" Cuckoo bird, sigurado ka bang puwedi akong sumama? " excited pang paghahanap ni Ricky ng maisusuot.
" Alam mo, Rick " kuha ni Yna sa kaninang casual na damit na sinuot nito " Magsuot ka kung saan ka komportable dahil birthday lang iyon ni Archen " at binigay rito ang damit " Mas bagay mo yan " pagsuot ni Yna sa earings nito. At hindi nito mapigilang mapangiti habang nakikita ang excitement at kaba sa mukha ni Ricky. At pagkatapos nang pagbibihis nila ay nagtungo na silang birthday party ni Archen at sa may entrance pa lang sila kabang kaba na itong si Rick pagkatapos makita ang naglalakihang tao sa event.
" Basta ate kahit sino at ano puwedi kong kuhaan nang picture rito? " tanong pa ni Rick. Dahil course nito ay Bachelor of Arts in Photography kaya daladala nito ang camera niya at excited sa mga makukuhaan niya nang litrato.
" Oo pero echecheck din nila yan bago ka makauwi o makalabas rito kaya mag-ingat ka sa mga litratong kukunin mo " tumango naman ito. At pagkapasok nila ay nandito na lahat kaya hindi maalis ni Ricky ang ngiti sa labi niya pagkatapos makita ang mga kaibigan ni Yna.
" Ang mga kilalang tao at mayayaman sa bansa ang kaibigan ni cuckoo bird tapos ang international model na si Lay " mga kuha niya pa ng litrato sa kanila habang ang lapad ng ngiti at naalis lang iyon nang may makita siyang mukha sa frame nila Yna habang kinukuhaan sila ng litrato kaya binaba nito ang camera niya at tiningnan ang nakita nito sa camera. Ganon na lang ang asar niya nang masiguradong kasama nga ito nila Yna.
" Are you saying Kuya that this woman is Yna Leng? " mataray agad na tanong ni Luna nang makilala si Yna " Your high school crush? " tingin niya pa rito mula ulo hanggang paa. At tinawanan lang nila ito pagkatapos itong batokan ni Luke nang mahina.
" Hindi darating si Oli kaya lumubay kana saamin " ani Luke para lumayo sa kanila si Luna at masama naman itong lumingon sa kanya saka tumingin muli kay Yna pagkwan naglakad siya rito.
" I'm sorry nga pala sa mga sinabi ko sa shop dahil hindi ko naman alam na kaibigan ka ni Kuya "
" Okay lang iyon " ngiti ni Yna pagkwan dumako ang mata nito kay Ricky sa likod ni Yna.
" Ah, si Ricky " pakilala rito ni Yna sa kanila kaya ganon na lang ang pagbablush nito habang iniiwasang tumama ang mata nito kay Luna " Kasama ko sa apartment at parang kapatid na rin " ani Yna pagkatapos mabasa ang mga tanong sa mata nila.
" Hello po! Masaya po ako at nakita kayo sa personal " nakangiti pa niyang bati at magsasalita sana ang mga ito para e-welcome siya nang humarang si Luna kay Ricky.
" Ang feeling genius at heartthrob nang campus! "
" Ano ka ba! magkunwari kang hindi mo ako kilala dahil ayaw kong masira ang araw ko ah " mahina niyang sabi rito saka nilampasan at kinamayan sina Nico habang tuwang tuwa. At bago pa ito mapuntahan ni Luna at matarayan ay mabilis siyang nagpaalam sa lahat para maglibot libot sa event at iwasan si Luna. Dahilan para umalis din ito para asarin lang si Ricky dahil hindi nga ito magkasundo sa campus nang school.
" Kamusta kana, Yna? " tanong agad rito ni Luke " After Megan and Keir's wedding bigla kana namang nawala " dugtong pa niya.
" Ang tanong ay kung naghilom naba ang sugat o baka bigla ka na namang mawala " ani Lay.
" Hindi naman iyon maghihilom kung tatakbohan ni Yna " ani Keir habang nakayakap sa balikat ni Megan habang karga karga ang anak nila.
" Huwag na natin pag-usapan iyan dahil baka hindi pa okay doon si Yna " ani Megan pagkatapos makita ang biglang paglungkot nang mukha nito. Kung saan ang nangyari kay Kevin ang pinag-uusapan nila.
" Okay lang, pitong taon na ang lumipas kaya hindi ko na nga halos maalala ang mga nangyari " pagsisinungaling nito.
" Kung ganon kaya ba nandito kana ulit, malapit, at nakikita naming lahat ay hahayaan mo nang maging masaya ulit ang sarili mo? " ani Nico at mahina namang tumango si Yna.
" Masaya naman ako " pagbibiro pa nito kaya nagkaroon tuloy sa kanila nang tawanan. At natigil lang ito nang biglang may makihalubilo sa kanilang business men and women na invited sa party nang anak nila kaya lumayo si Yna at nagtungong banyo.
PAGBALIK nito ay wala na ang lahat sa kaninang pinag-uusapan nila. Kung saan si Megan at Keir ay kausap ang ilang malalaking taong nasa event nang anak nila. Habang si Nico at April ay masayang nag-uusap na para bang may sariling mundo, at si Lay at Luke na pinag-uumpokan nang mga babae.
" Lahat na nga nagbago na ang buhay " pagkwan nakita nito si Luna " Fiancee din pala siya ni Oli " bulong pa niya " Masaya na ang lahat, may pamilya, bubuo nang pamilya, at maraming nakapaligid sa kanilang tao na napapangiti at pinapangiti nila. Habang ako, hindi pa rin makaalis sa nakaraan. . kahit anong gawin ko hindi ako makaahon, pakiramdam ko habang tumatagal mas lumalalim ang kinalalagyan ko at kapag nagtagal baka hindi na ako makaahon____ "
" Hinahanap mo ba si Oli? " natigil naman sa pag-iisip si Yna sa biglang pagtatanong ni Luke pagkatapos hindi mapansing nagtungo ito sa kanya.
" Nasaan nga ba siya? "
" Nasa business trip, workaholic na yon " makahulogan nitong sabi " Nakikita mo naman siguro sa internet kung sino ba si Oli sa bansa natin? " tumango naman si Yna. Napansin naman nito ang bagabag sa tingin ni Luke pero bago pa siya makapagtanong ay ngumiti ito sa kanya.
" Busy din naman ako " sabi nito agad na may pagbibiro " Kaya nga hindi na ulit ako nakapunta sa shop mo, galing ako doon noong gabing bumili roon si Luna kaya lang close na tapos bigla akong nagkaroon nang business trip sa cebu at kahapon pa lang ang pagbalik ko " paliwanag nito " Pero hindi na ako nagtungo sayo dahil alam kong pupunta ka rito at nakita nga kita " masaya pang sabi ni Luke.
"Busy na nga tayong lahat na para bang araw araw na lang natin hinahabol ang oras " may pagbibiro nitong sabi.
" Wala ka namang boypren Yna? " napatingin naman ito kay Luke sa bigla nitong tanong pero tumingin lang din ito sa kanya.
" Alam mo Luke puwedi mong makalimotan ang mukha nang tao pero hindi ang puso mo " makahulogan nitong sabi habang naiisip si Kevin.
" Nakakainggit talaga yang pagmamahal mo kay Kuya " tapik niya rito sa ulo nang mahina.
" Pero. . Yna namiss talaga kita "
" Halos lahat naman tayo dahil matagal na ang huling pagkikita natin " inosente pa niyang ngiti.
" sinungaling. . ayaw mo ngang magpakita saamin " pagbibiro pa ni Luke.
" Ang akala ko kasi mababawasan ang nararamdaman ko sa mga nangyari kung lalayo ako kaya lang habang tumatagal pakiramdam ko mas nalulunod ako at naiisip na hindi na talaga babalik sa dati ang lahat. . alam mo Luke hindi naman talaga ang memories ang masakit kundi ang katotohanang hindi mo na makikita ang tao sa oras na iwan ka " makahulogan nitong sabi. Hindi naman nagsalita pa si Luke pagkatapos maramdaman ang lungkot sa boses ni Yna at mapagtantong hindi pa rin nawawala ang sugat ritong iniwan ni Kevin. Mula rito, lumapit sa kanila sina April at sandaliang bumalik ang lahat sa high school life dahil sa mga kwentohan nila.
KINABUKASAN hindi maiwasang kabahan ni Yna nang mapansin na naman ang sinasabi niyang taong nakawinter jacket at face mask sa labas nang shop niya. Habang naninilip sa commercial doors nang kanyang shop na para bang ayaw niyang makilala siya nito. Dahil sa pangamba niya ay tumawag ito nang polis at hindi nagtagal dumating ang mga ito. Nakita naman niya ang pagpupumiglas nang sinasabi niyang nakawinter jacket habang hawak hawak ito nang mga polis kaya mabilis siyang lumabas para makita ito.
" Ma'am dadalhin na po namin ito sa police station at magfile ka lang po nang kaso kung may iba pa siyang ginawa sainyo " tumango naman si Yna at tinitigan itong nakawinter jacket at face mask.
" Wag na po kayong matakot ma'am dahil marami na talagang ganito sa panahon ngayon, karamihan gimik lang at kung minsan may masama talagang plano tulad nang baka nagmamanman saka gagawa nang masama " paliwanag pa ng polis " Pero wag po kayong matakot ma'am dahil hindi mo na po ito makikita rito " pagpapagaan nila sa nararamdaman ni yna. Ganon naman ang pagtataka nila nang alisin ni Yna ang pagkakahawak nila sa sinasabi niyang nakawinter jacket na lalake.
" Pasensya na po officer pero kapatid ko lang po pala ito " pagsisinungaling ni Yna habang nahihiya " Gimik na naman po niya ito " tumingin naman sa kanya ang mga polis. At hindi na sila nagsalita nang maisip nilang baka may kapansanan sa pag-iisip itong sinasabi ni Yna na kapatid niya kaya hindi na sila nagtanong pa.
" Sige, kung maaari bantayan mo para hindi nakakalabas nang bahay niyo " bilin nila rito " Mabuti na lang at ikaw ang ginulo niya at hindi ibang tao kaya hahayaan na lang namin rito "
" Maraming salamat po! " ani Yna at umalis naman silang tahimik. Pagkwan lumingon si Yna sa sinasabi niyang kapatid niya saka ito nagTip toe para maabot ang kapote nang jacket nito at tinannggal. Napailing na lang ito nang tama nga ang iniisip niya sa taong ito.
" At sinong kapatid mo? Mas matangkad nga ako sayo tas sasabihin mong kapatid mo ako? " mga tanong nito agad habang naaasar " At saka paanong nakilala mong ako ito? Binalot ko na nga ang sarili ko nang mahigpit " ani Oli.
" Ang ingay mo, ano nga bang dahilan at nandito ka? " tanong lang niya rito saka naglakad sa loob nang shop niya at sumunod naman siya rito " Naka-winter jacket ka pa. Kung hindi kita kilala iisipin kong may sakit ka sa pag-iisip, napaka-init tapos nakasuot ka nang ganon " lingon niya rito pagkatapos maupo sa table sa shop niya at tumabi sa kanya ito.
" Oliver. . "
" Gusto lang kitang makita "
" Paano mo namang nalaman na nandito ako? "
" Yong flower na binigay ni Luna " naalala naman ni Yna ang pag-uusap nang dalawa sa cellphone.
" Ang fiancee mo? "
" Pangarap niya " suplado lang nitong sabi.
" Tssst! mayabang ka pa rin "
" Oo, at baliw sayo " hindi naman makapagsalita si Yna sa biglang sinabi ni Oli " Nandito ako para makita ka tapos sasabihin mong para akong nababaliw sa winter jacket at face mask na suot ko, wag mo lang akong makilala dahil alam kong magagalit ka kung gugulohin na naman kita "
" Alam mo naman pala___ "
" 7 years na akong naghihintay sayo, walang ginagawa, hindi ka hinahanap dahil iyon ang gusto mo pero sa tingin ko tadhana yong reason para magkita tayo rito dahil sa flower na binigay ni Luna "
" Gumawa ka pa rin nang paraan "
" Yna. . sa tingin mo kung hindi ako pupunta rito mag-uusap pa ba tayo? " tumingin lang rito si Yna " Napagkamalan na nga akong baliw dahil sa paninilip rito makita ka lang at hindi ako makilala dahil ayaw kong sabihin mong gumawa ako nang paraan " ani Oli.
" At saka ilang beses akong naglakad lakad malapit rito sa shop mo dahil nagbabakasali akong maglakad lakad ka rin at magka-banggan tayo bigla at isipin mong tadhana yon kaya lang. . wala, kaya naisip ko instead of waiting for our hearts to meet. Why I don't chase your heart? Ayaw ko nang maghintay, nababaliw ako " sabi nito agad habang nakatingin kay Yna.
" HOY! BAKIT NASA LABAS KA AT NAKAWINTER JACKET? " at dito lang narealize ni Oli na nasa isip niya lang ang scenario paano sasabihin kay Yna na gusto talaga niya itong makita.
" Gusto ko lang dahil malamig " pagsisinungaling nito.
" Pawis na pawis ka nga " pag-aabot rito ni Yna nang panyo.
" Ayaw kong makilala nang mga tao dahil sikat ako, kaya nakajacket ako "
" At bakit narito ka sa shop ko? "
" Bibili nang flower " ngiti pa niya. Ganon na lang ang sunod nito kay Yna nang sumunod ito at magtungo sa mga yellow flowers saka kumuha rito nang isa.
" Congratulations! " pagbibigay rito ni Yna at bumagsak naman sa floor si Oli sa biglang lingon rito ni Yna at sobrang lapit nila. kaya napakunot ito nang noo dahilan para tumayo agad si Oli.
" Salamat! " talikod nito at hindi naman mapigilang mapangiti ni Yna habang pinagmamasdana ang likod nito.
" Masaya ako at nakita kita " napalingon naman rito si Oli.
" Sabihin mo ulit " nagtataka namang tumingin rito si Yna " Namimiss mo ako kung ganon para sabihin yan "
" Baliw! kahapon nang pagkikita nang lahat sinabi din namin niyan sa bawat isa " ani Yna kaya sumungit naman ang mga tingin nito.
" Yna. . ngayong may shop ka rito ibig bang sabihin nun hindi kana magtatago? " bahagya namang tumango si Yna kaya ganon na lang ang ngiti ni Oli.
" Puwedi rin akong pumunta rito? "
" oo basta wag kang magwiwnter jacket dahil natakot talaga ako "
" I'm sorry. . hindi ko naisip " hawak pa rito ni Oli sa ulo kaya ganon naman ang titig rito ni Yna kaya marahan niyang binawi ang pagkakahawak niya rito.
" Ang sabi sa binasa kong book, mafa-fall ang babae kapag hinawakan mo ang babae sa buhok instead na sa kamay " pag-iisip pa niya dahil sa naging reaction ni Yna " Ipapasunog ko lahat nang copies nang book na yon " naiinis pa niyang pag-iisip.
" Wala ka bang gagawin niyan at nandito ka? " at kakatanong lang ni Yna nang tumunog ang phone nito pero pinutol lang ito ni Oli.
" Bakit mo pinutol? "
" Trabaho yon "
" Kaya nga, importante kung trabaho yon "
" Mula nang umapak ako sa kompanya halos oras oras nang may tawag ang phone ko, wala na nga akong pahinga " ngiti pa nito pero mababasa mo sa mga mata niya ang pagod sa sinabi niya.
" Kapag may free time ka, ilibre kita " ganon na lang ang pagtataka ni Yna nang tumingin rito si Oli habang nangingislap ang mata.
" Totoo yan? "
" Oo? " alanganin pa niyang sagot at mula rito ay tumayo si Oli.
" Kung ganon mas makikita na nga kita nang matagal " masaya pa niyang tingin kay Yna " I'm counting with that promise kaya kapag may free time ako, ililibre mo ako ha! " kinabahan naman si Yna sa sinabi ni Oli na para bang gusto nitong bawiin ang sinabi niya.
" sige, alis na ako " pagpapaalam niya. At mula sa loob nakita ni Yna ang pagkuha ni Oli sa cellphone niya at sinagot ang mga tawag rito nang secretary niya.
" Sir kanina pa naghihintay ang mga tao about sa meeting for the new launch product pero nasabi ko na pong mali-late lang po kayo dahil traffic po " sabi nang bago nitong secretary. At kagaya nang nabasa niyo kakagaling lang ni Oli sa business trip at inuna nitong dumaan kay Yna para lang makita ito.
" Good " tipid lang nitong sagot.
" Anyway, cancel all my appointment tomorrow "
"Sir? " hindi pa makapaniwalang tingin nang secretary nito sa cellphone niya para siguradohing si Oli ba talaga ang kausap niya. Dahil ang dahilan nang businee trip niya ay para kumuha nang malalaking investor sa company niya for his new lunch product at isa sa nakausap at napapayag niya rito ay ang international marketing nang bansa na bukas ang signing of contract nila na ngayon ay icacancel niya.
" Kaya lang Sir kung wala po yong signing of contract tommorow imposible pong magsuccess ang new product natin dahil po sa budget.
" Just follow my order! " putol nito sa linya.
" Ngayon naiitindihan ko na bakit walang tumatagl na secretary mula sa kanya dahil napakahirap niyang itindihin at nakakatakot dahil masyadong self-centered!! panggigil nito sa cellphone niya " Kung hindi siya makikipagkita sa investor, wala din kwenta ang meeting ngayon! " pag-iisip pa nito " At bankrupt na kaming lahat pati ako wala nang trabaho " pag-ooverthink pa niya " HINDIIII!!! LORD BAKA NAMAN PO MAY GUARDIAN ANGEL DIYAN FOR OUR BOSS NANG MAITINDIHAN NIYA KAMING LAHAT AT HINDI SARILI LANG NIYA ANG INIISIP NIYA !! " pag-umpog pa nito sa ulo niya sa mga papel na hawak hawak niya kaya ganon na lang ang awa nang mga taong nakatinginsa kanya sa loob nang company.
" Ilang araw pa lang niya kay Sir nasisiraan na siya nang bait "
" Kawawa naman " usapan pa ng lahat.
" Mukhang bago pp siya masanay ay mauuna muna siyang mawala sa sarili "
" Kawawa naman " bulongan pa nila.