Chapter 3

2293 Words
NANDITO Ngayon sa gitna nang klasada si Oli habang sunod sunod ang busina nito dahil sa traffic.Habang hindi ito mapakali sa kagustohan niyang makarating agad sa shop ni Yna. " Hoy! baliw ka ba?! Hindi mo ba nakikitang traffic tapos panay bosina ka pa? " sigaw rito nang driver sa kabilang sasakyan at ganon na lang ang asar nito nang isara ni Oli ang window nang sasakyan niya at bumusina ulit. " Bata pa ako ganito na ang high way sa Pilipinas! napaka walang kwenta!!! " mga busina pa nito hanggang sa makaalis siya roon at katulad kanina halos lumipad na ang sasakyan nito. Hindi nagtagal dumating ito sa shop at nakaramdam ito nang kaba ng maisip niyang makikita nito si Yna pagkwan tumingin ito sa salamin at inayos niya ang buhok niya. " Tara na, Oli " bulong pa nito at bumaba sa sasakyan saka hinanap nang mata ang shop rito nang flowers at napansin naman niya agad ito habang may karatola ritong flower shop. " Bakit? " tanong rito ni Ricky habang nakatingin si Oli sa shop ni Yna. Kung saan may kadiliman na rito banda dahil nakapatay na ang ilaw sa shop nila pagkatapos itong i-lock ni Ricky dahil nagsara na sila at nauna nang umuwi si Yna. " Bibili ka ba nang bulaklak? nagsara na kami kaya bukas na lang " ani Ricky pero tahimik pa rin itong si Oli kaya nagtaka tuloy ito " Sandali. . kilala mo ba ako? Alam mo kasi mahina ako sa mukha nang tao at saka medyo madilim rito kaya hindi kita makilala. Kung kilala mo ako sabihin mo na anong sadya mo? dahil uuwi na ako " ani Ricky at sinuot ang helmet niya pagkatapos ritong iwan ni Yna ang motor niya. Pagkwan tumingin ulit ito kay Oli nang hindi pa rin ito nagsasalita at gumagalaw " Ano bang problema nang lalakeng ito?" bulong pa niya. " Babae ka ba? " napababa naman agad si Ricky sa motor at kinuha ang selpon niya saka inilawan ang mukha niya habang nakahelmet pa rin " Lalake ako! nakikita mo? " asar niya pang sabi rito " Mukha ba akong bakla? " pag-ilaw niya rin rito at napasigaw ito saka bumagsak sa sahig nang makita ang mukha ni Oli. Pagkwan gumapang ito patungo kay Oli saka marahang tumayo at inilawan itong muli sa mukha saka ito nagscroll sa saves picture niya kung saan mga litrato ni Oli. Dahil nag-aaral nga ito sa previous school nila Yna at nakalagay doon ang mga achievemnt ni Oli sa campus kung saan ang pangako niya kay Yna noon na magiging top 1 ito sa buong campus. Idagdag mo pa rito ang bagong award ni Oli at ang kasikatan niya bilang pinakamagaling na batang business man sa bansa kung saan makikita mo sa ilang channel sa tv at mga advertisement. Kung kaya isa si Ricky sa kabataang humahanga kay Oli. " O-Oliver F-F-Fernandez? Totoo ba ito? " ilaw niya pa rito habang iniikotan " Panaginip ba ito? " pagpalo pa niya sa ulo niya para magising kung nananaginip ito at ganon na lang ang hawak niya sa isang kamay niya pagkatapos itong masaktan sa suot niyang helmet. " Yna Leng? " tanong rito ni Oli " Ikaw ba ang may-ari nitong shop? " tanong pa nito. " Oo. . . .ang ibig kong sabihin iyong ate ko " " Ate mo? " tanong pa niya. " Oo, siya ang may-ari nito pero kung bibili ka nang flower puwedi ko itong buksan para sayo " natataranta pang sabi ni Ricky saka tumalikod at nagtungo sa shop para buksan itong muli " Bibigyan kita nang malaking discount " sabi pa nito " Kahit walang discount rito ay bibigyan kita, alam mo kasi idol na idol kita " " Pero walang kapatid ang Yna na kilala ko " pag-iisip pa ni Oli " Sa bagay napakaraming magkakaparehong pangalan sa mundo " malulungkot pa nitong tingin sa shop pagkatapos maisip na kapangalan lang ito ni Yna. " Magkadugo ba kayo? " tanong pa ni Oli. " si Ate Yna? Hindi po pero kung ipapanganak akong muli ang gusto ko maging ate ko siya at kung hindi man kahit maging anak na lang niya " mga ngiti pa nito kung saan makikita mo rito ang pagmamahal niya kay Yna " Sandali kilala niyo ba siya? Wala pong kaibigan iyon e, busy sa pagsusulat, tapos madalas tulala____ ah! Oo, si ate April at ate Megan______ " " Sandali. . April at Megan? " paglapit rito ni Oli at hinawakan sa ulo si Ricky para mapatingin ito sa kanya para klarohin ang sinabi nito. Dahilan para tumitig rito si Ricky habang nakangiti at kinikilig sa mga hawak rito ni Oli. " Opo, kung ganon kilala niyo po siya? " tanong pa nito at marahan naman siyang binitawan ni Oli. " Hindi, ka-kaya dapat hindi mo mabanggit na nagtungo ako rito " " Po? matutuwa iyon kung malalaman niyang ang pinaka magaling na entrepreneur sa bansa ay nagtungo rito " proud pa nitong sabi " puwera na lang kung may dahilan kayo at sasabihin saakin bakit ayaw niyong malaman niyang nagtungo kayo rito " mapangusisa nitong tingin kay Oli. " Fan kita diba? kaya dapat sumunod ka sa gusto ko dahil fan lang kita! " titig rito ni Oli at tumitig din ito sa kanya pagkatapos tumayo nang tuwid. " masusunod po, kamahalan! " pag-bow pa nito kaya tumango na lang din si Oli para tumahimik lang ito pagkatapos nang kakulitan niyo. At dahil rito umuwi na siya habang hindi maalis ang mga ngiti sa labi niya. SAMANTALA pagkatapos nang family dinner nila Luke ay kinausap ito nang daddy niya pagkatapos niyang dumating galing sa shop ni Yna. Katulad ni Oli hindi niya rin ito inabotan roon. " Saan ka nanggaling? " pag-upo nang daddy niya at tinapon rito ang magazine na nilalaman si Oli " Imbis na atopagin mo at malagay rin diyan ay busy ka kung saan saan! " sermon agad rito nang daddy niya " Kung gusto mong matuwa ako sayo dapat mahigitan mo ang anak na yan ni Fernandez!! " " But you know that business is not my field! Ayaw kong maging katuad mo, ayaw ko nang kompetensya, gusto ko nang tahimik lang dad!! " " Doctor din ang gusto nang anak ni Fernandez pero bakit nagawa niyang magTop 1 bilang entrepreneur? Ikaw____! " pagpigil nito sa kamay niyang ibato kay Luke ang base sa table niya " Kung gusto mo talagang umalis sa kompanya, sige! total gagraduate naman si Luna kaya siya na ang papalit sayo pero kailangan mo pa rin maalis sa tuktok ang anak ni Fernandez, kailangan mong magrank 1 at hangga't hindi mo iyon nagagawa, hindi ka makakaalis sa kompanya " hindi naman makapagsalita si Luke " Tayo nga ang pinaka mayaman sa bansa pero hindi ako magugulat kung isang araw mawala tayo doon at mapalitan nang Fernandez. At hindi ko matatanggap iyon! namatay na nga ang lalakeng iyon tapos pangalawa pa rin ako sa kanya pagdating sa anak? " pagpipigil nito sa galit niya at natigilan ito nang tumayo si Luke at lumabas sa opisina nito sa bahay nila. Naiitindihan niya ang nararamdaman nang anak niya kung saan ang paggamit niya ritong talonin si Fernandez sa pagitan nang mga anak nila pagkatapos iyon hindi magawa mismo. " Kung hindi sana siya namatay, edi! wala nang kinalaman rito ang mga anak namin " pag-inom pa nito nang wine pagkatapos maisip ang kaibigan niyang namayapa na. SA MGA NAKALIPAS na araw hindi maiwasang mag-alala ni Yna dahil pakiramdam niya may palaging nakatingin sa kanya kaya hindi ito makafocus sa pagsusulat niya sa shop. At minsan may nakikita din siyang taong nakajacket nang winter kahit tirik na tirik ang araw na para bang nagtatago ito sa kanya. " Grabe! kung anong ikinaganda nang kwento mo ate, siya namang tortured sayo noh " pagtabi rito ni Ricky saka tumingin sa laptop nito habang nagta-type o nagsusulat si Yna " Kapag writer ba kailangan walang ginagawa sa buhay maliban sa pagsusulat? Para kang secret agent na nagtatago sa flower shop mo habang nagsusulat nang mga magagandang kwento " namamangha pa ritong tingin ni Luke. " At kung dadaldal ka, wala akong matatapos " hawak ni Yna sa ulo nito at tinulak para mapalayo sa kanya " Alam mo ba kinausap ako nang producer ko at gusto niyang gawing series itong isinusulat ko kaya lang kakabukas ko lang ng shop at ayaw kong pumunta at magstay sa kompanya niya " " Edi! ako muna po ang magbabantay sa shop at saka pagkakataon na yan ate para hindi lang sa libro madiscover ang talent mo kundi maging sa telebisyon" " Ang sabi may changes daw sa ilang kwento at dapat nandoon ako para ako mismo ang mag-edit kasama ang assistant writer at ayaw ko dahil wala akong gustong bagohin sa isinulat ko at parang hindi ko alam na gusto talaga nun ay magfull time work ako sa kanya " ani Yna habang tinatamad. " Alam mo parang alam ko ang gustong bagohin doon nang producer "ani Ricky habang nanghuhula ang mga tingin nito " Ang gusto nila, ang gawin mong bida ay ang antagonist at patayin ang protagonist mo dahil mas minahal nang reader ang antagonist mo dahil mas maganda naman kasi ang linyahan niya at mas cool siya, tama ba ako? " madaldal pang sabi ni Ricky. " Ganon na nga, at ayaw ko dahil hindi iyon ang gusto kong story " pagtiklop nito sa laptop niya. Mamaya lumingon ito kay Ricky kaya ganon na lang ang pagtataka niya sa tingin ni Yna. " Pero. . . Ricky wala ka bang napapansing kakaiba sa shop? " " Kakaiba? " tumango naman rito si Yna. " Pakiramdam ko palaging may nakatingin saakin at napapansin ko may tao palaging nakatayo sa labas nang shop tapos mawawala din bigla lalo na kapag nakita niyang nagtutungo ako sa kanya " " Hindi ko naman napapansin ate pero sa panahon natin hindi na nakakapagtaka kung may stalker po kayo baka po avid fan " "avid fan? hindi ko naman pinapalagay ang identity ko sa mga libro ko kaya kahit sumikat iyon ay walang makakaalam na ako ang may gawa kaya imposible ang sinasabi mo " ani Yna " Dapat siguro maglagay tayo nang CCTV sa shop " sumang-ayon naman rito si Ricky. "Kapag nakita ko yon masasaktan iyon. Basta ate, kapag ikaw lang nandoon at nakita mo tumawag ka ng polis " tumango naman rito si Yna pagkatapos din kilabotan at matakot nang maisip na baka may masama itong motibo. At naputol ang takotan nitong dalawa nang tumunog ang phone ni Yna kaya mabilis niya ito gng tiningnan. " You're invited to attend Archen Aydin, first birthday! " pagbasa nito sa invitation chat rito ni Megan kung saan birthday nang anak nila ni Keir. " Ano yan may boypren kana para ngumiti sa isang chat? " paninilip ni Ricky sa cellphone nito. " Tsismoso! si Megan " pagpapakitan niya rito sa invitation. " Aydin? Kung ganon ate ang top 2 wealthiest family sa bansa natin ay ang kaibigan niyo po, si Megan Aydin po ang kaibigan niyo? " tumango naman rito si Yna " Grabe! big time pala mga kaibigan mo lahat " namamangha pa nitong sabi pagkwan naisip nito si Oli at ang pangako niya rito kaya hindi niya ito mabanggit banggit kay Yna sa mga nakalipas na araw. " si Oliver Fernandez po kilala niyo po ba siya sa personal? " tanong bigla ni Ricky dahil curious talaga ito kung bakit kilala ni Oli si Yna. " Kakilala siguro. . . dahil isa lang naman kami sa school at sila ang pinaka sikat sa campus noon kaya kilala ko siya " ani Yna. " kakilala lang? sigurado ka ate? " makulit pa niyang tanong. " Oo, at bakit mo ba itinatanong? Hindi porket kaibigan ko si Megan ay kaibigan ko na lang din lahat nang mayaman at kilala rito sa bansa natin " pagtayo ni Yna at napansin naman ni Ricky ang biglang paglungkot ni Yna kaya ganon na lang ang pagtataka niya. " May relasyon kaya sila dati o ano bang mayron noon? kapag tinatanong ko si ate about sa buhay nito sa school noon ay bigla siyang nalulungkot. Hindi kaya may kinalaman doon si mister oliver dahil ang totoo, mag-ex sila dati? High school sweetheart tapos nagkahiwalay at kaya nandoon sa shop si Mr. Oliver e, dahil gusto niyang makita si ate. . ang long lost sweetheart niya? Ganon kaya iyon o may iba pang dahilan at nagpapalungkot kay ate? " pag-iisip ni Ricky habang sinusundan nang tingin si Yna. " Alam mo dalhin mo na rito sa apartment ang mga gamit mo dahil always ka namang nandito kaya dito kana lang din tumira " ani Yna para ibahin ang ambiance sa loob nang bahay pagkatapos nang mga pagtatanong ni Ricky na alam niyang kung hindi niya iibahin ay makakaisip ito nang panibagong tanong. " Naku! kunwari ka pa. Alam ko naman pong ang dahilan talaga bakit ka lumipat rito ay para saakin dahil naaawa ka saakin sa tuwing nagko-commute ako mula sa boarding house at school kaya dito ka tumira para hindi na ako mahirapan dahil malapit ito sa school " " ano ka special? " "Oo, mahal mo ako kaya ayaw mo akong maghirap " ani Ricky. Nasa abroad ang nanay ni Ricky dahil wala na ang tatay niya at nasa malayong probinsya ang mga kamag-anak niya. Nakapasok siya sa dating school nila Yna dahil katulad ni April napakatalino niya at nakakuha rito nang scholarship. " Kumain na nga lang tayo nang manahimik ka diyan! " ani Yna kaya ganon naman ang takbo rito ni Ricky at ngumiti saka naghanda nang pagkain nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD