Chapter 2

3050 Words
KINABUKASAN maagang gumising si Yna para sa pagbubukas nito sa flower shop business niya. " Hoy! cuckoo bird, gising ka naba? " agad naman binuksan ni Yna ang pinto dahil sa mga katok rito nang taong nasa labas. " At bakit nandito ka? " tanong agad nito kay Ricky. A third year college student, fan na fan nang kanyang pagiging manunulat dahil mahilig itong magbasa nang novel. Naging kapitbahay nila ito sa dating tinirahan nila nang ate niya. At magmula sa araw na yon, palagi na itong nakabuntot at nagsasama sama sa kanila dahil isa tong working student at dahil malapit agad ang loob rito ni Yna kaya tinutulongan niya din ito. " Ang sabi mo, kukunin mo akong Florists kaya nandito ako para samahan kang magbukas para buwenasin ka agad, I'll be your lucky charm today! " kindat pa nito kay Yna. " Dapat hindi kana umabsent dahil kaya ko naman " " Sa hapon lang po ako papasok, nagpaalam ako sa adviser namin na masakit ang tiyan ko at saka kahit naman umabsent ako walang makakaagaw sa pagiging rank 1 dean lister ko " mayabang pa nitong sabi dahil talagang matalino din siya. " Naku! masyado pang maaga para magyabang Rick at saka anong florist? Di nga ako sumagot o pumapayag " " Wala kang choice kundi pumayag noh! kaya tara na " Pagpasok nito at kinuha ang bag ni Yna para sa pagbubukas nito ngayong araw. " Kapag talaga minalas ang business ko ha! " ani Yna at sinuot ang helmet nito saka sumakay sa motorcycle or scooter nito " Dalian mo " pag-aabot niya rito sa helmet kay Ricky. " So kailan mo dudugtongan yong pinabasa mo saaking isinusulat mo ate cuckoo? " " Kapag hindi mo na ako tinatawag na cuckoo bird! " asar niyang sabi rito. " Palagi kitang nakikitang tulala tapos malalim ang iniisip at minsan umiiyak pa bigla kaya alam ko mayron ka pong hindi kinukwento saakin na paniguradong nakakalungkot " ani Ricky at huminto naman si Yna nang dumating sila sa flower shop nito. Dahil hindi naman ito malayo sa bago niyang apartment. " Bumaba kana nga at ang dami mo na namang dinadaldal, kalalakeng tao eh! " pagtatanggal nito nang helmet. " Partner!!! " napalingon naman ito sa boses na narinig niya at kay April ito habang nakatayo sa building nang shop niya. Dahil nakwento na niya ito kay April, kahit lumayo siya ay may kontak pa rin naman sila nang mga friends niya. " Bakit nandito ka? " paglapit rito ni Yna. " Anong bakit nandito ako? special ito sa araw mo kaya nandito ako " masaya niya pang sabi rito pagkwan dumako ang tingin ni April kay Ricky nang tumabi ito sa kanila. " Batang paslit, ayaw akong lubayan dahil nababaliw sa mga sinusulat ko " " Naku! napakayabang naman " mahinang sabi ni Ricky pero tama na ang pandinig nila para marinig iyon kaya bahagya silang napangiti " Magandang araw po ate April " bati nito agad at kilala nito si April at Megan dahil nakukwento ito sa kanya ni Yna " Ako po si Ricky ang pinaka gwapo at mabait na fan ni ate cuck__ ate Yna po " malapad nitong ngiti na bumagay sa cute nitong mga mata. " Kailangan ko pa bang magpakilala kung kilala mo naman ako? " may pagbibirong tingin rito ni April. " Nakukwento po kayo saakin ni ate Yna " at mula sa pag-uusap na ito ay naghanda na nga sila para sa pagbubukas nila kung saan sinimulan nila sa ribbon cutting at natigilan si Yna nang may ilang taong dumating at kabataan kung saan nakauniform pa ang mga ito nang katulad kay Ricky. " Anong ginagawa nang mga ito rito? " masamang lingon rito ni Yna habang iniisip na baka inaya sila ni Ricky na magskip sa klase para lang dito sa business niya. " Yang mga babae ay mahihilig sa flower at yang mga lalake naman ay may mga girlfriend kaya inimbitahan ko sila at wag kang mag-alala may pera ang mga yan kaya hindi sila basta bastang mababagsak dahil nababayaran naman ang school namin " pagpapagaan at dahilan nito kay Yna para hindi magalit sa kanya at ramdam mo rin ang dismaya sa boses niya dahil sa sinabi niya tungkol sa school nila. AT PAGKATAPOS nang opening nila ay naiwan na din mag-isa si Yna. Kinailangan bumalik ni April sa trabaho nito habang si Ricky ay pinilit niyang pumasok sa school. " Kamusta naman ang first day mo? " tanong rito nang ate niya kung saan nasa Jordan ito pagkatapos niyang magkaasawa nang foreigner at dito na sila nanirahan. " Sa tulong ni April at Ricky maraming tao ang pumunta at bumili na rin, ang sabi ni April maganda daw ang lugar ko " pagkukwento nito " tahimik rin rito, bihira mong maririnig ang mga sasakyan kaya madaling magfocus rito para magsulat " dugtong pa niya. " Basta kapag nagsawa kana diyan puwedi kang pumunta saakin ha " " Opo, wag kayong mag-alala nag-eenjoy po ako rito " sabi nito pero ramdam mo pa rin rito ang lungkot dahil ang totoo hindi pa rin nakakalimotan ni Yna si Kevin. " Sige muna ate may dumating po " pagputol nito sa linya at nagtungo sa pinto. Malalaman mo kapag may nagbukas nito dahil may bell ritong tutunog. " I've just noticed your shop today kahit palagi akong dumadaan rito " lingon rito nang babae, kung saan may matataray itong tingin na para bang minamaliit itong cute niyang shop habang umiikot ang mata nito sa loob. " Kakabukas ko lang kasi ngayon " " ma'am or miss " napatingin naman rito bigla si Yna pagkatapos magtaka sa sagot rito nang babae. " Well, ayaw ko nang paulit ulit but what I'm trying to say, you should address me either ma'am or miss " mataray nitong lingon kay Yna " I'm your costumer beside you are too lucky to have me today " hindi naman makapagsalita itong si Yna " why? don't you know me? " tanong pa nito kay Yna at ramdam mo naman sa mga tingin ni Yna rito ang asar. " Bakit ikaw, kilala mo din ako? " ngiti niya pa ritong plastic kaya napakunot naman nang noo ang babae. " Baliw ka ba? Alam mo kaya kong bilhin itong flower mo or even this whole shop " ikot pa nito nang may pagyayabang " actually, even you! " napahinga naman si Yna nang malalim sa ugali nang babaeng ito saka tumalikod bago pa ito mapatulan. " Kapag may napili kana sabihin mo lang saakin at kung wala naman, marunong ka naman pumasok mag-isa kaya marunong ka din sigurong lumabas mag-isa kaya pakiusap lumabas kana lang____ " natigilan si Yna nang marinig niyang magsalita itong kausap niya na halatang hindi nakikinig sa kanya. " Anong klaseng flower ba ang gusto mong bilhin ko sayo? " tanong nito pagkatapos tawagan ang kausap niya ngayon sa selpon. " Huwag mo nga akong tawagan nang dahil lang sa walang kwentang bagay! " putol nito sa linya at maglalakad sana si Yna nang marinig nito muling magsalita ang babae. " Oliver! " sigaw nito pagkatapos siyang babaan ni Oli nang linya " O bakit? Kilala mo siya? " masama nitong tingin kay Yna nang mapansin ang pakikinig niya " Well, malamang, siya kaya ang pinakasikat na entrepreneur sa bansa natin kaya sinong hindi nakakakilala sa kanya? Isa pa, babae ka kaya alam ko isa ka din sa nagpapantasyang mapansin but sorry, he's mine! I'm his fiancee " " Fiancee? " " Yes, I'm Luna Perez " " Perez? " tanong pa ni Yna. " Well, I know kilala mo din ako. Perez is one of the wealthiest family in our country, rank 1 wealthiest family kaya matuwa ka at nandito ako sa shop mo " Ngumiti naman rito si Yna sa kabila nang kamalditahan nito. " Kapatid ka ni Gideon? " " What? I mean how dare you to call my Kuya Luke as Gideon. Hindi nga ako pinapayagan dahil si mommy lang daw ang may karapatan " pagtataray nito " Kung fan ka ni Kuya, you should address him as Luke at hindi Gideon or else magagalit siya sayo " dugtong pa niya at ngumiti lang rito si Yna at hindi na binanggit kung paanong kilala niya si Luke. " Sige, nasa counter lang ako at sabihan mo lang ako kapag may napili ka " ngiti rito ni Yna para umiwas rito bago pa hindi makapagpigil at mapatulan bigla si Luna. Hindi naman napansin ni Yna ang pagsunod niya rito at mabilis nitong kinuha ang nakadisplay ni Yna na flower base sa counter. " I want this! " " Hindi yan binibenta, display lang yan " sabi nito agad at kukunin sana niya ito pero biglang nilapag ni Luna ang card niya. " Kunin mo na ang bayad ko diyan, I don't care how much it is. Basta I want this! " sabi pa nito dahil maayos naman ang pagkakadisplay rito at dahil kakabukas lang ni Yna kaya bago pa ito. " Sayo na lang " sabi nito para lang umalis agad si Luna habang pilit na kumakalma sa kakulitan nito. " Hindi ako namamalimos kaya kumuha kana sa pera ko " umikot naman si Yna at pumasok sa counter saka binaliwala si Luna. Napatingin ito sa bulaklak nang ilapag ni Luna at kumuha nang cash sa bag niya saka nilapag sa table nito at lumabas. " Grabe! kung anong ikinatahimik ni Luke, siya namang kinakulit nang kapatid niya " buntong hininga pa nito saka dumako ang mata nito sa pera ni Luna at napakunot ito nang noo pagkatapos maisip ang kausap nito kanina sa selpon. " Fiancee? si Oli ikakasal na din? ang cute naman " buntong hininga nito " Halos lahat sila unti unti na nilang nafufull fill ang living nila habang ako, naka-freeze pa rin ako, hindi makagalaw, at sa sobrang lamig pakiramdam ko hindi ako makahinga " malungkot nitong pag-iisip. " Ayon, tulala na naman ang babaeng ito! " pagpasok bigla ni Ricky dahil tapos na ang klase nito. Dumako naman agad ang mata nito sa pera " Ang dami niyan ah " "Kunin mo " tulak ni Yna rito sa pera " Ibayad mo sa school o kaya ibili mo nang mga damit para nakakapagpalit ka para magmukha kang mabango " pagbibiro pa nito. " Kahit ganito ako, hindi ako kumukuha nang bagay na hindi ko pinaghirapan " pagbibilang niya rito " Pero saan ba ito nanggaling? " pagfold niya rito saka pilit na inabot ang lagayan ni Yna nang pera at nilagay rito. " Galing sa batang maldetang pumasok rito____ " " Naku! wag mo na ako pinaparinig nang salitang maldeta dahil naiinis ako! Dahil nakita ko na naman ang maldetang babaeng iyon sa ibang section tsssst! ang yabang, ingot naman dahil nasa last section " at agad lumipad rito ang hawak ni Yna na ballpen pagkatapos nang sinabi niya. " Totoo naman kasi " reklamo pa nito. SAMANTALA pagkapasok ni Luna sa sasakyan ni Luke kung saan kanina pa naghihintay sa labas nang shop ni Yna. At nang makasakay si Luna ay agad inutosan ni Luke ang driver na umalis na sila. " Bakit ba ang tagal mo? Flower lang naman ang binili mo at saka mabuti may napili ka " ani Luke pagkatapos pagmasdan ang shop at maliit ito. " Maliit siya pero maraming maganda sa loob " nakangiti pa nitong pagmamasdan sa flower. " Bukas mo na yan dalhin kay Oli dahil may family dinner tayo " " Hindi puwedi, alam niyang bumili ako nang flower kaya alam kong nag-eexpect siya " " wag ka ngang delusional dahil hindi ka magugustohan nun " suplado ritong sabi ni Luke " Kinakausap ka lang nun dahil business partner ang family natin at alam niyang kapatid kita " " According to daddy kapag napa-ibig ko si Oli, ikakasal niya kami agad " excited pa nitong sabi habang nangingislap ang mata at nakangiti. Umiling lang rito si Luke habang hindi makapaniwala dahil fan din talaga ni Oli itong kapatid niya at namimis-interpret niya ito as love. " Dapat kasi dalawa tayong magbibigay nito as congratulating his success " natahimik naman ito nang umirap rito si Luke pero mamaya nagbuntong hininga ito at lumayo kay Luke nang kunti. " kung hindi lang kasi talonan si Daddy, edi! sana hindi nasira ang friendship niyo ni Oli___ " " Luna! " saway rito ni Luke habang nagsasalita. " Totoo naman, always number 2 si Daddy sa Daddy ni Oli tapos ngayon ang gusto niya ikaw naman ang gumawa sa role niya, ang maging number one entrepreneur pero dahil mas magaling din si Oli kaya katulad mo nang kapalaran si Daddy at naiinis ako dahil magkaribal si Daddy at Daddy ni Oli. Pero ikaw at si Oli ay matalik na magkaibigan, kaya dapat hinahayaan ka niya at wag idamay sa failure niya " masama pa nitong sabi at hindi naman ito pinansin ni Luke dahil madalas talagang dumaldal si Luna nang ganito dahil gusto nitong magpupunta pa rin si Luke kay Oli o ang madalas gawin nang tropa nila nong High School life nila. Ang gumimik at sumasama si Luna minsan kaya nga naiinis ito nong hindi na lumalabas ang grupo nila Oli. " Hihintayin kita rito sa baba at iakyat mo na yan kay Oli " ani Luke pagkatapos nilang dumating sa building nang company ni Oli. Mabilis namang sumunod rito si Luna at bumalik din ito agad dahil nasa meeting si Oli kaya napilitan itong iwan ang flower. " Nasa meeting siya kaya iniwan ko na lang " malungkot nitong sabi " Sayang ang cute pa naman nang flower, baka magustohan niya yon at gusto kong makita yon " malungkot nitong sabi " Lahat kasi nang ibinibigay ko ay hindi niya gusto " buntong hininga pa niya pagkwan tinapik ito ni Luke sa ulo para pagaanin ang nararamdaman nito. " Edi! bumili ka ulit at ibigay mo sa kanya ulit " " Ayaw ko! werdo ang babaeng iyon, yong may-ari sa shop " lingon nito sa Kuya niya " ayaw nga niyang ipabayad saakin yong flower, tapos tinatanong niya din si Oli dahil fan siya, at ikaw din " pagkukwento pa nito habang naiinis kay Yna " Alam mo anong malala, tinawag ka niyang Gideon " natigilan ito nang lumingon rito si Luke. " Can you describe her? " nagtataka naman itong tumingin sa kuya niya. Napagtanto naman niyang seryoso ito kaya mataman nitong inisip ang mukha ni Yna. "Hindi ko siya masyadong natitigan but she has an hooded eyes, button nose, cute heavy upper lip, and smooth hair, but she looks little bit sad " nakita naman nito ang mahinang tango nang kuya niya saka lumiwanag ang mukha nito " What? do you know her? " " I'm not sure " sabi lang nito " Manong bilisan niyo po baka kanina pa naghihintay sila mommy " ani Luke kaya tumahimik na din si Luna. Samantala pagkaraan nang ilang minuto natapos na din ang meeting ni Oli at pagbalik nito sa office niya nakita niya agad ang flower na dala ni Luna. " I already instruct not to put any dirty things in my table! " sermon agad nito sa secretary niya nang makapasok sila. " Kay ma'am Luna____ " " I'm not asking who give that damn unworthy thing! " masama niyang lingon rito kaya nataranta naman ito at tinakbo ang flower pero sa pagpapanic niya ay nabitiwan niya ito. At ganon na lang ang takot nang secretary nang kumalat ito sa sahig nang office ni Oli pagkatapos mabasag. " Linisin mo yan at itapon " mararamdaman mo sa boses nito ang inis dahil hindi naging maganda ang meeting niya at dumagdag pa ito " At isama mo na din ang sarili mo! " dahil sa sinabi niya, nasugatan ang secretary sa pagpupulot sa flower base at katulad sa dugo niyang dumaloy sa daliri niya ay siya ding pagdaloy nang luha niya pagkatapos mapagtantong nawalan siya nang trabaho. " GET OUT " malalim nitong sabi kung saan ramdam mo rito ang bigat at inis sa boses niya. Dahilan para hindi kana makapagsalita at sumunod na lang rito dahil sa takot na siyang ginawa nang secretary niya ngayon "STUPID " buntong hininga pa ni Oli nang makalabas ito pagkwan tumingin ito sa bulaklak. " Lahat na lang nagbibigay nang flower, masaya silang nakuha ko ang award pero ang totoo, wala namang totoo sa litseng mga bulaklak na yan! " sipa niya sa ilang basag nang flower base at isa rito ay bumaliktad at may nakasulat rito. " Leng's Flo. . .wer? " marahan niyang pag-upo para pulotin ang kapiraso nang base saka kinuha ang isa pa at ilan pang piraso saka ito pinagsama sama para makita ang buong sulat rito " Yna Leng's Flower Shop " pagbasa rito ni OLi at pakiramdam niya biglang dumaloy ang dugo niya at nagsimulang tumunog ang nasa loob nang dibdib niya, *dug, *dug, *dug mga t***k nang puso niya kaya mabilis itong tumayo at tinawagan si Luna. " Where did you bought this stupid___ I mean this flower? " tanong nito agad kaya napatingin naman si Luna sa selpon niya para tingnan kung number ba ni Oli o si Oli ba talaga ang nagsasalita sa kabilang linya. Ramdam niya kasi ang kagustohan nitong masagot ang tanong niya. " Why? " tanong na lang nito habang nagtataka. " Just answer my question! " paghablot nito sa susi nang sasakyan niya at naglakad palabas sa office niya para magtungo sa sasakyan niya habang nagmamadali " dalian mo! " utos pa niya rito at sinabi naman rito ni Luna kaya pinutol niya ang linya at mabilis na tumakbo. Ganon naman ang pagtataka ni Luna kung saan, nawawala din ang Kuya niya sa family dinner nila at alam niyang pumunta ito sa flower shop pagkatapos nang pagpapa-describe niya rito kay Yna. " Ano bang nangyayari? " pagtataka pa niya. At kung nagtataka si Luna sa ikinilos ni Oli ay lalong lalo na ang mga personnel nito sa company niya dahil sa mabilis niyang pagtakbo na akala mo mauubosan na nang oras sa pagmamadali niyang lumabas. Kung saan hindi na niya hinintay na pagbuksan ito nang security dahil siya na mismo ang nagbukas sa pinto palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD