SHOOTER

2833 Words

CHAPTER 113 “Dito na muna kayo mag-eensayo. Tutulungan ka nina Faye at Sussie sa mga training mo. Kung nakikita nila na kaya mo na, ikaw ang gagawa at papatay sa subject pero kung hindi pa, please do observe and learn. Yung bayad ninyo bukas na ng madaling araw kapag natapos ninyo ang pinagagawa sa inyo. Faye at Sussie, siguraduhin na muna ninyong maturuan ninyo yang si Faith bago isalang ‘yan. Hindi tayo pwedeng mabulilyaso. Hindi dapat mabuhay ang lahat ng inyong itutumba.” “Kami na ang bahala sa kanya,” ani Faye. “Iyon yung mga motor na gagamitin ninyo bukas. Isa sa isang motor, angkas yung dalawa. Eto ang mga susi at kayo na ang bahala.” Iniabot ni Lauren ang susi kay Sussie. “Bakit dalawang motor lang?” tanong ko. “Marunong ka bang magmotor?” curious na tanong ni Sabel sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD