PAGKARATING ni Oli ay sumalubong agad rito ang secretary niyang stress na stress sa sinabi rito ni Oli na e-cancel lahat nang appointment nito bukas.
" Do not speak any nonsense! " pag-una rito ni Oli pagkatapos mapansin ang mga tingin at gusto nitong sabihin.
" Kaya lang Sir kung ika-cancel natin ang meeting niyo bukas with the biggest investor paniguradong kukulangin tayo ng fund " mararamdaman mo sa boses nito ang takot at kaba habang nanginginig ito at medyo nauutal.
" I'm the CEO of this company and I know what I'm doing kaya tumahimik kana at gawin ang gusto kong mangyari! "
" Pero Sir____ " hindi na nito naituloy ang sasabihin niya nang maramdaman niya ang malalim na paghinga ni Oli senyales na naiinis na ito. Hanggang sa makarating sila sa office na pagmemeetingan nila ay hindi na nito nagawang magsalita.
" What takes you long? " tanong agad rito ng mommy niya, the president of the company. Habang magkasalubong ang kilay nitong nakatingin kay Oli pero parang hindi niya ito narinig. Pagkapasok niya ay nilapag nito ang phone niya sa table saka naupo para sa meeting ngayon.
" Okay, start the presentation " sabi nito agad ng maupo. Mabilis namang nagtungo ang leader ng Brand ambassador team para sa new launch product nila.
" since ang target natin with the product is all type of age and suitable for all season kaya naisip namin nang team ko, kailangan natin nang model na mahal nang lahat in our time " pagsasalita nang team presenter " Sice we are now in modern time where technology is the convenient tool for everything kaya naisip namin kailangan natin nang advertisement, promotion, and artist na magpapakita sa lahat kung gaano kaganda amg product natin. Like we can post it online with our different platform " masaya namang nakikinig ang lahat maliban kay Oli.
" Then, who's that model na sinasabi niyong minamahal ng lahat? " kakatapos lang magsalita ni Oli ay binuksan nang team presenter at pumasok mula rito si Lay kaya nakita naman nila ang pag-aliwalas ng mukha ni Oli.
" Ako nang bahalang magpromote at mag-advertise sa product niyo with this charisma " pagngiti nito saka kumindat kaya halos himatayin na sa kilig ang mga personnel ritong dalaga habang tuwang tuwa naman ang lahat.
" Okay na ang product natin, ang model, venue na lang for advertising " sabi ng mommy ni Oli pagkatapos ritong humalik ni Lay at tumabi rito.
" We'd planned already ma'am " proud pang sabi ng team brand ambassador " Naisip namin something it feels spring kasi ang spring symbolizes happiness at between siya ng summer at winter. And of course, ito lang din ang season na mayron tayo at para hindi siya bias kung pipili lang tayo sa dalawa, kaya we choose something gives spring vibes since ang product ay puwedi for all ages and season " paliwanag nito " Therefore, we planned to take the photoshoot for advertising and promotion sa isang garden as a venue "
" Garden? " tanong agad ni Oli dahilan para maalis ang mga ngiti nila dahil sa masusungit nitong tono habang nakakunot ng noo.
" Opo, bagay din po kasi iyon sa awra ni Mr. Lay at para po makuha natin ang spring vibes "
" Masyado na yan nagagamit sa mga photoshoot, hindi na yan bago sa mata ng mga tao kaya hindi yan papatok tulad ng iniisip niyo. And he's Lay, kaya bakit niyo inaalala ang magiging reaction niya sa setting or venue? He's a model for a reason kaya kahit anong setting ay babagay sa kanya " wala namang makapagsalita sa team.
" What's the plan B? "
" Naisip namin is gagawa tayo ng photoshoot sa lahat ng season at models of all ages from kid, adult_____ "
" Magastos yan masyado, hindi tayo puweding magsayang ng budget! " pagtayo nito " I'll give you until tommorow for the new presentation " masungit nitong sabi at lumingon kay Lay saka lumabas.
" Ako nang bahala diyan " ani Lay. Dahil ang totoo siya ang may idea nang garden venue nang maisip niya ang product na ila-launch nila Oli " Wag na kayong mag-aalala " pagngiti pa niya at sumunod kay Oli. Habang ang mommy nito hindi makapagsalita sa masusungit pa ring trato ni Oli sa mga tauhan nila. Kung kaya't halos buwan buwan ay nagpapalit sila ng mga tauhan.
" Hindi ako magtataka kung isang araw wala nang magtatrabaho saamin " nag-aalalang pag-iisip ng mommy niya pero alam naman niya ang pinanggagalingan ng galit ni Oli kaya nga hindi niya ito magawang sabihan.
" Kailan ka pa dumating? " tanong agad ni Oli nang makapasok sila ni Lay sa office niya. Busy na kasi sa career niya si Lay at kakagawa lang niya ng work abroad dahil international model na ito.
" Birthday nang inaanak ko " pagtukoy nito sa anak ni Megan at Keir " Ako nga na nasa malayo nagawang icancel ang trabaho para umattend doon tapos ikaw na nasa malapit hindi man lang nagawa " may pangguguilt niyang tingin rito " Napapressure ka ba sa title mo? " kuha nito sa natanggap na award ni Oli as rank 1 entrepreneur ng bansa " Kaya tutok na tutok kana sa trabaho? " balik niya rito saka naupo.
" Nandoon ang tropa lahat " tingin niya kay Oli " Kahit si Yna "dugtong pa niya.
" At alam mo bang may flower shop siyang malapit rito? "
" Alam ko dahil ang totoo, galing ako doon " nakita naman nito ang mapanlokong ngiti ni Lay kaya napangiti na lang din siya.
" Kung ganon bakit hindi mo inapprove ang plano nilang garden setting? " nanatili namang nakatingin rito si Oli " Alam mo kasi ako ang nakaisip nun kaya dapat tinanggap mo, swerte mo nga dahil tinanggap ko ito " mayabang pa nitong sabi na may pagbibiro " Kung alam mo lang malalaking company lang ang tinatanggap kong ipromote ang mga product nila "
" O bakit? Top. 1 entrepreneur ang kumuha sayo kaya malaking opportunity din iyon " mayabang din nitong sabi kaya bahagya na lang silang natawa.
" Pero dapat ka talagang magpasalamat saakin dahil kung galing ka doon kay Yna malamang naghahabol ka pa rin sa kanya hanggang ngayon "
" Para naman akong aso niyan " may pagbibiro nitong sabi.
" Mas malala ka pa nga doon " iling nito kay Oli " Ang akala ko pa naman isusurprise ko sayo. Tapos alam mo naman pala ang ganap ni Yna ngayon " ani Lay " Kaya pumayag kana dahil I'm planning gawin ang photoshoot sa shop niya kaya pumayag kana, chance din iyon na mapalapit ka sa kanyang muli____ " natigilan bigla itong si Lay ng tumabi rito si Oli.
" Bakit ngayon mo lang sinabi! Kailan ang photoshoot ngayon na ba? " excited pa nitong mga tanong " wait, I'll talk to them____ "
"Kalma ka " pagpigil rito ni Lay nang tumayo siya pagkatapos tumayo para sabihan ang mga workers niya " Masyado ka namang halata niyan, nakakahiya sa mga taong takot na takot sayo tapos ganyan ka lang pala mabaliw kay Yna " tawa pa ni Lay kaya natigilan din si Oli nang marealize ang naging reaction niya.
" Ako nang bahala sa lahat just approved their presentation "
" Okay " pagkwan nagpitch ito sa secretary niya at pumasok ito saka sinabi ritong okay na ang presentation kanina.
" Ang balita ko, kaka-resigned lang ng secretary mo and I think baka sumunod yang secretary mo ngayon " ani Lay pagkatapos lumabas ng secretary dahil sa utos rito ni Oli.
" It's not my fault! madaming naghahanap ng trabaho na mas magaling at masipag sa kanila kaya if they want to leave, then leave! "
" They don't, but you force them! " ani Lay " Bawasan mo nga yang kalupitan mo at saka ang secetary mo, grabe ang pag-aalala niya sa pagcancel mo sa mga appointment mo bukas " ani Lay " Narinig ko kayong nag-uusap kanina habang hinihintay kita rito " dugtong pa nito.
" I had my urgent to-do tomorrow "
" Mas special pa sa business mo? Pinagpalit mo nga ang birthday ng inaanak mo sa trabaho mo tapos bigla mong kinancel because of that? Anyway, nevermind but Oli, kailangan mo din makinig sa mga kasama mo " payo rito ni Lay at nakikinig naman ito pero nakikinig lang dahil wala naman siyang pakialam rito " Tanggapin mo nang ito na ang buhay mo kaya hindi mo kailangan isisisi sa mga taong nakakasama mo araw araw " sabi pa ni Lay.
" Talaga bang sa bawat pagkikita natin lelecturan mo ako? " naririnding tingin rito ni Oli " After my schedules today, lumabas tayo sabihan mo sila Nico baka available din sila " tumango naman rito si Lay.
KINABUKASAN nagtungo agad si Oli sa shop ni Yna habang naka-casual lang ito.
" Ang aga at nandito ka " masungit ritong salubong ni Yna.
" Maniningil ako nang libre mo " nakangiti pa niyang pagsunod kay Yna habang nag-aarrange ito ng flower.
" Baliw ka ba Oli? " nagtaka naman ito sa lingon rito ni Yna " Ganito kaaga magpapalibre ka? Sa tingin mo may bukas na nang ganitong oras? " pagbangga niya nang mahina rito para mapaurong ito.
" Edi! maghihintay ako rito, tapos kapag hindi na maaga ay ilibre mo ako " Pagkuha nito ng dustpan pagkatapos magwalis ni Yna.
" Haist! paano kayang nakuha mo ang award na yon? " pagtukoy nito sa entrepreneur award ni Oli " Kung umasta ka akala mo high school pa rin tayo " mga iling pa ni Yna habang hinuhusgahan ito sa mata.
" Ikaw lang naman ang nagbago pero ako, ako pa rin si Oli na naghihintay pa rin sayo "
" Hindi na ako ang batang si Yna kaya puwedi ba tigilan mo na yan? "
" Bahala ka nga! " pag-iwas niya rito pagkatapos maupo para hindi na matuloy ni Yna ang pagtatabuyan niya rito " Ang gusto ko lang naman ay ilibre mo ako dahil sinabi mong ililibre mo ako kung free ako. Tapos hindi naman pala totoo " pagtatampo pa niya rito pagkatapos niyang ipatong ang ulo nito sa table ng counter at bumusangot.
" Grabe! Oliver Fernandez hindi kana high school para umasta nang ganyan ah " natatawa ritong tingin ni Yna pagkatapos ritong ma-cute-an " Okay, tama naman na sinabi kong ililibre kita______ "
" Ganon naman pala eh. Kaya tara na! " pagsigla nitong muli at lumingon kay Yna.
" Kaso hindi ko na clear na kapag free tayo pareho. May ememeet akong client ngayon kaya hindi ako free "
" Masyado ka namang madaya diyan,Yna! " nakakunot noo niyang tingin rito habang nakabusangot.
" Iwan ko sayo. Bumalik kana sa tabaho mo at tigilan mo ako " pag-aarange ni Yna na siya namang pagsunod rito ni Oli. Hanggang sa naggloves na din ito habang tumutulong sa paggugupit sa mga flower at hindi nito maalis ang mga ngiti niya habang nakikita si Yna sa tabi niya.
" Kailan ba ang meeting mo with your client? " tanong nito habang pinagmamasdan si Yna " Sama ako? " pangungulit na naman niya.
" Ano namang gagawin mo doon? " pagkuha ni Yna sa nakapasong bulaklak na display para ilipat pero mabilis itong kinuha ni Oli. Ngunit sa bigat nito ay mahigpit itong yakap yakap ni Oli.
" Tuloy kayo!! " sigaw ni Yna pagkatapos bumukas ang pinto at tumunog ang bell senyales na may nag-open sa pinto or costumer.
" Saan ko ba ito ilalagay? " malakas na tanong ni Oli saka nagtungo kay Yna nang hindi ito sumagot pero pakiramdam niya tumigil bigla ang lahat nang makita niya ang mga taong nasa pinto.
" S*it " pagmumura nito sa isip niya. Habang titig na titig rito ang secretary niya at ang leader ng team brand ambassador. Kung saan nakatayo rin sa tabi nila si Lay na siyang nagsama sa mga ito. At sila din ang tinutukoy ni Yna na client niya.
" Sir? " hindi pa nila makapaniwalang tanong rito habang nanlalaki ang mata nila at nakatingin kay Oli. Na mukhang pagod habang may ilang dahon pa sa buhok niya at madumi ang damit nito dahil sa pasong buhat buhat niya.
" Halika, tulongan mo ako " takbo nang secretary nito sa paso at tinulongan naman ito ng brand ambassador leader at tinabi nila ang paso.
" shut up! " mahinang bulong nito kay Lay habang nakakaramdam ng hiya dahil sa pagpipigil nito ng tawa.