CHAPTER 111 “Ibig sabihin, tanggap na ako?” “Anong pinagsasabi mong tanggap ka na?” “Warden naman eh! Lumala na ang sitwasyon. Kita mo ngang nanalo na naman si Mayor sa halalan. Palakas nang palakas ang kanyang koneksiyon pati ang kanyang pinamumunuang sindikato. Kailan siya matitigil? Kailan kayo kikilos? Kapag hawak na niya ang lahat? Kapag naging senador na o kaya ay Presidente ng Pilipinas?” “Anlayo na agad ng narating ah. Andami mo na agad sinabi. Oo na. Sige na. Pumapayag na ako.” “Talaga ho?” “’Oo. Pumapayag na ako. Sandali lang ha. Umupo ka lang diyan. Subukan kong tawagan si Major General para makuha ang approval niya. Tatanungin ko rin siya kung okey lang sa kanya na ipasok kita. Hindi lang kasi ako ang nagdedesisyon dito. I can recommend pero sila pa rin ang final and last

