"Why did you stop?" medyo nainis si Yana sa ginawang paghinto ni David sa paghalik sa kanya. Sumimangot siya. "Cover your neck, nasundan tayo ng kuya mo. Hindi ko akalaing masyado palang protective si Orland sa inyo. I get him naman, may kapatid at pamangkin din akong babae. Normal lang na gawin niya iyan sa inyong mga kapatid niyang babae," sagot ni David kay Yana. Saka may narinig silang katok sa bintana ng kotse ni David. It was Orland. Seryoso ang mukha. Binuksan agad iyon ni David. "What?!" iritadong tanong ni David kay Orland. "Itigil niyo muna 'yan, for God sake Montenegro hindi ka ba makapaghintay?!" asik ni Orland sa binata. "Don't be so stupid Maxwell hindi ba't mas na una ka pa ngang naka-score," David smirked at mabilis na In-on ang ignition ng sariling kotse at iritado

