CHAPTER 102 “Sabihin mo, mamaya. Susunod na lang siya ka’mo.” “Sige, sabihin ko.” Pagkaalis ni Tores, kinuha ni Rocky ang gitara. “Huwag ka na munang umalis. Dito ka lang muna. Hindi ka na nasanay kay Tores. Kahit hindi urgent o ASAP sinasabi niya ASAP. Mamaya ka na pumunta kay warden.” “Paano kung urgent nga? Bigla kasi akong parang kinabahan eh.” “Hindi ‘yan. Akong bahala sa’yo.” Nagsimula siyang tumugtug ng gitara at dahil mahusay naman talaga siyang tumugtog ay umupo ako sa tapat niya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Mabilis niya akong hinalikan sa aking pisngi. “Ikanta na lang muna natin ‘yang nararamdaman mo. Puntahan mo na lang mamaya si Warden kapag okey ka na” Kinindatan niya ako. Tumango ako. Masama pa kasi ang pakiramdam ko. Gusto kong ma-relax na lang muna bago

