Chapter 1
Chapter 1
Lahat naman siguro nararamdaman ang ganito. Magkahalong kaba at excitement dahil sa first day of school. The thing is college na ako pero kinakabahan pa rin ako sa panibagong environment. Ganon yata talaga kapag introvert ka. Nasaan na ba kase ang best friend ko? Pati ba naman sa college late pa rin siya?
Kinuha ni Nathan ang phone niya at tinawagan si Skyler. Ang bestfriend niya since senior high school. Mas magiging malakas sana ang loob niya kung magkasama sila.
"Hoy! Saan kana?? Huwag mong sabihing magpapalate ka?"
"Hindi hah. Nasa may bungad na ko ng gate. Hintayin mo nalang ako diyan sa classroom." sagot ng nasa kabilang linya.
"Bilisan mo. Naiilang ako. Wala akong kasama dito"
Pagkababa naman ni Skyler sa phone niya ay patakbong sana ito papasok ng gate ng matamaan niya ang isang lalake na may hawak na kape. Natapon ang kape sa damit nito.
"I'm sorry."
"Hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo!" sigaw ng lalake.
"Wait lang hah. Ikaw kaya ang pakalat-kalat. Nasa may daanan ka, try mo kayang tumabi" pagsusungit din ni Sky.
"Aba! Ang lakas ng loob mong sigawan ako hah. Kilala mo ba kung sino ko? Teka bago ka ba dito?"
"Wala akong pakealam kung sino ka. Tumabi ka nga" at tumakbo ulit ito.
Badtrip naman. First day palang may nakaaway na kaagad ako. Buti nalang hindi pa kailangang mag-uniform ngayon, hindi niya malalaman kung anong course ko.
Habang naghihintay si Nathan may isang lalake na lumapit sa kanya. "Hi. Wala ka bang kasama?"
Medyo kinabahan si Nathan dahil hindi siya sanay makipag-usap sa ibang tao. "M-meron. Pero padating palang"
"Hah atleast pala may kakilala ka. Wala ako kakilala sa mga kaklase naten kaya nakakailang. Okay lang ba na dito muna ko habang wala pa yung kasama mo?" nahihiyang tanong nito.
"Okay lang naman. Kung gusto mo diyan ka nalang umupo muna" bahagyang naging okay si Nathan ng mapansin na mabait naman ang lalake. Atleast magaan ang aura niya.
"Ako pala si Mark Ivan. Anong pangalan mo?"
"Nathan."
"Yung kasama mo anong pangalan?"
"Skyler."
"Uhm. Why you choose psychology?"
"I want to know more about myself"
Bahagyang nalito si Mark Ivan sa sagot nito. "How could you say that? Of course you know yourself. Ikaw ang higit na nakakakilala ng sarili mo"
"Usually oo at sana applicable din saken yun" malungkot na tugon nito. Nararamdaman yun ni Ivan and somehow he feel sorry for him.
Magtatanong pa sana si Ivan ng biglang pumasok na si Skyler. Mukhang wala ito sa mood.
"Oh? Napano ka?" tanong ni Nathan sa kanya.
"Nakakainis. Nung papunta ako dito may nakabangga akong lalake, nagsorry naman ako pero sinungitan pa din ako kaya ayun. Nagkasagutan kami. Bwiset yun. Panira siya ng araw ko" sabay bagsak ng bag nito sa upuan. Nang medyo makalma siya napansin nito ang lalakeng nasa kabilang side ni Nathan. "Sino siya?"
"Siya si Mark Ivan kakakilala palang namen ngayon"
Bahagyang ngumiti si Skyler "Wow improving. Marunong kana makipagkilala ngayon hah. Alam mo Ivan mahiyain kase yan kaya mabuti nalang nakilala ka niya. May makakasama siya bukod saken. Ako pala si Skyler"
Nginitian siya ni Ivan "I know. Sinabi na niya kanina yung name mo. Pareho lang kaming may pagkamahiyain kaya lang mag-isa lang siya kanina dito kaya feeling ko madali siyang i-approach."
Tumango ito. "You are free to join us. Nice to meet you"
"hah. Maiba ako." singit ni Nathan "Kailan ka lilipat ng tutuluyan? Yung sinasabi ng mama mo na inaanak niya?"
"Hah yun ba. Baka bukas nalang nag-aayos pa ako ng gamit eh."
"Magiging okay ka lang ba?"
"Oo naman ako pa ba. Madali naman ako makapag-adapt" sanay naman makisalamuha sa kahit sino si Skyler pero kahit papano kinakabahan din siya sa kung anong klaseng ugali meron ang inaanak ng mama niya.
Hindi nagtagal ang pag-uusapan nila dahil pumasok na ang kanilang professor. Nagulat si Skyler ng makita ang mukha ng kanilang professor. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang mukha ng hawak niyang notebook.
Shit! Seryoso ba to?!
Nagtaka ang bestfriend nito. "Anong ginagawa mo?"
"s**t. Siya yun. Yung inaway ko kanina"
"Ano?!" medyo napalakas ang boses nito dahilan para mapansin sila ng kanilang professor. Mabilis niyang nakita si Skyler.
I found you.
"Keep quiet please" nagwalang bahala nalang ang professor nila, na kunwari ay hindi niya nakikilala si Skyler. "I'm sorry if I'm a little bit late. May bumangga kase saken kanina at natapon ang iniinom kong kape sa damit ko. After ng ginawang yun ay tinarayan pa ko. Kinailangan ko tuloy magpalit muna" tumingin ito kay Skyler na medyo naiilang naman. "By the way, I'm Zidane Cortez. I am your professor in Child and Adolescence Development."
Hindi maiwasang kiligin ng mga babae nilang mga kaklase dahil medyo bata pa at gwapo ang kanilang professor.
"Whoa. He is quiet popular" bulong ni Ivan na inirap naman ni Skyler.
Naging gwapo lang tinitilian na. Hindi nga nila alam kung mabait ba siya o strict eh. Gay ako pero hindi ako kinilig sa kanya nung una kaming nagkita.
Nagsimula ng mag-introduce ng subject ang professor nila ng may pumasok na isa pang lalake. Gwapo ito, matangkad at may pagkamoreno. "Prof. sorry po nalate ako"
Parang tumigil ang mundo ng mga kababaihan dahil sa gwapo ng bagong dating. Bahagya ding natigilan si Nathan sa kanya.
"You are?"
"Jaspher Arceo po" Parang automatic na ngsave sa memory ni Nathan ang pangalan niya.
"Okay. Next time don't be late. Pagbibigyan kita ngayon dahil first day palang. Maghanap ka na ng mauupuan"
Habang naghahanap ng upuan ay napatingin ito kay Nathan na nakatingin pa rin sa kanya. Ang cute niya. Napakakinis at puti ng balat niya compare sa iba. Mas makinis pa nga ata siya kaysa sa mga kaklase nameng babae. Bakiy parang pamilyar siya? Nagkita na ba kami sa kung saan?
"Dito ka nalang" alok ni Skyler. "Wala naman nakaupo dyan" gumanti ito ngiti sa kanya. "I'm Skyler. Nice to meet you"
"Ako si Ivan" singit naman ni Ivan. "ito si Nathan" sabay turo sa bagong kaibigan na tahimik lang na nakatingin kay Jaspher.
This kind of feeling. It's weird. How come you met a stranger but it feels like you already know him a long time ago. Para bang kilala siya ng puso niya.
"Nagkita na ba tayo before?" nagulat si Nathan ng marinig ang tanong na yun sa kanya. Gusto din niya kaseng itanong yung bagay na yun.
"Hindi ko din alam. Pero mukhang pamilyar ka saken"
Ngumiti ito na nagpa skip ng heartbeat ni Nathan. Why do I have this kind of feeling?
"Actually, akala ko nakita na din kita before."
"Ehem." interrupt ni Sky. "Kayo nalang kaya ang tabi? You seems like flirting habang nakagitna ako sainyo"
"Ano bang sinasabi mo." sabay kurot ni sa braso nf best friend niya. Nahihiya siya sa mga sinabi ni Sky. Natatawa nalang si Skyler sa kanya.
"Joke lang."
First day palang may crush na agad yata ang best friend ko.