CHAPTER 103 Walang tigil ang pag-iyak ni Hanna nang nasa hospital kami. Takot na takot siya sa lahat ng kaniyang mga nasaksihan sa aming pamilya mula sa pagkakakulong ko, ngayon naman ang aming mga magulang na. Naisipan kong gampanan na ang pagiging matapang na ate sa kaniya ngunit paano? Paano ko sasabihin sa kanya na kaya namin, na nandito lang ako para sa kanya kung alam ko sa sarili kong hindi na ako malaya para gawin iyon sa kanya. Pero kahit gaano kahirap sa akin, kailangan kong magpakatatag para sa kapatid ko. Ito lang ang tama kong dapat at kailangang gawin. Gagawin ko ito dahil nangako ako kay Daddy na ako ang titingin kay bunso noong mga bata kami. Paulit-ulit an sinasabi ni Daddy noon na kung may mangyari sa kanya o sa kanila ni Mommy, ako ang bahala sa kapatid ko kasi malaki a

