CHAPTER 110 “Ano bang iniisip mo?” balik tanong niya sa akin. “Ayaw kong mag-isip ng kahit ano pero gusto kong malaman kung anong meron? Kung anong pinag-usapan ninyo?” Huminga siya nang malalim. Umupo sa kama ko. Hinarap ko muna siya. “Kinausap niya ako tungkol sa’yo.” “Anong tungkol sa akin?” “Alam niyang hindi mo na siya haharapin pang muli. Na hindi na maayos pa ang gusot ninyong dalawa pagkatapos ang lahat. Mula sa kanyang testimonya hanggang sa hatol mo at nitong pinakahuling pinakamatindi na nangyari. Iyon ay ang pagpatay ng Daddy niya sa Daddy mo. Inihabilin ka niya sa akin, Faith. Umiiyak niyang sinabi na isusuko ka na niya sa akin. Na ako na lang daw ang bahala sa’yo tutal ako naman na ang pinili mo.” “At anong sinabi mo?” “Anong sasabihin ko? Kahit hindi niya iyon sabihi

