CHAPTER 105 Naging maganda ang lagay ni Mommy. Sa awa ng Diyos naging stable siya. "Ilang araw akong walang malay anak?" tanong niya sa akin. "Halos tatlong araw po, Mom." "Gusto ko sanang makita ang labi ng Daddy mo, anak." "Magpalakas ka muna Mommy. Dalawang linggo naman ang burol ni Daddy kaya may sampung araw pa ho. Nagdesisyon ho akong gawing dalawang linggo ang burol dahil gusto ko makita mo muna siya bago natin siya ihatid sa kanyang huling hantungan." "Anak, baka mahuli kang lumalabas sa kulungan. Hindi sa ayaw kong nandito ka pero natatakot akong baka ikapahamak mo pa. Huwag mo na akong intindihin muna rito ha? Huwag mo na muna akong bantayan. Kung gusto mo at kung papayagan ka ni Warden, doon ka na lang muna sa Daddy mo. Ilang araw mo na lang makakasama ang Daddy mo kaya doo

