CHAPTER 117 Kinagabihan nang araw ring iyon, naghanda na ako para kitain si Darren Roxas. Ang siyang unang aking pakay na sisingilin. Hindi ako babalik sa kulungan nang walang napaghihigantian. Madali kong natunton ang bar na sinabi niya sa akin. Nasa waze kasi kaya hindi na ako naligaw pa. Kahilera lang pala ito ng mga comedy bars sa may Timog. Ipinarada ko ang magara kong motor sa tabi ng ilang mga motor na naroon. Nakaramdam ako ng excitement at hindi ang kaba. Ito na ag matagal ko nang hinihintay. Hindi ko alam kung nauna nabg dumating si Roxas sa loob ngunit kailangan kong magbakasakaling mauna. Iniwan ko na muna sa bag ko ang aking baril na aking inilagay naman sa compartment sa may upuan mismo ng aking motor. Hindi man magkasya ay pilit kong isiniksik sa baba ng upuan nito at sin

