalala mo ba yong sa Mr. Cupid, nanalo ako doon diba? Natalo ko siya pero ang totoo, nanalo ako dahil wala siya. . pinuntahan ka niya kaya nanalo ako. Kaya nakakaawa na naman ako diba? “ lasing pa niyang tingin kay Yna pero makikita mo ang bigat at lungkot sa boses at mga mata niya.
“ Pero alam mo ba Leng. . alam mo ba. . . . sobrang saya ko nong nalaman kong gusto ka niya tapos gusto din kita. E kasi, nauna ako manligaw sayo eh kaya pakiramdam ko natalo ko siya. Kaya lang si Kuya Kevin naman ang gusto mo kaya pareho kaming talo pero dahil hindi ka naman magagawa pang mahalin ni Kuya kaya ako pa rin ang mananalo saamin “ ngiti nito “ Dahil ang sabi mo kung may magugustohan kang iba maliban kay Kuya, ako na lang iyon “ natigilan naman si Yna pagkatapos maisip na naaalala pa ito ni Luke at masyado pa silang bata noon. Hindi naiitindihan kung ano ang buhay at totoong pag-ibig.
“ Naalala mo pa ba yon? “
“ Lasing kana “ sabi lang rito ni Yna. Pagkwan sumandaal ito sa sofa na kinauupuan niya.
“ Leng. . hanggang ngayon gusto pa rin kita. At si Oli at Kuya Kevin nakaraan na sila dahil paniguradong hindi kana nila naaalala pero ako, gusto pa rin kita “ pagpikit nito saka tuloyang bumagsak.
“ Sandali. . Luke! Oiii! Luke!! Saan ka nakatira? “ yugyog pa niya rito sa ulo pagkwan dumilat ito.
“ Leng!! “ ngiti pa niya saka pumikit muli.
“ Nakakainis naman. Bakit ba pitong taon na ang lumipas pero yong perweso ko sa mga ito nong High school ay ganon pa rin. Ano ito walang story o character development? “ kuha nito sa phone ni Luke at hinanap rito ang number ni Luna pero maliban sa kanya wala nang nakaphonebook rito at puro unknown number ang log call niya kaya ganon na lang ang inis nito.
“ Naku! Naman “ tingin pa nito kay Luke pagkwan naisip nito ang wallet nito pero wala din itong laman maliban sa maliit nitong cash at mga card. Pagkwan naisip nito si Lay pero hindi ito makasagot. Hanggang sa tinawagan nito si April para sabihan si Nico since wala siyang number rito pero out of town ito for business.
“ Kung si Keir maabala pa ang pamilya niya at yong cute kong inaanak “ pag-iisip nito “ Kung ganon si Oli na lang kahit siya pa ang dahilan bakit ito naglasing “ pagtawag nitong muli kay April para sabihan si Nico na sabihan si Oli na puntahan ito.
“ Partner, number ni Oli 093022*****, busy daw ang line, hindi sumasagot pero tawagan mo lang baka daw makasagot din. May gagawin daw kasi si Nico kaya hindi niya matatawagan ulit. Pasensya na daw partner “ text rito ni April.
“ Sumagot ka, Oli “ sabi nito saka pinindot ang number nito at isang ring pa lang ay nasaagot na niya ito “ Nagsisinungaling ba si Nico? “ pag-iisip pa niya.
“ Nagsisisi ka ba at hindi mo ako nilabas kanina kaya ngaayon gusto mong lumabas tayo? “ mahangin agad nitong bungad sa linya kay Yna.
“ At bakit alam mong ako ito? “
“ Nakita ko sa contract na penermahan mo sa team ambassador ko pagkatapos ipasa saakin ni Mr. Dan. Napakaswerte mo Talaga dahil kahit sa busy schedule ko ay naiisali kong magphone book nang number mo___ “
“ Tumahimik kana nga “ pagpapatahimik nito kay Oli sa kabilang linya kung saan ramdam mo sa boses niya ang excitement habang kausap si Yna “ At saka bakit ba hindi mo sinagot si Nico at hinintay mo pang tawagan kita? Tsssst! Sayang tuloy ang load ko “ reklamo pa niya.
“ Aanhin ko naman si Nico. Mabuti na lang hindi ko sinagot at nakausap kita “
“ tama na. Oliver. “ napipikon nitong sabi at tawang tawa naman sa kabilang linya si Oli. Halatang kilig na kilig sa kausap niya.
“ Puntahan mo rito si Luke “ at mula sa malalakas niyang tawa ay natahimik ito sa sinabi ni Yna.
“ ano ulit yon? “
“ Si Luke, lasing, kaya puntahan mo rito “
“ saan? “ agad naman rito sinabi ni Yna “ Teka nga! Bakit ba magkasama kayo? “ mararamdaman mo ang selos sa tono nang boses niya na para bang may Karapatan.
“ hindi, tinawagan lang ako at hindi ko alam kung saan siya dadalhin dahil hindi ko naman alam saan siya nakatira kaya tinawagan ko kayo baka alam niyo since kaibigan niyo “ ani Yna.
“ sige na, iwan mo na siya at papunta na ako. “
“ Hihintayion na lang kita dahil wala siyang kasama “ ani Yna. At mula rito pinutol niya ang linya at habang hinihintay nila si Oli ay hindi maiwasang tingnan ni Yna si Luke habang nakakunot nang noo saka hahawak sa neck tie niya.
“ Ano ba ang gusto nitong mangyari? “ panonood niya pa rito pagkwan napansin niya ang pilit na paghila ni Luke sa tie nito sa leeg kung saan gusto niya itong alisin.
“ Baka hindi siya makahinga nang maayos? “ pagtayo nito at lumapit rito saka nito hinawakan ang tie ni Luke para alisin. Ngunit napalingon ito sa likuran niya nang may humawak sa kamay niya saka inalis sa pagkakahawak sa neck tie ni Luke.
“ ang sabi ko umalis kana at ako ang bahala sa kanya “ ani Oli habang nakakunot nang noo saka linayo si Yna kay Luke.
“ wala nga siyang kasama, Oli “
“ Private bar ito kaya walang papasok sa kanya rito “
“ Nag-aalala lang naman ako “
“ Hindi mo kailangan mag-alala dahil lasing lang siya at hindi siya mamamatay “ nagseselos pa nitong sabi pagkatapos makita ang pagtatangka ni Yna alisin ang tie nito.
“ Oliver! “ Hindi rito natutuwang sabi ni Yna dahil sa sinabi niyang “ mamamatay “.
“ Oo na, sorry pero bakit kasi hinahawakan mo pa? “ hawak nito sa tie ni Luke saka inalis rito “ Ako nang bahala sa kanya “ pagtanggal pa nito sa coat ni Luke.
“ Iwan ko ba sa lalakeng ito at naglasing na naman “ hindi naman nagsalita pa si Yna pagkatapos nang mga sinabi rito ni Luke bago tuloyang bumalagta dahil sa kalasingan.
“ Dadalhin ko siya sa condominium ni Lay dahil hindi ko rin alam ang bahay niya “ pagsisinungaling niya dahil katulad ni Luke alam niya ang pagitan sa mga magulang nila. At ayaw niyang magtungo ito sa bahay ni Luke at makita siya nang mga magulang nito at ganon din si Luke sa mommy niya. Kaya si Lay na lang ang gugulohin nila.
‘ Tara na “ lingon rito ni Oli pagkatapos alalayang tumayo si Luke. At nagtungo sila sa