AFTER 7 years:
" Congratulations Mr. Oliver for winning the rank 1 entrepreneur in our country! " bati nang mga reporter kay Kevin nang makalabas ito sa function hall after receiving his award. At hindi naman maalis ang mga ngiti sa labi niya at kompara dati napaka pormal nitong tingnan, halatang malayo na ang narating.
" How does it feel to be the top entrepreneur in our country as well as the youngest among your colleagues? " pag-uumpokan rito nang mga reporters.
" Well, honestly I didn't expect my award but I know myself that I did deserve this! And being the youngest doesn't mean you're not capable to do what ahead from you, can do! It's just the matters of how you do your job " sabi nito na alam mong mataas ang tiwala nito sa sarili niya kaya manghang mangha rito ang lahat dahil nakakamangha naman talaga ang galing niya.
" Mr. Oliver, do you have any advice to the future entrepreneur or the people who are admiring you? " tanong pa nila rito at sandali naman siyang tumahimik saka tumingin sa camera kung saan kanina ay napakailap nito sa pagkuha nila rito nang video.
" Well, if you want to achieve something? you need to find your reason why you need to do that! It can be something or someone "
" Ibig bang sabihin nito Sir may inspiration kayong tao o bagay? "
" Is it ang yumao niyong ama? " makulit pa nilang tanong.
" No, but apparently ayaw magpakita saakin nang tao na yon " ani Oli saka nito sinenyasan ang mga security na gusto nitong sumakay kaya naman agad nila itong inalalayan makasakay habang pinipigil ang makukulit na reporters.
" Saan tayo,Sir? " tanong agad rito nang driver niya nang makaupo ito.
" company " tipid lang nitong sagot saka tumingin sa labas.
I'm Oliver, the youngest and top entrepreneur in our country, sobrang laking trabaho talaga ang award na ito kaya nga hindi ako natutuwa. Ibig sabihin lang nun kailangan every year ako pa rin ang top 1 or else ecocompare nila ako at ayaw ko nang ganon. To be honest, hindi ko naman ito pinaghirapan ginagawa ko lang ang trabaho ko tapos natanggap ko na lang iyon. But, despite of this achievement and popularity na natatanggap ko, may isang tao akong hinihintay araw araw na baka isang araw pagtingin ko sa mga taong nasa paligid ko ay nandoon siya. Kaya lang alam kong malabo yon dahil mangyayari lang iyon kung ako ang maghahanap sa kanya para magkita kami pero ayaw kong mainis siya saakin kung sisirain ko ang pangako ko kaya hihintayin ko na lang ang araw na mangyari ang sinabi niya saakin.
7 years ago (Graduation Day)
" Magpicture tayong lahat " ani April nang makalabas silang gymnasium after nang G12 graduation nila.
" Akin na, kunan ko kayo " pagkuha ni Lena sa camera ni Luke at mabilis naman sila naglapit lapit para sa pagkuha nila nang litrato. Kung saan magkatabi si April at Nico, Megan and Kier, Lay at Yna saka si Luke pero bago pa mapindot ni Lena ang camera ay mabilis hinila ni Oli si Lay kaya napalayo ito kay Yna dahilan para palitan nito ang position niya at makatabi ito kaya naman sa gulat niya ay napalingon ito kay Lay saka tumingin kay Oli na siyang pagpindot ni Lena kaya sa litrato ngiting ngiti ang lahat habang nakatingin si Yna kay Oli at si Lay ay halatang humabol nang mga ngiti sa camera.
" Isa pa " ani Luke saka sumiksik pa kay Yna.
" Nga pala Partner, sigurado ka nabang magtatransfer ka na in college? " malungkot ritong tanong ni April at tumango naman siya bilang sagot.
" Hindi mo naman kailangan lumipat " tabi rito ni Oli pagkatapos nilang maiwan ni Yna nang magpicture picture sila Megan with their family.
" Kung dito lang ako at makakasama ko ang mga bagay na konektado kay Binbin paniguradong araw araw lang akong malulungkot kaya gusto kong lumayo at baka pagganon mabawasan ang lungkot na nadarama ko "
" Paano naman kami? " tumingin naman rito si Yna " Ang alam ko plano mong hindi na magpakita saamin " malungkot pa nitong sabi at bago pa makapagsalita si Yna ay nagsalita itong muli " Yna. . alam mong gusto kita hindi ba? " titig niya rito at bahagya namang umatras si Yna saka tumingin kay Oli.
" Alam mo namang si Binbin lang ang nag-iisang taong gusto ko kaya hindi mo dapat yan tinatanong saakin "
" Hindi ko naman siya papalitan sa buhay mo pero kahit isingit mo na lang ako, kahit pangalawa lang. . . talagang gusto kita "
" Sinasabi mo lang yan kasi iyan ang nararamdaman mo ngayon pero kapag lumipas ang taon at hindi mo na ako nakita paniguradong magbabago din yan " ngiti pa rito ni Yna " Sa dami nang nagkakagusto sayo Oli madali mo lang akong makakalimotan "
" Masyado mo naman akong minamaliit. . paano kung hindi magbago ang nararamdaman ko sayo magugustohan mo ba ako? " umiling naman rito si Yna.
" si Binbin lang ang lalakeng mamahalin ko "
" Naku! okay nga lang saakin kahit pangalawa lang ako kaya pumayag ka nang magustohan kita, wag kang marahas saakin " nakabusangot niya pang tingin rito " Pumayag kana Yna " pakikiusap niyang tingin rito.
" Saka mo yan sabihin saakin kapag lumipas ang taon na hindi mo ako nakita tas gusto mo pa rin ako at pag-iisipan ko "
" Kung ganon bibigyan mo ako nang chance? "
" Pag-iisipan ko nga at malalaman mo kung magkikita pa tayong muli "
" Magkikita tayo, sigurado yan! "
" Nang wala kang ginagawa " natanggal naman ang mga ngiti ni Oli sa sinabi ni Yna.
" Ano? "
" Oo, ang gusto ko hindi mo ako gugulohin tapos kung darating man ang panahon na magkikita tayo, doon ko sasabihin kung bibigyan pa kita nang pagkakataon "
" Grabe napaka daya mo " hindi niya makapaniwalang tingin rito " Alam mo Yna kung wala tayong gagawin sa mga gusto natin malabong mangyari iyon " pagtutol nito sa mga gustong mangyari ni Yna.
" Hindi naman kita pinipilit dahil ang totoo kahit ngayon kaya kong sagotin ang tanong mo at yon ay wala kang pag-asa____ "
" oo na, pumapayag ako basta wag ka din masyadong lalayo saakin dahil baka matagalan ang pagkocross nang landas natin " pagputol nito sa sasabihin ni Yna kung saan ipapamukha na naman ritong hindi siya nito magugustohan dahil kay Binbin pero hindi naman siya naiinis sa bagay na yon kundi naiinggit lang.
" Dahil natatakot kang baka hindi mo mapanindigan ang mga sinasabi mo ngayon? " pang-aasar rito ni Yna.
" Tssst! basta pagnagkita tayo nang hindi sinasadya bibigyan mo ako nang chance hindi ba? " hindi naman makasagot si Yna dahil si Kevin lang naman ang laman nang puso niya " Pumayag kana, pumapayag nga ako sa gusto mo kahit ang hirap nun saakin at saka naniniwala ka ba sa tadhana Yna? " tanong pa rito ni Oli dahil sa pagdadalawang isip ni Yna.
" Ang sabi nila kapag nakatadhana sayo ang isang bagay kahit anong gawin o iwas mo mangyayari at mangyayari iyon kaya ibig sabihin kapag nagkita tayong muli nang hindi sinasadya, ibig sabihin lang nun para ka talaga saakin kaya pumayag kana kasi kapag kinalaban mo diyos na ang kaharap mo nun at syempre ako, dahil pagnagkita tayong muli sa ayaw at gusto mo. . paiibigin kita hanggang sa hindi ako mawala sa isip mo at kusa na ang tumibok ang puso mo dahil saakin at hindi ka mbubuhay nang wala ako " nakita naman ni Oli ang bahagyang pagguhit nang mga ngiti sa labi ni Yna.
" Noong kasal lang ni Megan at Keir ang huling pagkikita namin at hindi daw iyon counted dahil pinag-usapan naman iyon na pupunta kaming lahat kaya kami nagkita " ani Oli habang nakatingin sa labas at hinihiling na makita si Yna " Nasaan kana ba at bakit ba hanggang ngayon hidi pa rin nagtatagpo ang landas natin? Talaga bang hindi tayo para sa isa't isa? Hanggang kailan ba ako maghihintay? " at napabuntong hininga na lang ito sa naisip niya.
" Kamusta ba ang bago mong apartment? Maganda ba? "
" Malapit siya sa workplace ko kaya okay na ito ate Lena " ani Yna habang nanonood nang balita sa TV at nakikita si Oli.
" Kailan nga ba ang pagbubukas mo sa flower shop mo? "
" Bukas po, kakalipat ko lang ngayon kaya napagod po ako at saka maganda bukas dahil maraming tao " ani Yna dahil ayon sa survey niya maraming dumadaan na mga estudyante rito.
" Mga estudyante naman ang dadaan at hindi sila ang target audience mo "
" At least Ate hindi ako mabobored kung walang dumalaw sa flower shop ko bukas dahil marami akong makikitang bata " sabi nito na may pagbibiro dahil inaasahan nitong walang pupunta sa flower shop niya bukas dahil bagong bukas pa lang ito.
" Naku! malas yan sa negosyo ang isiping wala kang mabebenta agad " pagbibiro pa nang ate niya kaya ganon na lang ang ngiti niya kahit sa telepono lang sila nag-uusap dahilan para biglang magkaroon sa kanila nang katahimikan. At dahil sa katahimikang ito, narinig nang ate niya ang pinapanood nitong balita.
" Kung ganon nakita mo rin? Napaka husay namang bata ni Oli hindi ba? "
" Opo, kahit naman po nong High school kami kaya lang tamad siya "
" Kung ganon possible magkita kita na ulit kayo at saka ang alam ko malapit ang location mo sa company niya " sabi pa nang ate niya.
" Siguro po ate " matamlay nitong sagot " Ah, sige ate dahil mag-aayos pa ako nang gamit " at mula rito naputol ang linya pagkwan pinagmasdan nito si Oli at bumalik rito ang huling napag-usapan nila o ang pangako nila kaya napabuntong hininga na lang siya saka ngumiti at pinatay ang TV.
" Paniguradong nakalimotan na niya yon kaya okay lang na dito ako at magkita kami " ani Yna saka nilabas ang litrato niya at ni Kevin nong wedding nila sa resort saka ito pinagmasdan " Bakit ba kasi hindi kana bumalik " pagpunas pa nito sa photo frame nila.
I'm Yna Leng Alejandro, ang nag-iisang taong nabubuhay para mahalin ang taong kailanman hindi ako mamahalin pabalik. High school pa ako ganito na talaga ako magsalita dahil nabubuhay lang ata ako para sa pagmamahal ni Binbin. Anyway, gaya nang nabasa niyo I've my newly business, ang pagbubukas ko nang flower shop pero hindi talaga yan ang trabaho ko. Kundi isa akong writer, hindi ako sikat pero may mga napublished akong works at hindi talaga ako nags-stay or nagwowork sa isang company dahil ayaw ko yong wala akong karapatan sa oras ko basta kapag nagsusulat ako at may gustong bumili at ipublished nakikipag-negotiate ako pero may isang company din na ayaw akong pakawalan at hinahayaan nilang gawin ko ang gusto ko kaya sila lang din madalas ang nakikinabang sa trabaho ko kaya masasabi nating sila din talaga ang nagmamay-ari o sa kanila ako nagtatrabaho pero yon nga, hindi ako pumapasok sa kanilang company basta kapag kailangan ko sila tutulongan nila ako at kapag kailangan nila ako, ganon din ang ginagawa ko. Kagaya nang nalalaman niyo, ang huling pagkikita namin nang grupo ni Oli ay ang kasal ni Megan at Keir. Basta ang alam ko successful man na si Oli dahil madalas ko siyang makita sa TV, si Lay naman isang international model, si Nico naman ang humawak din sa business nila at for the information of all na fan nang whispers of tangled hearts ay engage na po sila ni April, at si Luke naman katulad ni Nico at Oli ay humawak din sa business nang parents niya, ayon sa kwento niya nong marriage ni Megan at Keir. At ang partner kong si April ay nagtapos din nang business administration to support Nico at ang mag-asawa kong Megan at Keir ay masaya sa buhay. Marami nang nagbago sa lahat, nagmatured, naging successful maliban saakin na hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang sarili ko para tuloyang mabuhay nang masaya dahil para saakin, ang nangyari kay Binbin ay malalim pa rin ang sugat nitong iniwan kaya nga minsan naiinggit ako sa lahat na masaya na at nakikita ang purpose nila sa buhay.
" Naku! ang dami ko na namang naiisip " pabagsak nitong higa sa sofa saka tumingin sa kisami nito " Yna Leng Alejandro. . saan naba patungo ang buhay natin, babae ka! " pagkausap pa nito sa sarili niya.