Chapter 2

828 Words
Chapter 2 Pagkatapos ng klase. Isa-isang nagsilabasan ang mga estudyante. Nang palabas na ng classroom ang grupo nina Nathan humarang ang kanilang professor. Halatang ang target nito ay si Skyler. How unprofessional. Sabay irap ni Sky. "Skyler Sanchez. Now I remember your name" he said with an evil smile. Anong pinaplano niya? Baka nakakalimutan niyang teacher siya? Huwag mong sabihin papatulan niya ang isang estudyante dahil lang sa isang maliit na pagkakamali? Naiinis si Skyler pero pinilit niyang ngumiti. "Yes sir Cortez" "I just found it interesting. Your name seems familiar." lumapit ito kay Sky. "Hindi pa ko tapos sayo. Mukhang matagal tagal pa tayong magkakasama. Let us enjoy the company of each other Mr. Sky" at nauna itong lumabas. Akala ni Zidane kagaya ng last year ay magiging boring ang school year na ito. Pero mukhang nakahanap siya ng dahilan para mag-enjoy. "Pinagbabantaan ka ba niya? Bawal yun hah" si Ivan iyun. "walang bawal dun dahil technically wala naman siyang pangit na sinabi....... so far" sagot ni Nathan sa kanya. "pero tingin ko kailangan mo magready lagi. Baka pag-initan ka niya especially sa klase. Bakit mo ba naman kase siya inaway" alam naman ni Nathan na may pagka matapang ang best friend niya. Kaya minsan nakakalimutan niyang kilalanin kung sino ang inaaway niya. "Malay ko bang prof pala naten siya. Saka nagsorry ako nung una sa kanya hah." Porket teacher siya magmamatigas siya. Tsk! "Mukhang may problema kayo sa prof naten hah" concern ni Jaspher sa kanila. Lumapit ito sa kanila. "Ano bang nangyari?" "As you can see. Medyo nagkaengkwentro itong si Sky saka si sir Cortez kaya ayan ang special niya tuloy kay sir. Pinakauna niyang tinandaan ang pangalan niya" may halong pang-aasar ang pagkakasabi nito. "Hayaan niyo na. It's not that a big deal. Kumain nalang tayo ng mawala ang stress ko" yaya ni Sky sa kanila. *** Habang papunta sila sa canteen. Meron isang babae na lumapit sa kanila na mukhang natatakot at nanginginig pa ang mga kamay "tulungan niyo ko. Tulungan niyo kami. Yung mga kasama ko. Binubugbog sila"          Mabilis na pumunta ang apat sa kung saan ang itinuturo ng babae. Nadatnan nila ang sitwasyon kung saan binubugbog ang isang lalake ng mga lima pa. Habang pinipilit niyang i-cover ang babae na kasama niya. Mukhang taga-ibang school ang limang lalake. "Hoy! Itigil niyo nga yan" sigaw ni Jaspher. "Hindi kayo nahihiya. Pinagkakaisahan niyo sila knowing mas marami yung bilang niyo". Jaspher may seems gentle. Pero ready siyang ipagtanggol ang isang tao kapag alam niyang mali ang ginagawa sa kanya. "In short, gusto niyong sumali?" sagot ng isa sa kanila. "Wala kaming planong sumali. Pero mali yung ginagawa niyo. Saka trespassing kayo sa school namen" "Wala kayong pakealam. Oh baka gusto niyo ding masaktan kagaya nila?" "I-rereport namen kayo sa guidance" banta ni Nathan. Hindi naman kase niya feel makipag-away. Jusko sa ganda kung to makikipagsuntukan ako? Natawa lang ang mga lalake. "Sumbungero lang pala eh. Bakit hindi na lang kayo umalis at magtago sa saya ng mga nanay niyo" at nagtawanan pa sila. Nainsulto si Nathan sa sinabi ng mga lalake. Sa sobrang inis ni niya ay kumuha siya ng bato at ibinato sa isa sa kanila. Ilang segundo pa ay narealize nalang nila na nakikipagsuntukan na din sila sa mga lalakeng yun. Ito ang unang pagkakataon na makipag-away si Nathan. Hindi siya pamilyar sa sakit ng katawan na nararamdaman niya ngayon pero wala siyang pakealam. Mas naiinis siya sa idea na may mga tao na basta nalang nananakit ng iba dahil lang sa yun ang satisfaction nila. Naiinis siya sa mga taong hindi man lang kayang magpakatao sa mga kapwa nila. Hindi nila napansin na may mga guard na pala na umaawat sa kanila. "awat na!" sigaw ng isang guard. "Bawal yang ginagawa niyo." "Pero sir pinagtatanggol lang namen ang mga sarili namen dahil sa mga bully na yan" reason out ni Sky. "Sa guidance niyo nalang ipaliwanag ang lahat. Sumama kayo saken" *** Pagdating sa guidance. Wala pa ang guidance councillor kaya kinailangan muna nilang maghintay. "Pasensya na nadamay kayo" nahihiyang bulong ng lalake na tinulungan nila. "Huwag mong isipin yun. Konsensya nalang namen kung hindi namen kayo tinulungan" sagot ni Nathan. Napangiti ang lalake. "Pero bilib ako sayo" complement ni Ivan "pinilit mo talagang protektahan yang kasama mo" "Syempre, magkaibigan kami kaya proprotektahan ko siya." napansin ni Sky na medyo nag-iba ang facial expression ng babae sa sinabi nito. Napailing ito. Akala niya nung una ay magkasintahan sila. Maybe it is one sided. "pamilyar kayo saken. Kaklase ba namen kayo?" Tumango sila. "Ako si Anthony. Ito si Daniella" turo nito sa babaeng pinagtanggol niya kanina. "Siya naman si Cassandra. Cassey for short" sabay turo sa babaeng humingi ng tulong kanina sa kanila.          "Maraming salamat sa pagtulong samen. Pero ito tuloy yung kinahinatnan naten" tugon ni Cassey sa kanila. Hindi niya gustong madamay ang kung sino man sa g**o nila. Pero hindi din kase niya alam kung ano ba ang gagawin nung mga oras na yun. "Okay lang naman. Alam ko naman na nasa tama tayo. Kaysa naman pabayaan namen kayo" Ilang sandali pa ay dumating si Ma'am Lily. Ang guidance ng school nila kasama niya ang kanilang professor. Are they couple? Pare-pareho ang iniisip nilang lahat. "Anong problema?" tanong nito sa mga guard habang isa-isang silang tinitignan. ........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD