CHAPTER 121 “Bumangon ka! Putang-ina, Faith! Hindi ako natutuwa sa nangyari sa labas kaya bumangon ka ngayon din at may pag-uusapan tayo!” singhal sa akin ni Warden. Noon ko lang siya nakita at narinig na galit sa akin. Noon lang ako nasabihan ng gano’ng salita. Hindi man diretsang sa akin ang murang iyon at maaring sa sitwasyon ngunit ang pagmumura niyang iyon ay indikasyon ng di na niya makontrol pang galit. Mabilis na nagrehistro sa utak ko ang kapalpakan ko kagabi. Iyon lang naman ang alam kong puno’t dulo ng lahat ng ito. Ibig sabihi, nakunan nga ako ng CCTV. Ibig sabihin malakas ang nakuhang ebidensiya at nakikilala ako. “Bumangon ka! Dali! Baka hindi ako makapagpigil at dito ko mismo pasasabugin ang bungo mo!” singhal ni Warden sa akin. Wala na yung utang na loob na sinasabi niya

