"Does it hurts, tito?" pinipigilan ni Noraisa na 'wag mapangisi habang tinatanong ang kanyang tito David. Pa simple s'yang hinila ng kanyang tita Rebecca. Napanguso lang s'ya sabay simangot. "Yeah, ang lakas n'yang sumipa," sagot naman ni David. Sa ganoon silang tagpo nang dumating si Jamal at Orland. Nagulat pa nga ang mga ito nang makitang gising na at nakakatayo na si David. Napasinghap si Jamal. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang magigising pa si David. Ilang buwan din itong nakaratay sa higaan nito at tanging tubo lang ng oxygen ang bumubuhay dito? "David," mahinang sambit ni Jamal. Napalingon ang lahat sa kinaroroonan nina Jamal at Orland. Nakaalalay si Orland sa kapatid na babae. "Ikaw ba talaga 'yan, David?" paniniguro pa ni Jamal. Napalingon si David sa pamilyar na boses n

