CHAPTER 115 “Tapos na ang gawin natin ngayon?” tanong ko sa dalawang kasamahan ko. “Iyon na ‘yon,” sagot ni Tita Sussie. “Mahaba pa ang oras ng paghihintay kung madaling araw pa tayo ibabalik sa loob ng kulungan.” Tinignan ko ang oras, alas-otso y medya pa lang ng umaga. “Paano? Uuwi na muna ako sa amin,” ani Tita Sussie. “Bibisitahin ko lang ang mga anak ko at bibigyan sila ng kanilang allowance. Sapat na oras para makasabay ko ng tanghalin at hapunan ang aking mga anak. Magkita-kita na lang tayo mamayang madaling araw rito.” “Ako rin, kailangan ko rin munang magpadilig sa mister ko at magbigay na rin ng panggastos nila,” sabi ni Ate Faye. “Ikaw Faith? Anong plano mo?” “Hindi ko pa alam. Uuwi rin muna sana ako pero wala nang tao sa amin. Nagtatago ang Mommy ko at ang kapatid ko.”

