CHAPTER 120 Walang mapagsidlan ang saya ko habang hinihintay ko ang oras na babalik na kami sa kulungan. Nagtagumpay ako sa aking unang paghihiganti. Nawala nma yung takot kong pumatay. Hindi rin ako nakakaramdam ng pagsisisi sa aking ginawa. Nakatulog na muna ako sa aming kuwarto nang naalimpungatan ako nang madaling araw na at dinig kong parang dumating na motor. Sila na nga siguro ang mga hinihintay kong dumating. Bumangon ako at sumilip. Nakita ko sina Ate Faye at Tita Sussie na magkaangkas na dumating. “Kumusta Faith? Dito ka lang ba?” “Hindi ho,” sagot ko kay Tita Sussie. “Ibig sabihin nakapaghiganti ka ba? Nagawa mo ba ang personal mong lakad?” tanong ni Ate Faye sa akin habang tinatanggal niya ang helmet sa kanyang ulo. Ngumiti muna ako. Tumatango-tango at bakas sa aking muk

